Brix's POV
Umuwi na ako sa bahay namin matapos ang pangyayari kanina sa mansion nila mommita. She's so damn hot and sexy! Lalong lalo na sa suot nya kanina na backless na bra at sexy short at sinamahan nya pa ng sunglasses para mag mukha syang cool at astig. Grabe lang ang ganda nya. Pero natawa ako kanina sa reaksyon nya nang naghubad na ako sa harap nya mismo. Namumula sya at natataranta kaya siguro yun umalis.
Super ang saya ko. Lalo pa nung ginamit ko ang mga mata kong nakakatunaw at walang sino mang tao ang kayang tumitig. Seryoso akong tao, pero this time mas natatawa pa ako sa babaeng yun kaysa sa mga na una.
Yes of course, I'm a bad boy. And a playboy. Haha! Pero mabait naman ako. Kasi parang laro lang ang pag ibig nato sa akin no.
Makapag pa gwapo na nga, mamamasyal kasi kami mamaya. So, gusto kong makita ang reaction nya ulit kung gaano ako ka gwapong nilalang. Syempre joke! Pero totoo gwapo ako.
Nasa harap na ako ng salamit at nag papa gwapo. Di ko pinapakita sa iba ang tunay na ako. Kaya sa paningin nila parang seryosong seryoso ako, well nag kakamali sila. Dahil di nila alam ang tunay na ako.
"Brix! Nandito na sila mikha at yung kambal mo sa baba. Hinihintay ka na nila, mamamasyal daw kayo." Sabi ni mama ko na nasa harap ng pintuan ko habang kumakatok.
Yan na! Excited na ako. Brix! Kailangan seryoso ka! Wag mong ipapakita ang tunay na ikaw. Saka na lang hehe. Ready to go.
"Opo bababa na!" Sigaw ko rin kay mama.
Pagkababa ko ng hagdan bumungad sa akin si mikha at yana na naka upo at naghihintay na pala sa sofa.
"Brix! Ang tagal tagal mo. Magagabihan tayo nito oh!" Sigaw ng kambal ko.
Seryoso ang mukha ko. At tinaasan ko sila ng kilay. "Magpapasama lang kayo kaya wag kang magalit yana. At isa pa. Anong gagabihin! 1:34 pm palang uyy!" Seryosong sabi ko sa kanila.
Si mikha naman parang takot at galit sa naging expresyon ko. Oops! Sorry mikha but i have to do this.
"Oo na oo na. Tara na brix ang hangin talaga!" Pang aasar sakin ng kakambal ko. Tsk. tsk.
Naglakad kami pumunta sa school. Gusto daw kasi ni mikha pumunta dito kaya dito kami pumunta.
"So, mikha. May boyfriend ka na ba?" Tanong ng kambal ko habang nakatingin si mikha sa mga mag boyfriend at girlfriend na nasa harap ng school namin.
"W-wala ah!" Sagot nya na nauutal.
"Oh? Bat ka na uutal haha! Eh crush?" Tanong ulit ni yana.
"Wala din" sagot nya ulit. Baliw ba to? Posible namang wala syang crush? Baliw lang ang walang crush no!
"Ahh.." tumangong sagot ni yana.
Umupo kami dito sa ilalim ng puno. Maganda ditong pagtambayan kasi may mga upuan at may mga lamesa na din.
"Maganda tong school nyo." Sabi ni mikha. Na palinga linga sa buong school namin. Maganda naman talaga ito eh. Malinis pa.
"Salamat hehe." nahihiyang sagot ng kambal ko. "Teka lang mikha ah. Brix. Paki bantayan nga muna si mikay... bibili lang ako ng tubig natin" sabi nya at nag evil smile sya bago umalis.
At ngayon kami na lang ni mikha ang mag kasama ngayon. And guess what? Seryoso parin ang mga tingin ko. At mukha ko.
Nagsalita sya dahilan kung bakit nabasag ang katahimikan.
"Marunong ka pa lang mag gitara?" Tanong nya sa akin na hindi makatingin tingin ng diretso sa aking mga mata.
Tinaasan ko sya ng kilay at sinabing. "Nakita mo naman siguro ako noon diba? Di nga ako maka pag concentrate nung una dahil di mo maalis alis ang tingin mo sa akin." Pagmamayabang ko.
YOU ARE READING
When Do I Start? (On Going)
Teen FictionI wish I could probably back the time, I doubted my self in my past and now. It hurts, it hurts so much... He not even understand my feelings yet I understand his mine. Yes, i did not fight for him, and why is that if he destined in another girl? A...