Mikha's POV
Nagising na lang ako ng may kumakatok sa suits namin ni yan. Si yana nasa banyo at kumakanta. Well, syempre masya sya dahil nanalo sila. Eh di sila na!
"Mikha! Gising na ta buksan mo yung pinto may kumakatok oh!" Sigaw ni yana sa banyo.
"Oo! Saglit. Bwisit sino ba kasi tong istorbong tao na to!" Sabi ko habang lumalakad papunta sa pinto. Wala na akong paki alam kung may muta man ako o magulo ang buhok ko. Inaalala ko ngayon kung paano pagalitan ang taong iniistorbo ang natutulog!!
Bubuksan ko na yung door ng suit namin gamit ang galit kong mukha. Kaasar kasi! Huminga muna ako ng malalim para may lakas akong sumigaw. Binuksan ko na yung pinto at...
"What the he--" naputol ang sasabihin ko dahil nakita ko si brix na maganda ang ngiti sa labas ng pintuan. Shocks! Saglit!
Sinara ko agad yung pintuan at nag ayos ng buhok at chineck ko muna talaga kung may muta pa ako. Wala naman eh. So sinuklay ko muna ang buhok ko at bigla ulit syang kumatok.
"Happy morning mikay!" Bati nya at kumakatok pa din. "Open the door. I want to give you breakfast." Sabi nya. At bigalng tumunog ang tyan ko. Gutom na ako. Pero bat ganun? Eh ang daming ko namang kinain kagabi na icecream ah.
"What food?" Tanong ko. Bigla akong suminghot. Oh no! Bat ngayon pa sipon? Ha?
"Pancakes and egg sandwich." Sabi nya at singhot parin ako ng singhot kaya kumuha muna ako ng tissue.
"Wait." Sabi ko. Nakakahiya tumutulo sipon ko. Nakahawak ako ng tissue at binuksan ang pintuan. Nakita ko ang expression ng mukha nya. Yung ngiti kanina at boses nyang masigla ay napalitan ng lungkot at pag aalala.
"I told you yesterday. Don't each too much icecream. Tignan mo ang nagyari." Sabi nya. Bat ba ganyan ka concern yan? Gusto nya siguro ako. Joke! Hihihi di naman ako assumera no. Imbes na papasukin ko sya di na lang ako nagsalita at kinuha yung dala nya.
*singhot*singhot*
Ano bang ilong to! Umiiyak! Bwisit na sipon na to oh.
Nilapag ko na yung mga dala nya at sinimulan ko ng kumain.
Umupo sya sa tapat ko na may dala dalang isang basong tubig at gamot.
"Para saan to?" Sabi ko na kunwari nagtataka. Sipon lang to no! Naalala ko tuloy sila mommy at daddy daig pa ni brix kung mag alala sa akin eh bilin lang naman ni lola yun. Tsk tsk.
"Isn't it obvious? Mikha." Sabi nya. "Inumin mo yan. Mag swi swimming pa tayo mamaya sa dagat. Ayaw mo nun?" Sabi nya.
Nagningning naman ang mata ko at agad ininom yung gamot. Excited akong magbabad sa dagat. Ang init init kasi!
"Silly girl. Eat well." Sabi nya at pinitik yung ilong ko.
"Tsk. Ano bang trip mo? Lagi mo na lang pinipitik tong ilong ko ha!" Sigaw ko sa kanya.
"Oh! Haha. You're nose is color red, because you have colds. Haha!" Sabi nya at natawa. Bigla ko namang hinawakan ang ilong ko at sumabat sa kanya.
"Bakit! Red ba ang ilong ko kahapon at pinitik mo rin? Ha?" Sabi ko at tinatakpan pa rin ang ilong ko.
"Haha!" Tawa nya. "No, that's my endearment to you." Sabi nya at agad ko namang pinagtaka.
"Endearment? Diba ang endearment eh yung unique na pag tawag sa isang tao na may meaning." Sabi ko. Di ko din sure kung tama nga. Base on my Observation ko lang naman sa mga mag jowa.
"Hmm.. parang ganun na din. Pero hindi pagtawag ng unique names ang gagawin ko kundi ang pag pitik ng ilong mo. And you know what?" sabi nya.
"What?" Sabi ko At kumain na. Syempre tinanggal ko na rin yung kamay sa ilong ko no!
"Because your cute."sabi nya at nag wink. At di ko naman na mamalayan na kumakain pala ako at at linunok kaagad ang nasa bunganga ko. Oo tama! Na bilaukan nga ako dahil kay brix!
Kagabi beautiful ngayon cute? The hell!! Mababaliw na ata ako. Agad naman nya akong binigyan ng tubig at ininom ko.
"Are you okay?" Tanong nya.
"Kita mo namang hindi diba!" Sigaw ko at umirap. Jusko to eh. Kung hindi lang gwapo kanina ko ba binalibag sa sahig!
Nagulat ako ng tumayo sa at pumunta sya sa likod ko para hagudin ito.
"Mikha sino yung pumas---" nagulat si yana ng makita kami ni brix! Eh ano ba yan! Ano sasabihin ko!!!
"Hi yana." Bati nya sa kakambal nya.
"Brix anong ginawa mo sa kanya." Sabi ni yana at lumapit sa amin.
"Nabilaukan lang ako." Sabi ko sa kanya.
"Ahh... sige nakakaistorbo ata ako. Whoo!" Sigaw nya at pumasok na sa kwarto nya. Bwisit si yana eh. Ano ba yan!
---------------
Nandito kaming lahat sa mismong dagat. May games o activities na naman kasi silang ipapagawa sa amin at yun ang volleyball dito mismo sa dagat. Mahirap gumalaw dito lalo na't may mga maliliit na alon na sumasabay. Bat kasi hindi na lang sa pool o kaya naman sa wave pool diba? Ganyan din ang tanong ko kanina. Baka mapahamak lang kami nito. Well, para daw my trill. Anong trill to ha?! Yung buwis buhay. Pero dapat talagang ngingiti ka dito dahil may mga photographers na kumukuha ng mga litrato. Ito yung pag e-endorse nila sa beach and resort na to. hayy.... ewan!
Girls Vs. Boys. Syempre nanalo ang boys. Ikaw kaya mag patianod sa alon. Ni hindi ko nga mahawakhawakan yung bola kanina. Hay! Stress.
"Ang itim itim ko naaa!!" Reklamong sigaw ni yana dito sa suit. Katatapos lang kasi namin at mag papalit na kami para sa lunch.
"Sabi ng wag na tayong sali eh!" Sabi ko at nagpapahid ng lotion sa katawan ko.
"Ahh.. gusto mo mapagalitan ka ni sir. Ganun ha aber?!" Sabi nua oo nga no. Baka pauwiin kami dito. Bukas may hiking kami eh.
"Tara na sa baba. Malapit na tayong mag lunch! Gutom na din ako." Sabi ko kay yana habang nag aayos na.
"Saglit lang!" Sigaw ni yana ng nakalabas na ako sa suit.
Pagkatapos naming mag lunch. Nag pasyal-pasyal muna kami dito, wala daw munang mga activities na ipapagawa para daw makapag pahinga kami para din bukas! Hiking ehh!
Habang nakahiga kami ni yana dito sa pool side couch at umiinom ng juice, naisip ko kung kailan sila mag uumpisang sakyan ang mga rides dahil yun yung price nila sa unang activity namin. Ok fine! I'm intensively insecure. Gusto ko talaga eh...
"Yana! Kailan pala kayo mag sisimulang sakayan lahat ng extreme rides dito?" Sabi ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa pool.
"Well, kanina sana kaso ayaw ni warren, pagod daw sya at ako din no! Pagod ako, pagod kaming pareho. Pero, kinausap ko sya kaninang lunch time. Sabi nya paglatapos na lang daw ng hiking. So baka hapon na." Sabi nya habang naglalaro sa cellphone nya.
"Hapon? Edi delikado yun baka gabihin kayo." Sabi ko sa kanya at tinuon ko lang ang atensyon ko sa pool.
"Pero ang sabi mas maganda daw dun para makita mo yung sun set. Diba unique? Kasi sa mga ibang tao ang alam nilang maganda sa tabi ng dagat. Aware din ako sa sinasabi ni warren. Why not diba? Tutal may point sya." Sabi nya.
"Ahhh.." sabi ko na lang kay yana. Psh! Ang boring nakakabingi ang katahimikan dito.
"Yana. Pwede bang mag tanong?" Sabi ko sa kanya dahilan para mabasag sa amin ang nakakabinging katahimikan.
"Nagtatanong ka na." Sagot nya na busy pa rin sa pag kulikot sa cp nya.
Binatukan ko na!
"Aray naman mikayyy!" Reklamo nya at napatingin sa akin.
"Seryoso ako yana!" Sabi ko sa kanya.
"Bakit mukha ba akong di seryoso aber ha?!" Sabi nya sabay irap. At tinuon na ang kanyang pansin sa cp nya.
Nagbuntong hininga ako. Para makapag isip at pag masdan ang nasa paligid. Ilang minuto na ang nakakalipas. Ang boring. Lutang akong nanonood ng mga taong nasa pool ngayon. Habang si yana ayan busy pa din!
Nagulat na lang ako ng bigla akong nag salita ng napaka out-of-the-blue na tanong.
"Yana. M-may naging girlfriend na ba si brix?"
YOU ARE READING
When Do I Start? (On Going)
Teen FictionI wish I could probably back the time, I doubted my self in my past and now. It hurts, it hurts so much... He not even understand my feelings yet I understand his mine. Yes, i did not fight for him, and why is that if he destined in another girl? A...