CHAPTER 6

3 0 0
                                    

Ruffy Jill

"Jill..."

Napa-angat ako ng tingin  kay Mark ng tapikin ako nito sa balikat. "Nakatulog ka na riyan. Out mo na." sabi niya sabay lapag ng isang mangkok sa mesa.

"Ganun ba. Sorry nakatulog ako."

Sobrang napagod kasi ako sa araw na ito. May isang bus kasi ang naaksidente malapit dito sa ospital. Kaya maraming sugatan ang sinugod, kaya nag ayos kami ng mga ward na bakante.

"It's okay. Tapos mo naman na yung mga pasyente mo diba? Sa dami ba naman ng ginawa natin. Kain tayo." alon niya.

Tinignan ko ang iba kong kasamahan, bagsak din. Talagang mga napagod.

" Salamat, bihis lang ako." hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumiretso na ako sa banyo.

Madaling araw na naman. Ilang araw na naman mababago na shift ko.

"Jill... alam mo ba pumunta dito yung mga papabols na mga anak ng stock holders ng ospital. Even the only son of the owner, nakoooo tulog ka kasi kaya ayon di mo nakita napadaan sila dito." bungad ni Mark ng makalabas ako ng banyo.

"Ganun ba..." nasabi ko na lang, hindi naman kasi ako interested. Napa-ngiwi na lang ako sa pagpapantasya ni Mark.

"Oo. Huwag kang gumanyan nako, kung makita mo lang yung pitong ginoo na yun. Adonis bebe girl!" impit na tili niya.

I just gave him a slight smile. Sorry Mark, I'm not interested.

"Hm. Sige Mark, out na ako... Salamat." sabay kaway ko sa kanya.

"Okay. Ingat ka."

Pagbaba ko sa lobby binati pa ako ng ibang nurse. As usual I just gave them a smile. Sobrang antok ko na para makipagdaldalan sa kanila.

Hindi naman kasi ako social butterfly. Pero dahil nurse nga ako, kasama pa rin ang makihalubilo sa mga tao. Social pa rin yun.

"You freakin'— Ugh!"

Napanaling ako ng tingin sa babaeng nakatayo malapit sa waiting shade na kinaroroonan ko. Mukhang badtrip.

Inignora ko na lang siya at naghintay na lang ng taxing pwedeng masakyan pauwi. It's her business na 'yun para paki-alaman ko pa.

Luminga linga ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ko si Juan.
Malay ko ba kung andito na naman 'yun.

Kabute 'yun e. Susulpot na lang. Hindi naman ako umaasang susunduin ako ni Juan. Nilimitahan ko na ang sarili ko matagal na sa mga ganitong sitwasyon.

Don't assume. Don't expect.

Napa-upo na lang ako sa tagal kong nakatayo. Ilang minuto na ang lumipas ng wala pa ring taxi ang napapadaan.

"Waiting for someone?" Napa-angat ako ng tingin sa babaeng nakatayo sa harap ko.

Siya yung babaeng sumigaw kanina.

Napa-iling na lang ako sa kanya. "Taxi lang... hindi someone."

"Oh... sorry." sabi niya at umupo sa tabi ko. " Nakaka-stress ang gabi na 'to! My God!" sigaw na naman niya.

Just One DayWhere stories live. Discover now