CHAPTER 5

2 2 0
                                    

Ruffy Jill

Day off ko ngayong araw, kaya naisipan kong gumawa na lang ng mapagkikitaan.

Walang istorbo ngayon, kaya walang gugulo sa isip ko.

It's a peaceful day.

Gagawa na lang ako ng yelo para ibenta sa mga kapit bahay. Magpapaskil na lang ako sa labas ng gate ng 'ice for sale'. Mainit ngayon kaya kailangan ng mga tao ang pangpalamig.

Wala namang masyadong laman ang freezer ko. Sayang kuryente.

Mamaya gagawa din ako ng pastillas at yema para ibenta sa mga katrabaho ko.

Sa ilang taon kong pagsu-solo marami akong natutunan. Imbes na magmumok ako, mas pinili kong manuod sa youtube ng videos.

Paggising ko na lang isang araw, gumagawa na ako ng pastillas at yema. Pati nga ice candy 'e nagawa ko. Pero ako lang kumakain.

Naging positibo naman ang epekto ng pagiging depressed ko sa mga panahong iyon. Thank God!

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng shorts ko.

Nurse Mia:
Daan ka dito, ng matikman yang pastillas at yema mo. Hahaha🤘🏻😂

Napatawa naman ako ng konti sa emoji na gamit niya, rock'nroll lang?

Pinagpatuloy ko na lang ang pag gawa ng mapagkikitaan.
Kaylangan kumayod para naman sa makabili na ako ng kotse ko.

Mag-isa na lang naman ako kaya hindi na masamang maghangad. Minsan kailangan din natin unahin kung ano ang makapagpapasaya sa atin.

Minsan iniisip ko, mas okay na yung mag-isa minsan. Mas nagagawa mo ang gusto mong gawin na walang sumasawsaw sa disisyon mo sa buhay.

Ako? All my life nasanay akong nakadipende sa mga taong nakapaligid sa akin.

Siguro kung hindi pa nangyari sa amin ni Steve at ng kapatid ko hindi ako matututo mamuhay mag isa.

Yeah you heared it right. My sister, Jasmine and Steve, betrayed me.

But I don't give a damn.

At first, of course it was so painful.

All of your life, the one you trusted the most is the one who stabbed you behind, the two of them actually.

Kung ano ang puno siya ring bunga. Jasmine. She's just my half sister. 5 years ahead ako sa kanya.
Bunga siya ng nanay ko at ng kabit niya.

Masyadong bulag ang Papa ko sa pagmamahal sa nanay ko kaya sa kabila ng pagkakamali niya tinanggap pa rin siya nito. Sobrang sakit noon para sa akin, pero mas pinili ko na lang tanggapin.

After all she's my mom, and she deserved a second chance.

Namuhay kami ng payapa.

Until my greatest nightmare came. Nakasama si Papa sa isang plane crash pauwi ng Pilipinas galing Europe. Halos hindi ko na makilala si Papa dahil ilang araw na nakababad ang katawan niya sa tubig bago namin siya nahanap.

I felt so devastated that time, kasi yung tao sanang kakapitan mo, nakakapit na ulit sa iba. After one week mailibing ang Papa ko, iniwan kami ni Mama, para sa ibang lalaki. Iniwan niya sa akin si Jasmine.

Just One DayWhere stories live. Discover now