chapter 12: Ang pangalwang umamin

19 1 0
                                    

Hera s' POV

Hindi ako nakatulog magdamag, hindi ko alam kung totooba yung sinabi sakin ni kiel kagabi. Pero mukhang seryoso sya, aish ano ba itong gagawin ko naiilang na tuloy ako sakanya. Naligo na ako at kumain lumabas na din ako para pumasok na, mahirap na baka maabutan pa ako ng tatlong kanbal na iyo lalong lalo na si kiel. Sa ngayon, ayoko muna syang kausapin dahil naiilang talaga ako promise.

Agad agad akong lumabas sa pinto pero napanganga ako ng makita ko syang nakatayo sa labas at tila hinihintay nya ako. Shemay aaminin ko na napaka hot at gwapo nya!

"Good morning hera"nakangiting sabi nya sakin. Anong gagawin ko? Isnobin ko nalang kaya, Ay wag kahit papano naman boss ko pa din sya tsaka baka masaktan ko sya pag hindi ko sya pinansin diba?

"morning" nakangiti kong sabi sakanya at akmang aalis na. Nakakailang talaga

"San ka pupunta? Sabay na tayo" nakangiting sabi nya. Anong sasabihin ko? Aish shemay Alangan naman tanggihan ko diba sya na nga yung nagmamagandang loob na isabay ako. Pero kasi diba? Iniiwasan ko nga sya diba? Sorry kiel pero kailangan muna kitang tanggihan

"ah eh wag na kiel maglalakad nalang ako sige bye bye" sabi ko at akmang aalis na

"Sayang naman yung effort ko na gumising ng umaga para masabayan ka hays" malungkot na sabi nya. Napatigil naman ako, kung tutuusin maaga nga syang nagising ngayon. Syang naman yung effort nya diba? Sige na nga sasabay na ako sakanya.

"aish sige na nga!" Inis na sabi ko.

"Yey" masayang sabi nya. Napangiti naman ako kasi kahit papano napasaya ko sya.

Tahimik lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa school pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan. Wow napaka gentleman naman ni kiel ngayon ah. Bumaba naman ako magsimula nanaman ang bulungan sa school aish masanay na kayo ganyan talaga sila

"OMG bakit sila magkasabay?"
"sila na ba?"
"landi talaga"
"bitch"

Napayukom nalang ang mga kamao ko. Gusto ko ng manapak nakakarindi na talaga ang mga bulangan ng mga chismosang estudyante dito.

"Hey! Kung magbubulungan kayo jan, siguraduhin nyong bulong lang talaga hindi yung maririnig namin ang sakit nyo sa tenga" inis na sabi ni kiel. Umalis naman ang mga estudyante dito hinarap naman ako ni kiel at hinawakan ako sa kamay

"Hera, alam ko namang palaban ka kaya nga nagustuhan kita diba? Kaya sana lagi kang mag iingat ha? Wag kang papayag na may manakit sayo kasi..." putol na sabi nya at huminga ng malalim

"hindi ko maipapangako na lagi kitang maliligtas, pero pipilitin kong isugal ang buhay ko maligtas ka lang"seryosong sabi nya. Natouch ako sa mga sinasabi nya

"Mahal na mahal kita hera, seryoso ako sa mga sinasabi ko at seryosong seryoso ako sayo itaga mo pa yan sa bato" sabi nya. Napanganga nalang ako. Ang galing talagang bumanat ng lalaking to

"h-halika na?" sabi ko sakanya at nauna ng maglakad. Magkaklase naman kami. Aish nakakailang talaga si kiel ang hirap tuloy kung sasaktan ko lang sya.

Nakarating na din ako sa room umupo na ako at nagbasa ng libro napaaga yata ang pasok namin kaya naman nagbasa nalang ako ng mga libro. Naramdaman ko naman na inaantok na ako dahil nga wala akong tulog kagabi. Aish maka tulog nga muna mamaya pa naman magsisimula yung klase

Kiel s' POV

Hindi ako makapaniwala na nasabi ko yun kay hera. San ba nanggagaling yung mga banat ko na yon? Kailan pa ako natutong bumanat ng mga salita sa isang babae? Aish sinundan ko nalang sya papasok ng room feeling ko naiilang sakin si hera. Pero wala pa akong pake kahit mailang sya basta nasasabi ko sakanya ng harapan ang mga nararamdaman ko.

MAID AKO NG TRIPLETS NA BADBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon