Chapter 1: Ang unang pagtatagpo

73 3 0
                                    

Hera s' POV

Ako si Hera lei obispo. Hera nalang tawag nyo sakin, Oo tama kayo ulila na ako nung 10 years old kasi ako namatay ang mama at papa ko sa isang aksidente. Kaya naman namuhay na ako ng sarili ko, habang nag aaral ako ay nagtatrabaho ako. O diba ang sipag ko? TULARAN SI HERA! Ngayon ay nangungupahan lang ako, nagtatrabaho din ako sa isang karinderya bilang isang waiter. Ngayon ay araw ng sabado kaya naman kailangan kong pumunta sa karinderya para magtrabaho.

Naghanda na ako, naligo ako at kumain at tsaka umalis na.  Lalakadin ko nalang malapit lang naman to eh.  Kaya yan! Habang naglalakad ako., May nakasalubong akong isang pamilya masaya sila. Naalala ko agad sina mama at papa, Sana andito pa sila, hays miss na miss ko na ang mga magulang ako tuwing nababanggit ang pangalan nila napapaiyak ako.

"wag ka magdrama dito hera" sabi ko sa sarili ko.  Kasi naman eh kasalanan yon ng pamilyang nakita ko kanina hehehe. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng biglang.....

"TABIIIIIIIII!!!!!!! " sigaw ng isang lalaki. Biglang nag slow motion ang paligid ko.  Nakikita ko nalang ang isang motor na papalapit sakin, ang gwapo naman nung nagdadrive. TEKA MOTOR? Naramdaman ko nalang na may humigit sa braso ko kaya naman napaupo ako sa sahig. Nakita ko ding tumigil yung motor

"BOBO KA BA?! GUSTO MO BANG MAMATAY?! "sigaw sakin nung lalaki na nakasakay sa motor na muntik ng bumangga sakin. Grabe naman tong si kuya sya na nga yung muntik makabangga sakin sya pa itong galit. Binobo pako

"ANO AKO BOBO?! EH IKAW NAMAN TANGA! ATLEAST ANG BOBO MAY CHANCE PANG TUMALINO DIBA!? EH IKAW WALA NA TANGA NA TALAGA FOREVER! LAKAS NG LOOB MO IKAW NA NGA YUNG MUNTIK NG MAKABANGGA TAPOS IKAW PA GALIT!" sigaw ko sakanya. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao

"whoa miss kilala mo ba yung kinakalaban mo? " tanong naman nung lalaking humila sakin.

"HINDI! AT WALA AKONG PAKE KAHIT SINO PA SYA! KAHIT ANAK PA YAN NG PRESIDENTE WALA AKONG PAKE! SYA NAMAN TALAGA MAY KASALAN DIBA?!" sigaw ko don kay kuyang nagligtas sakin.  Totoo naman eh kasalanan nya tsaka bat ako matatakot kung sino pa sya.

"Oh really?" pang aasar na tanong nung mokong na yon na muntik ng nakabangga sakin.

"OO REALLY!" pagmamayabang na sigaw ko sabay walk out na.  No choice nako gusto ko pa sanang makipag away kaso late na ako baka ako ang maaway ng amo ko hehehe. Pagdating ko sa karinderya nadatnan ko si ryan katarbaho ko din.  Syempre binati ko sya

"Hi ryan goodmorning" bati ko sakanya. Pero parang malungkot si ryan ah

"hoy bat ang lungkot mo? " tanong ko dito. Bigla namang dumating si aling merna ang nagmamay ari ng karinderya na ito

"oh hera andito ka na pala" malungkot na bati nya sakin

"magandang umaga po aling merna" masayang bati ko sakanya

"hera,  may masama akong ibabalita" malungkot na tugon ni aling merna,  ano kaya yon?  Kinakabahan ako

"Nalulugi na ang karinderya ko,  kaya naisipan kong mag bawas ng tauhan kaya naman isa sainyo ni ryan ang sisisantihin ko" malungkot na sabi ni aling merna. Kaya ba malungkot si ryan?  Pero kailangan ko din ang trabahong to eh pano na yung pambayad sa upa diba? Hindi pedeng masisanti ako

"mag usap kayo kung sino sainyo ang aalis" sabi ni aling merna. Sino nga ba samin? Kailangan din ng trabaho ni ryan

"ryan-----" magsasalita palang sana ako ng bigla syang lumuhod at nagsalita.

MAID AKO NG TRIPLETS NA BADBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon