chapter 8: sorry

18 1 0
                                    

Hera s' POV

Maaga akong gumising dahil may pasok pa kami. Naligo na ako at nagbihis, pagkatapos non ay lumabas na ako pero nakasalubong ko naman si manang lita.

"Kamusta ka naman ija?" nagulat ako sa tanong nya.

"okey naman po ako" nakangiti kong sabi sakanya

"ija, initindihin mo nalang si kian ha? Mahalagang mahala lang kasi sakanya yung kwintas na iyon kaya siguro ganon nalang ang galit nya ng nawala iyon" sabi sakin ni manang lita. Pano nya kaya nalaman?

"pano nyo po nalaman ang mga yon manang?" nagtataka kong tanong sakanya, ngumiti lang sya sakin

"Basta nalaman ko ija, pano mauna na ako may gagawin pa ko ingat ka" pagpapaalam nya at umalis na. Siguro nga napakahalaga ng kwintas na yon kay kian, tsaka napatawad ko nanaman sya eh.

Nagsimula na akong maglakad papuntang school, habang naglalakad ako may tumigil na puting van.

"hi maid morning" bati sakin ni kiel. Nginitian ko lang sya binuksan nya naman ang pinto

"pasok ka na maid" sabi sakin ni kiel.

"hindi na maglalakad nalang ako" sabi ko sakanya. At naglakad na ulit nagulat nalang ako ng may humila sakin at sapilitan akong dinala sa van.

"arte mo maid" natatawang sabi nya sakin. Nagtaka ako bigla ng hindi ko makita si kent. Hindi ba sya nasabay sa van?

"ano bang problema mo ha?" inis na tanong ko sakanya ngumiti lang naman sya ng nakakaloko.

"s-si kent?" tanong ko kay kiel.

"bat mo hinahanap? Ayiee may crush ka kay kent no?pero sorry ka taken na yon" sagot nya. Aish sayang naman taken na pala sya

"gago!" inis na sabi ko sakanya

"nauna na kasi sya kanina pa, silang dalawa ni kian" sabi nya pa. Si kent lang naman tinatanong ko hindi si kian tsk

"wala akong pake kay kian" inis na sabi ko, Oo pinatawad ko na sya pero syempre andito pa din yung sakit no, Oona ang drama ko na. Maya maya ay andito na kami bumaba na kami sa sasakyan,so ayon bulong bulungan nanaman po ako dito tsk

"kasabay nya si kiel omo"
"bat sila magkasabay?!"
"malandi talaga"

Bulong bulungan ng mga estudyante dito. Hindi ko nalang sila pinansin at dumeretso nalang sa room ko, umupo nalang ako sa upuan ko at nagbasa basa ng libro maya maya ay bigla namang dumating si cheska

"HERAAAAAAAAAAAAA!!" sigaw nya. Grabe umagang umaga sigaw agad sya

"bakit an---" hindi pa ako tapos magsalita ng hinila nya agad ako sa may fountain. Ano bang ginagawa namin dito tsaka ang dami ding tao dito.

"ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko sakanya, ngumiti lang sya. Maya maya ay may lalaking nagsalita gamit ang mic kaya rinig na rinig ng lahat dahil nakaspeaker pa ito

"Gusto ko lang sanang alalahanin nyong lahat yung katangahang ginawa ko kahapon" sabi ng isang pamilyar na boses

"OMG si fafa kian nagsasalita"
"ang pogi mo kyah"

"napagbintangan ko yung isang tao na wala naman talagang kasalanan, antanga ko diba?" sabi pa ni kian

"Alam kong first time ko itong gagawin sa harap niyo, pero alam ko naman na mali ako nanghusga agad ako at pinahiya ko pa sya. Kaya karamihan sainyo, magnanakaw ang tingin sakanya. At iyon ang dahilan kung bakit ako ngayon andito gusto kong mag sorry sa babaeng napagbintangan ko kahapon sa nasabihan ko ng masasakit na salita. Hera, kung andito ka ngayon at nakikinig mo ako sorry ha? Sorry sa mga sinabi ko sayo. Alam kong masakit yung mga nasabi ko sayo kaya sorry talaga Hera" sabi ni kian, hindi naman ganyan yung speech nya kagabi ah? Humaba yung speech nya HAHAHA pero okey na din. Natouch ako sa ginawa nya at pinapatawad ko na sya pero syempre konting pabebe muna

MAID AKO NG TRIPLETS NA BADBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon