May mga bagay na tapos na. O sa tingin natin ay tapos na. May mga bagay na dapat ibaon sa limot, dapat ay wala na sa utak, sa puso.
Minsan kailangang tapusin ang mga bagay. Minsan kailangang tuldukan ang mga paghihirap, ang sakit, ang pagiging manhid. Sabi nga, kapag pagod na ay tumigil. Bakit ipagpipilitan ang sarili sa bagay na imposible?
Mahaba pa ang daang tatahakin. Mahaba pa ang panahon, ang oras. Maraming nangyayari, mga bagay na lumilipas sa harapan mo mismo dahil ayaw mong pakawalan ang isang bagay. At bago mo pa malamang pinaglilipasan ka na ng panahon, huli ka na.
Kasi para sa kanya, tapos na ang lahat habang ikaw, nagtatanga-tangahan, nagpapakamartir.
BINABASA MO ANG
Overtime
RomanceKoleksyon ng ilan sa mga kwentong hindi man lang pinag-isipan. Parang 'yong ilang proyekto ng ilang ahensya ng pamahalaan: May mai-proyekto lang para kunwari may silbi sa bayan.