Bakit maraming torpe?

170 1 0
                                    

Naranasan mo na bang tumitig sa isang tao ng pagka-tagal-tagal pero hindi mo man lang magawang lapitan s’ya? Eh yung katabi mo na s’ya, kakilala, at kaibigan na pero hindi mo masabi sa kanya na gusto mo s’ya? Ito pa ang malala, eh ‘yong alam mong may pag-asa ka sa kanya pero takot ka na aminin na mahal mo s’ya?

Pero bakit nga ba may mga taong torpe? Hindi naman sa jina-justify ko ang pagiging torpe pero ano nga ba ang mga dahilan kung bakit may mga taong nababahag ang buntot kapag kaharap nila ‘yong taong gusto/mahal nila.

Una, siguro may mga taong sadyang duwag. May mga tao na tipong wala pa ngang nangyayari, takot na sa magiging epekto ng mga bagay-bagay. Iyon bang hindi pa nga sila no’ng taong gusto n’ya, iniisip n’ya na kung anong mangyayari sa kanila kapag magde-date na sila. Napa-paranoid, ganyan. Tipong iniisip na kaagad kung ano ang mangyayari kapag nabuntis n’ya yung babae, o ‘di kaya’y san s’ya kukuha ng gagastusin para sa kasalan. O para mas simple, natatakot kasi hindi nila alam kung pa’no panatilihin ang isang relasyon.

Pangalawa, may mga taong takot sa rejection. Kadalasan ito ‘yong mga achievers o ‘di kaya’y sadyang mayabang lang at mataas ang ihi. Takot sila na sa oras na umamin sila sa minamahal nila, makakatanggap sila ng isang malaking NO. Pagkatapos non, guguho ang mundo nila kasi naapakan ‘yong pride nila. Parang, “shit this is not happening.” ‘Pag narereject kasi, kadalasan bumababa rin ang pagtingin sa sarili. Ayun. Kaya may mga taong torpe kasi takot silang malaman na wala silang pag-asa at wala silang dapat asahan.

Pangatlo, may mga taong ayaw ng pinaghihintay sila ng mga babae. Iyon bang, “eh kahit na babae s’ya dapat kahit papano eh nagpaparamdam din s’ya.” At kapag hindi naparamdam ang babae, ang nasa isip n’ya eh hindi naman ‘yon interesado. Sa maiksing sabi, parang ang gusto eh ‘yong sila ang nililigawan. Mga naninigurado. Dapat siguradong gusto s’ya bago s’ya manligaw.

Pang-apat, may mga taong alam nila sa sarili nila na hindi sila handa sa isang relasyon. At alam rin nila na ‘yong taong gusto nila ay hindi pa rin handang magmahal. Ayun lang. Ayoko nang pahabain.

Isa lang ang sigurado – lahat tayo nagmamahal. Ang problema nga lang, iilan lang ang may lakas ng loob na mag-take ng risks at sumubok na magpahayag ng totoo nilang nararamdaman.

Madali kasing sabihin na simple lang ang umamin. Madali lang din sabihin na ang mga torpe, dapat binabaril. Pero sa likod kasi ng salitang ito, may mas malalim pang rason kung bakit may mga taong pinipiling ‘wag nang magsalita at umibig sa katahimikan.

OvertimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon