Thirteen

396 11 0
                                    

Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Bago ko pa siya tanungin, nawala na siya. Napabuga ako ng hangin at inilagay sa wallet ko ang picture na binigay ni Kurt. Imbes na mabawasan ang mga tanong sa utak ko, mas lalo pang dumagdag.

Bumalik ako ng classroom. Sinabi ko sa teacher na okay na ako. Hindi naman na siya nagtanong. Wala sa sarili akong umupo sa desk ko.

Sino ang babaeng 'yun? Bakit kamukha ko siya? Bakit magkasama sila ni Warren? Bakit sobrang saya ng ngiti niya doon?

Sumandal ako. Tumingin sa harapan at nagkunwaring nakikinig kay Ma'am. Napabuntong-hininga ako. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin si Keesha sa akin.

Hindi naman siya nagtanong. Hindi naman siya mahilig makialam o magtanong at mas okay 'yun. Alam kasi ni Keesha na ayokong kinukulit. Ginulo talaga ng isip ko ang litratong 'yun.

"Aliyah. 'Yun ang pangalan niya."

Napabuntong-hininga na naman ako. Kinagat ko ang labi at yumuko. Aliyah, Aliyah, Aliyah. Ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yan. Anong apelyido niya? Sino siya? Nasaan siya? Gusto ko siyang makilala.

Si Kurt. Marami siyang alam pero binibitin niya ako sa tuwing may sinasabi siya. Hindi ko alam kung anong umiikot sa isip niya. Imbes na siya ang maging puzzle sa akin, ako ang ginagawa niyang puzzle. Parang binubuo niya na nang paunti-unti ang mga bagay na hindi ko alam tungkol kay Warren.

Lumabas ako ng classroom na lumilipad pa rin ang isip ko. Ni hindi ko namalayang pasakay na kami ng motor ni Warren.

Hinarap niya ako. Hinawakan niya ang baba ko para magtama ang tingin namin. Napakurap ako ng ilang beses. Damn! Bakit ko pa pinoproblema ang ibang bagay gayong nasa tabi ko na si Warren?

"Anong problema? Kanina ka pa walang kibo." May pag-aalala sa boses niya.

May napatinging babaeng estudyante sa amin. Magkalapit ang mukha namin ni Warren kaya humakbang ako paatras. Baka mamaya mapagkamalan kaming naghahalikan dito.

"Sino si Aliyah?"diretsehang tanong ko.

Kumunot ang noo niya. Bumagsak ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko kanina. Umiwas siya ng tingin at narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.

Ngayon, mas lalo akong nagtaka. Sa reaksyon pa lang ni Warren, alam kong may 'something' sa kanila nang Aliyah'ng 'yun.

"Saan mo narinig ang pangalang 'yan?"tanong niya.

Tinalikuran niya ako at umupo siya sa kanyang motor. Nakatingin siya sa akin. Napalunok ako. Kung sasabihin kong si Kurt, suguradong mag-aalburoto siya. Ayaw niyang kausap ko ang kaibigan niyang 'yun. Pero bakit kaya? Hindi pa nasagot ang tanong kong 'yun.

"Kay Kurt ba?"

Napasinghap ako. Kahit hindi ako sumagot, alam niya. Kinakabahan aking tumango.

Napapikit siya at kinagat ang labi niya. Huminga siya ng malalim bago ako titigan.

"Ang tigas ng ulo mo. Di ba sabi ko wag mo siyang kakausapin?"iritadong sabi niya.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko mahanap ang boses ko. Gusto ko lang namang mas makilala siya kaya pumayag akong makipag-usap kay Kurt.

Sumakay siya sa motor niya. Kinuha niya ang jacket na nakasabit sa upuan pagkatapos ay inabot yun sa akin.

"Sa bahay niyo. Doon kita sesermunan."sabi niya.

Napalunok ako. Tinali ko ang jacket sa bewang ko. Umangkas ako at niyakap ang bewang niya. Ayan na naman, nagiging mahalay na naman ang isip ko nang mahawakan ko ang abs niya.

Napabuntong-hininga ako nang makarating na kami sa bahay namin. Dapat kong ihanda ang sarili ko sa panenermong aabutin ko kay Warren.

"Sa loob na lang tayo mag-usap."mahinang sabi ko.

Akmang aalisin ko na ang pagkakatali ng jacket niya sa bewang ko nang pigilan niya ang kamay ko. Pumula ang pisngi ko nang makitang nakatingin siya sa legs ko. Okay, hindi ko na muna aalisin ang jacket niya.

"T-tayong dalawa lang sa bahay niyo? Wala ang m-mama mo?"nauutal niyang tanong.

Natawa ako sa dulo ng isip ko. Kung makapagsalita 'to akala mo may gagawin kaming kahalay-halay.

"Mag-uusap lang naman tayo, kailangan ba may kasama tayo?"pigil-ngiti kong sabi.

Umiling siya at walang kibong sumunod sa akin. Umupo siya sa sofa. Umupo ako sa tapat niya. Nakatingin siya sa akin habang nakasandal. Hindi naman ako makaupo ng maayos. Nakakalunod ang tingin niya.

"Anong pinag-usapan niyo ni Kurt?" Iba ang tono ng pananalita niya. Parang papatayin niya ako kung hindi ko sasabihin ang totoo.

"W-wala naman-"

"Hindi kayo nag-usap?"

"Nag-usa-"

"Kung ganun, ano nga ang pinag-usapan niyo?"

Nakakuyom ang pinagpapawisan kong kamao. Para akong estudyanteng gumawa ng masama at nagpapaliwanag sa harapan ng principal.

Tinitigan ko siya. Pinaglalaruan ng daliri niya ang kanyang buhok habang seryosong nakatingin sa akin. Mas lalo akong naattract kapag ganitong seryoso siya. Napahinga ako ng malalim bago sumagot.

"Tinanong lang niya kung.. kung gaano kita kakilala."

"Peste talaga ang Kurt na 'yan."nanggigigil niyang bulong. "Ano pa?"

Lumunok ako dahil nanunuyo ang lalamunan ko. "Y-yung tungkol kay Aliyah."

Tumigil siya sa paglalaro sa buhok niya. Ang lakas ng epekto ng pangalang Aliyah sa kanya at kinabahan ako dahil dun.

"Sino siya?"tanong ko.

Hindi siya kaagad nakasagot. Tinitigan niya ang mukha ko na parang librong binabasa.

"Kaibigan namin siya. Kamukhang-kamukha mo siya." Ngumisi siya. Pero sa kabila ng ngisi niya, hindi nakatakas sa akin ang pait sa mga mata niya. "Siya ang first love ni Kurt."

Natigilan ako. Si Kurt? Wala sa aura niya ang salitang love. Imbes na lalong makilala ko si Warren, si Kurt ang nakikilala ko. Kung ganon, bakit binigay niya ang picture ni Aliyah sa akin? Para ipakitang kamukha ko ang first love niya?

"Hindi mo kilala si Kurt. Hindi mo alam kung anong umiikot sa isip niya." Tumayo siya. Naglakad palapit sa akin. Tumingala ako para makita ang mukha niya. "Pwede ka niyang kunin sa akin kung gugustuhin niya. Walang pinagkaiba ang mukha mo sa mukha ni Aliyah."

Hindi ako makapagsalita. Hinila niya ako patayo at hinawakan ang bewang ko. Nakuryente ako sa hawak niya. Ibang klase talaga ang epekto niya sa akin.

Yumuko ako dahil magkalapit ang labi namin. Ramdam ko na ang hininga niya sa mata ko. Itinaas niya ang mukha ko kaya magkatapat na ang labi namin. Nangatog ang binti ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Ayokong lumapit ka sa kanya dahil pwede ka niyang magustuhan." Ngumisi siya. "Makasarili ako. Kahit kaibigan ko si Kurt, ayokong lumalapit siya sa'yo." Kinulong ng palad niya ang magkabilang pisngi ko. "Kaya kapag nakita kong kasama mo siya. Na kayong dalawa lang. Kakalimutan kong kaibigan ko siya."

Hindi pa ako nakakapagsalita nang ilapat niya ang labi niya sa labi ko. Sa sobrang panghihina ko ay napapikit ako. Mababaw at nakakabitin ang halik niya. Seventeen pa lang siya pero napakagaling niyang humalik. Bumaba ang kamay niya sa batok ko at diniin ang paghalik sa akin. Ginaya ko ang galaw ng labi niya. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ang mahina niyang ungol.

Lumayo siya sa akin at ginulo ang buhok niya. Taas-baba ang kanyang balikat dahil sa bigat ng paghinga niya. Napakurap-kurap ako. Sa tuwing hinahalikan ako ni Warren, nawawala ako sa sarili ko.

"W-Warren?"

"Uuwi na ako." Nagmadali siyang lumabas ng bahay. Hindi ko siya nahabol dahil nanginginig pa rin ang binti ko. "Basta Sweetheart, kapag nakita kong kasama mo na naman si Kurt, hindi lang halik ang gagawin ko sa'yo."

Bago pa ako lumingon ay narinig ko na ang pagharurot ng motor niya.

Loving a Married ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon