Two

989 12 0
                                    

Wait-paano ba huminga? Nakalimutan ko na ata. Inhale. Exhale.  Ganyan nga. Puso, kalma ka lang. Kalma? Shit! At kung ano pang sosyal na mura ang binulong ko sa isip ko. Ang pagiging kalmado ang isang bagay na hindi ko kayang gawin ngayon.

Kakauwi ko lang. Hinatid niya ako. Hinatid niya ako sa bahay namin at nangako siyang araw-araw daw niyang gagawin 'yun! Nakakainis! Sobra-sobra na ang kilig ko!

Ang sarap balikan nung moment namin kanina bago ako pumasok ng bahay namin. Kahit ilang oras na ang nagdaan nang ihatid niya ako, hindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman ko.

Nakatayo ako sa gate habang nakaupo naman si Warren sa kanyang motor. Natatamaan ng ilaw ng poste ang kalahati ng mukha niya. Hindi ako makalakad nang maayos dahil pinapanuod niya akong papasok ng gate.

"G-good night, Warren."

Tumango siya pero hindi pa rin niya pinapaandar ang kanyang motor. Gusto kong umalis muna siya bago ako pumasok ng bahay namin. Ayoko siyang iwanan dito.

"Good night, Lisa."aniya.

Lisa. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang bumabanggit.

Nginitian ko siya at kinawayan. Kaagad ko ring binaba ang kamay ko dahil baka mahalata niyang nanginginig ito.

"Teka, pwede ko bang makuha 'yung.. uhh.. number mo?"

"Warren, bakit kelangan mo pa akong tanungin niyan? Kahit puso ko, ibibigay ko, kung gugustuhin mo."

Korni mo, Lisa! Saan mo ba pinulot 'yun?

Humalakhak siya at kinagat ang kanyang labi para pigilan ang pagngiti. Nilahad niya ang ang cellphone niya. Kinuha ko iyon para i-save ang number ko.

"Ano.. pasok na 'ko. Good night ulit." sabay balik ko ng cellphone niya.

Hinihintay ko na lang siyang umalis pero hindi pa siya gumagalaw. Ayokong umalis siya pero hindi naman pwedeng  forever akong nakatayo dito.

Napabuntong-hininga ako. Masyadong maganda ang araw na 'to at ayoko ng matapos pa.

"Ge. Matulog ka nang maaga, okay? 'Wag kang magpupuyat."

Tumango ako. Para pa rin akong nananaginip. Nakakatakot gumising. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ng bahay namin si Warren habang kinakausap ako. Akala ko noon, sa imahinasyon ko lang ito pwedeng mangyari.

"Alis ka muna bago ako papasok sa loob. Ayokong ako ang unang mang-iwan sa'yo dito sa labas."

Ngumisi siya sa sinabi ko. Muntik ko na ngang mayakap 'yung gate dahil nanghina ang mga tuhod ko sa simpleng pag-angat ng sulok ng labi niya. Ang.. gwapo.. talaga! Huwag kang ngingisi Warren at baka mabitbit kita papasok ng bahay!

"Hindi ako aalis dito hangga't 'di ka pumapasok sa loob. Ayaw kitang talikuran."mahina pero dinig kong sabi niya.

Naman! Naman talaga! Ayoko na! Hindi ko na talaga kayang pigilan ang kilig ko! Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at tumakbo ulit ako papunta sa kanya.

Nakita ko kung paano siya magulat nung bigla ko siyang hinalikan ng mabilis sa pisngi. Nanlaki ang mga mata niya at ilang segundong hindi nakagalaw. Mabuti na lang at hindi ganun kaliwanag kaya hindi niya nakita kung paano pumula ang pisngi ko.

"Thank you! Good night na talaga!"mabilis kong sabi tapos nagmadali akong naglakad papasok ng bahay namin.

Pagkasarado ko ng pintuan, napadausdos ako habang hawak-hawak ang dibdib kong parang sasabog na sa kaba. Parang mapupunit na ang labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko.

Loving a Married ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon