Sixteen

391 9 0
                                    

"Sobrang ganda mo, Melissa."manghang sabi ni Keesha.

Kakagaling ko lang ng salon. Pinagupit ko na ang buhok ko na umaabot sa bewang ko noon. Sobra ang naramdaman kong panghihinayang nang pinaikli ko ito. Bob cut na may one-sided bangs

"Weh? Baka nambobola ka lang ah."sabi ko na parang ayaw maniwala sa sinabi niya.

Nakaharap ako sa salamin ng kwarto ko ngayon. Parang ayaw kong lubayan ang salamin dahil naninibago talaga ako. Ang laki ng ibinawas ng buhok ko. Ilang taon ko ring pinahaba 'yun.

Ngayon lang ako nakapagpagupit ng ganito kaikli. Dati, hanggang siko ang pinakamaikling haba ng buhok ko. Parang may kung ano sa ulo ko ang naalis, ang gaan kasi sa pakiramdam.

"Hindi ah." Tumayo siya at hinaplos ang buhok ko. Nginitian niya ako habang nakatingin siya sa akin sa salamin. "Ang ganda mo talaga. Mas bagay mo ang ganyang haircut."

"Thank you Keesha!"

Ni-text ko si Warren na huwag niya muna akong sunduin bukas sa bahay. Sa school na lang kami magkikita dahil gusto ko siyang i-surprise. Wala kasi siyang alam na magpapagupit ako.

Mainit kasi ang panahon. Ilang weeks ko na ring tinitiis ang bigat ng buhok ko kaya naisip kong magpagupit. Hindi talaga ako mapalagay kaya ang tagal kong nakatayo sa harapan ng salamin.

"Bakit wala ka pa? Pupuntahan na talaga kita sa inyo, Sweetheart."banta ni Warren sa kabilang linya.

Halos mahalikan ko na ang sahig sa sobrang pagkataranta ko. Na-late ako ng gising kaya ganito na lang ako kung magmadali.

"Papunta na ako. Traffic kasi."

Baka matamaan ako ng kidlat sa pagsisinungaling ko. Kahit nasa bahay pa lang ako, sinabi kong nakasakay na ako ng jeep.

Kanina pa kasi naiirita si Warren. Gusto na daw niya akong makita. Miss na daw niya ako. Shit! Wala ng oras para kiligin ka pa diyan, Lisa.

"Bakit ba kasi ayaw mong sunduin kita? Baka mamaya marami ng nakatinging lalake sa'yo diyan."

Natawa ako sa sinabi niya. "Sweetheart, kita na lang tayo sa school ha? Bye."sabay patay ng tawag.

Kanina pa kasi niya ako sinesermunan. Mas lalo akong hindi makakakilos ng mabilis kung kausap ko siya sa phone.

Hindi naman na traffic kaya after fifteen minutes ay nakababa na ako ng school. Walang tigil sa pagvibrate ang phone ko at kaagad ko itong sinagot.

"Sweetheart?"tawag ko.

Kaagad dumapo ang mata ko sa kanya. Nasa harapan siya ng school. Napangiti agad ako nang makitang nakaupo siya sa kanyang motor. Hawak ng kanan niyang kamay ang phone niya at nakatutok ito sa kanyang tenga. Nakakunot ang noo niya habang hawak nang kaliwa niyang kamay ang strap ng bag niya.

"Nasaan ka na?"tanong niya sa kabilang linya.

Yumuko siya para tignan ang wristwatch niya.

"Nandito na ako."

Sinuklay ng daliri ko ang bangs ko. Naninibago talaga ako sa bagong style ng buhok ko.

Luminga-linga si Warren na hinahanap kung nasaan ako. Tinaas ko ang kamay ko para kawayan siya pero nilagpasan lang niya ako ng tingin. Napasimangot ako at napairap sa kawalan.

"Niloloko mo lang ata ako eh." Napakamot siya sa ulo niya. "Nandito ako sa harap ng school. Ni anino mo wala."

Gusto kong humagalpak ng tawa. Hoy nandito ako! Konting pagbabago lang ng buhok ko, hindi na niya ako nakilala!

Loving a Married ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon