CHAPTER 23

6.2K 87 3
                                    

ARA


Kinabukasan pagmulat ko ng mata ko, sa hindi malamang dahilan sobrang bigat na lang bigla ng pakiramdam ko. Sobrang sakit bigla ng katawan ko, at ramdam kong nahihilo ako. Paulit-ulit kong tinapik si Axel, dahil siya 'yung katabi kong matulog ngayon dahil nakipagpalit siya kay Thomas dahil nilalamig daw siya sa may sala.


"Hmmm, bakit?" sagot niya at sabay humikab.

"Hindi ko alam, ansama ng pakiramdam ko (biglang naubo) hindi ako makabangon, sobrang sakit ng katawan ko"

Bumangon naman siya agad. "Hmm?" nilagay niya yung palad niya sa noo ko at pagtapos naman ay sa leeg "Ang init mo, nilalagnat ka ata, ano nangyari? Parang kanina lang naghihilik ka pa ah, wait lang—may thermometer ba kayo dito? Saan nakalagay?"


Hinampas ko siya ng mahina "Hindi ako naghihilik! Ikaw 'yun. Meron, pero hindi ko alam kung saan nakalagay, si Thomas ang nakakaalam."


"Ah okay sige, tara na baba ka na para makakain ka na, tapos makainom ka na ng gamit."

Sobrang na-disappoint naman ako. "Hindi nga ako makabangon" Tumawa naman siya bigla at sinabing "Oo sige, antayin mo ako gagawa akong breakfast mo, wait lang."


Umalis na ng kwarto si Axel at umayos naman ako ng posisyon sa pagkakahiga ko para makapagpahinga ng maayos. Wala pang ilang minuto nagulat naman ako ng may biglang nagbukas ng pinto ng napakalakas, at nakita ko si Thomas, muntikan na akong mapasigaw ng hindi maganda.


Dirediretso siya at naghalungkat sa may cabinet. Ilang saglit pa lumapit siya sa akin, dala-dala 'yung thermometer, at naupo sa tabi ko at inipit 'to sa kili-kili ko. Tinignan ko siya ng sobrang sama dahil ambilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa gulat ko kanina.


"May sakit ka daw?" tanong niya.

"Pwede ba? Pwede ba 'yung kakatok muna bago pumasok? Akala ko aatakihin na ako sa puso kanina kung buksan mo 'yung pinto kanina. Parang lagi na lang magigiba 'tong bahay sa'yo" sagot ko, with full conviction.


Hindi niya ako sinagot, at umiwas na lang siya ng tingin. Nang tumunog na 'yung thermometer inalis na niya at tinignan. "38.4" banggit niya. "Yan kasi, kung ano ano pang ginagawa paggabi, imbis na magpahinga na lang, masyado pang pinagtutunan ng atensyon 'yung isa diyan" dugtong niya.


"Hoy? Bakit ba ang init ng ulo mo kapag kasama ko si Axel? He's your brother—hmm. Teka lang nagseselos ka no? ikaw ha, uyyy" Actually, hindi ko dapat sasabihin 'yon it's just that, may moments talagang ganon kusa ko na lang nasasabi 'yung mga bagay-bagay. At tsaka sobrang seryoso ni Thomas ngayon, napakalalim din ng boses niya at halos wala siyang emosyon.


"Eh paano pag oo?" bigla niya namang sagot.


Eto 'yun. Eto 'yung sinasabi ko, 'yung ako rin 'yung kusang mahuhulog sa patibong o kalokohang ginawa ko. Ayan lang 'yung sinabi niya pero hindi na ako makasagot o makagalaw ngayon.

Ara, conceal. "B-bat ka naman mag-seselos?" tanong ko.

He glanced at me, crossed his arms and sighed. Dun pa lang kuhang-kuha niya na ako "Hmm. Siguro nasanay lang ako na tayong dalawa lang palagi?"

HousematesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon