CHAPTER 29

5.2K 93 8
                                    

ARA


Habang nasa sasakyan kami ni Axel, hindi ako makapagsalita at nakahawak lang ako sa labi ko. Wala pa rin ako sa tamang kamalayan, hindi ko alam kung anong nangyari bakit niya ginawa 'yun. Bakit ako hinalikan ni Thomas? Ganito ba 'yung pakiramdam?

Inihatid na ako ngayon ni Axel at pagdating sa tapat ng bahay namin sinabihan ko na lang siya na huwag ng pumasok dahil baka mainit pa 'yung ulo ni mommy. Nag-thank you na lang ako sa kanya at hindi rin kami masyadong nakapag-usap pa dahil wala ako sa tamang state of mind. Masyado pang madaming gumugulo sa isip ko ngayon.


Pagpasok ko, sinalubong agad ako ng mga kasama namin dito sa bahay at kinuha 'yung mga maleta ko. Nadatnan ako ni mommy at tinanong ako agad "Ano 'yan? Anong gagawin mo? Anong balak mo?"

"A-alis po ako, don't worry I'll just stay here tonight, I'll book a flight and I'll make sure I'll leave tomorrow." Sagot ko naman agad.

"Saan ka naman pupunta?"

"Hindi ko po alam." 


Bigla ko naman akong may narinig na nagsalitang lalaki mula sa likod ko at inakbayan ako "Hmm? Saan nga ba pwede? New York? Amsterdam? Paris? Pili ka lang don, maganda naman don" at nakita ko si Kuya at napangiti ako.

"Masyado mong kinukunsinti 'yang kapatid mo kaya ganyan." Sagot naman ni mommy.

"Relax, Ara's a grown lady, if she wants to be on her own let her. Sige na umakyat ka na sa kwarto mo, magpahinga ka na don. Welcome back!!" at ginulo niya 'yung buhok ko.


Pagdating naman sa kwarto ko, tumalon agad ako sa kama ko at nahiga hay namiss ko 'to. Antagal ko ring nawala dito. Binuksan ko na 'yung laptop ko at nag-book na ako ng flight ko. Wala talaga akong plano, pero nakapili na ako ng lugar, at ang pupuntahan ko ay Amsterdam, tulad ng sinabi ni Kuya, naalala ko madalas ko rin kasi banggitin sa kanya 'yun at gusto rin puntahan 'yung lugar na 'yun.

Matapos makapag-book ng flight naidlip muna ako saglit.


Nagising na lang ako ng may malakas na kumatok sa kwarto ko ng walang hintuan at pagbukas ko, sila Mika at Kim pala. Sinalubong nila ako ng yakap at tinanong kung okay lang ba ako.


"Hay nako sinasabi ko na nga ba eh, kaya hindi maganda 'yung gising ko kanina, sabi na nga ba may hindi magandang mangyayari ngayong araw eh. Ano na naman bang nangyari bakit may mga maleta dito?" –Kim.

"Actually, hindi namin malalaman 'to if it wasn't for Thomas. Tinawagan ako ni Thomas para pumunta dito, then I called Kim para samahan na rin ako dahil alam kong hindi ka okay. Ang sabi lang sa akin ni Thomas, kailangan na kailangan mo kami. Ara ano na bang nangyayari?" Iba 'yung naramdaman ko. Iba 'yung naramdaman ko nung narinig ko 'yun galing kay Mika.


Galit, nakaramdam ako ng galit. Hindi ko maipaliwanag pero 'yun 'yung una kong naramdaman. Iniisip ko kung "tama bang magalit ako sa kanya?", "may karapatan ba akong magalit sa kanya?" o dahil lang ba 'to sa naghalo-halong emosyon ko ngayong araw.


"Ara ano bang nangyayari again, bakit may mga maleta ka dito sa kwarto mo? Sa'yo ba lahat 'yan? At bakit andito ka na ulit sa bahay ninyo? Umalis ka na ba sa bahay niyo ni Thomas?" tanong naman ni Kim.

"Oo at aalis na rin ako dito, I booked a flight to Amsterdam and I'll be leaving tomorrow. Hindi ko alam kung anong nag-aantay sa akin doon pero kailangan kong subukan. Para 'to sa sarili ko. Malaya na kami ni Thomas, I did it. I finally said the truth, we're both free."

HousematesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon