CHAPTER ONE
Liane's POV
"Liane, ikaw nalang kaya si Snow White? Bagay mo oh, ang puti puti mo pa." Nilapitan ako ni Sky at sinabi sa'kin yan. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Hanggang sa nag-sink- in na sa utak ko.
"ANO? AKO?! SNOW WHITE?! NO FUCKING WAY" And I lay my ring finger to him. (alternative sa bad finger. HAHAHA)
"Eh, wala na ngang mahanap eh! Ikaw nalang talaga yung pwede" Pagpupumilit niya.
"Eh ba't hindi ikaw? Bakla ka naman eh." Pang-aasar ko sakanya at nagsmirk.
"Hoy, hoy, your words, ha. Crush ng bayan ata 'to." Ang yabang, leche.
"Crush nga ng bayan, bakla naman. Hays. Makaalis na nga." Tumayo na ako. Palabas na sana ako ng room nang biglang dumaan yung famewhore na si Nate. Badboy? Sus. He's trying to be a badboy but he looks like a fat bully who steals food from other children.
Ang dami kong galit no? Mga million. Wala lang. Galit lang ako sa mundo. HAHAHA
"Oops. Sorry. *sarcastic*" Tinapakan niya lang naman yung paa ko. Aba ha. Namumuro na 'tong lalaking 'to. Pero, dahil kailangan kong magchill, papalampasin ko muna. Kaya lumabas na ako ng room.
Pumunta ako sa rooftop ng school namin, and as expected, nandun si Jane.
"Bad mood ka na naman diyan ah." At binigyan niya ako ng slurpee. Langya, halatang nagcut- class ang gagang 'to.
"Lagi naman akong bad mood. Di ka pa ba sanay?" Kinuha ko na yung slurpee. "Nagcut-class ka nanaman." Poker face kong sinabi sakanya.
"Ang lapit lang ng 7/11 oh. Nagpaalam naman ako sa guard na bibili eh." Napalaki mata ko sa sinabi niya.
"Ano? Nagpaalam ka na bibili ka ng slurpee? Ginagago mo ba 'ko?" Sabi ko.
"Hindi! Tanga naman neto. Sinabi ko bibili ako ng napkin kasi naubusan sa canteen. HAHAHAHAHA" Halakhak niya abot Mars. Ang lakas.
Yes, I'm a lesby and I have a not-so-girly-girl best friend. Hindi siya lesby kagaya ko, hindi rin naman siya kikay. Kumbaga boyish siya.
Naalala ko tuloy yung mga sinabi ni Sky sa'kin.
"Chix yan Liane, ba't di mo pa shotain? HAHAHA Kung ako sa'yo, shinota ko na yan. Suuus. Best friend best friend, pang-babae lang yan! SHOTAIN MO NA!"
Hanggang friends lang talaga kami ng babaeng 'to. We're best friends since we were kids until today na 4th year high school na kami.
"Oh? hindi ka man lang ba tatawa sa ginawa ko? Tutunganga ka nalang?" Sabi niya ulit sa'kin. "Badtrip ka nga... Si Nate nanaman ba? Ano bang ginawa ng gagong yan at badtrip na badtrip ka ngayon?" Siga niyang sinabi.
"Wala. Ako kasi yung pinapaganap na Snow White sa play namin eh. Nakakainsulto lang. Tsaka yan, yang si Nate, tinapakan yung paa ko, nagsorry nga hindi naman maayos. Pero pinalampas ko muna yun." At sumipsip ako sa slurpee
Binato naman sa'kin ni Jane yung straw niya. Kadiri! "Ang babaw mo! Ano naman kung Snow White ka? May mawawala ba sayo?"
"Meron! Dignidad ko!" sabi ko sakanya.
"Dignidad mo? Sus. Tumigil ka diyan ha. Kung hindi lang kayo nagb--Ay! Kadiri ka!" Ako naman ngayon ang nagbato ng straw kay Jane. Subukan niya ituloy yung sasabihin niya -.-
"Sorry na. Eh bakit ba kasi ayaw mo? Nakakaurat ka na ha." Sabi niya habang pinupunasan yung kamay niya ng tissue.
"Eh bakit ba? Kung ikaw nalang kaya?" Bawi ko sakanya.
CZYTASZ
He's with the Lesbian (EDITING)
Dla nastolatkówWARNING: This story is a modern fairytale No happy endings. No happily ever afters. No prince charmings. WALANG FOREVER. Pero, Paano kung lahat ng nahihinuha mo sa modernong fairytale ay di pala totoo? May makikita kang prince charming, magiging ha...