One week later. Saturday. 3pm.
Nakatayo ako sa harap ng Film and Photography Building. Akalain mo yun? Nag-ooffer ang Raven ng film and photography courses? Amazing!
Pero, hindi ako nandito para umattend ng klase or something. Like, hello?! Financial Management student here.
Nandito ako dahil may nag-imbita sa akin para makita ang exhibit ng Click club.
Ang Click club ay isang sikat na organization ng mga studyanteng magagaling sa photography pero hindi kumukuha ng photography courses.
Yes, ganoon sila ka special para gumawa ng ganirong organization kahit pa mayroon ng mga photography students.
Eh, iyon daw ang 'passion' ng mga taong 'to eh. Kahit pa iba-iba ang kurso nila. Sinusupurtahan naman sila ng school.
Aba'y, kung ako kaya yun, bakit hindi? Ang huhusay kaya nila.
So, ayun papaunta ako sa kanilang year end exhibit. Actually, dalawang beses silang naghi-held ng ganito. Last October they held it also here for the first semester exhibit. And, then now is their second and year-end exhibit.
Hindi pa naman patapos ang second semester. Katatapos pa lang kaya ng midterms? Pero, sinadya nila itong gawin ngayun para hindi makaabala sa mga schedule nila for the finals.
Which I think is appropriate. The pieces are sold through an auction tomorrow evening. At, God! Hindi kayo maniniwala sa kung magkano nagkakahalaga ang isang litrato lang. Last semester, nabili ang 'candid piece' (ito yung sabihin na nating pinaka sa pinaka magandang litrato sa lahat) sa amount na, believe it or not, 5 million pesos! Grabeh talaga!
Kaganda naman talaga kasi noon eh. Hindi ko lang nakita kung sinong kumuha yun. Amazing.
Teka. Siguro nagtataka kayo kung bakit ko alam lahat 'to noh? Well, let me tell you this. Since first year ako, parati akong bumibisita dito. Mahilig kaya ako sa photography. Kaya lang, wala akong armas kaya hindi ako nasali sa org...or not?
Kasi naman, since the day na umatend kuno ako ng orientation nila, hindi na ako nilubayan nung vice president pa dati na si Ate Chin2x. Ewan, simula nung makita niya ang sample shot ko gamit ang spare camera nila, which they used to test if the new ones really have it, pinipilit niya sa akin na I'm part of the Click club.
Pero, kasi hindi naman talaga ako sumali. Pumunta lang ako sa orientation para makinig sa kanila since sobrang sikat talaga ng grupo nila even noong high school pa lang ako. Hindi ko naman talaga intensyong sumali kasi wala talaga akong camera. Pero, ayun nga. Pinipilit ni Ate na welcome daw ako sa org nila kahit pa wala akong camera.
Well, that's fine with me naman. Kaso, hindi talaga ako nag-commit as an official member. Unfair naman talaga kasi yun. Pero, I still have the advantages.
Tulad ngayun, pwede akong gumala dito sa exhibit nila. Kilala na rin naman ako ng mga member ng club. Kaya ayun, pagkapasok ko pa lang sa buliding may dalawang member ng club akong nakasalubong. Unting 'hi' at 'hello', at 'mabuti naman at nakapunta ka, Lisa!' ang naganap.
Aba, alagang-alaga kaya ako ng mga tao sa Click Club. Lalong-lalo na yung mga seniors. Huhuhu. Maalala ko, malapit na pala silang magtapos. Mami-miss ko talaga sila.
Kaya ayun, matapos akong sermonan nung dalawang seniors na nakasalubong ko tungkol sa kung bakit ngayon lang ulit ako nagpakita or bakit hindi na ako pumunta sa office nila, dumiretso na ako exhibit hall.
At wow! Ang daming tao. At ang daming pieces.
Uwaaahhh! Ang gaganda nila. Pramis.
Halos hindi ako makagalaw mula sa entrance ng hall. Grabeh. Kahit nakikita ko pa lang yung mga pictures na malapit sa pinto, manghang-mangha na ako. Paano pa kaya yung 'candid piece'? Hala. Ano ba yan.
BINABASA MO ANG
Unreachable Sky
Teen FictionNothing matters to Lisa but family and school. She's smart, pretty, belongs to the middle class and not popular. Sure, she have relationships but Lisa is the oblivious one. She does not (or don't want) to recognize the fact that Sky Monioz, the ever...