Chapter 6 - "What the hell is that?!"

7 0 0
                                    

Sky's POV

"Hi."

Biglang naging blanko ang mukha niya. Mula sa pagiging bubbly niya naging expressionless lang ang mukha niya.

Its as if her face fell the instant she saw me.

What is she thniking?

I can't believe I just saw earlier her smile and laugh, and how beautiful she giggle and blush and... and.... Ugh!

Anong meron sa mukha ko?

Natulala ba siya sa kagwapuhan ko. Ahem!

Kanina ko pa talaga siya pinagmamasdan. Simula nung napasok siya dito sa exhibit hall. I saw everything. I saw how she gawk at Luke.

Letche! Mas gwapo pa ako doon eh! Ta-- Teka! Ba't ko ba.... ugh!

Pero, seriously, marami akong nalaman sa kanya dahil na din kay Archie. Yung current vice president ng Click club.

I was supposed to be in his position since malaki ang naiambag ko sa club since last year pero inayawan ko. Masyado akong focus sa acads ko. Bale, hobby ko lang talaga kumuha ng mga litrato.

And, supposedly, ako dapat ang magiging president ng club next school year, pero since tinanggihan ko, si Archie na nga ang magiging president. Magtatapos na kasi si Chin2x.

Kanina pa kaming umaga dito. At hindi ko talaga ini-expect na makikita ko siya.

Oo, siya. Si Miss Bumper, Miss Uodlibro o Miss Bookworm. Tsk!

Agaw pansin pa man din yung pagsigaw niya kanina. Lalo na yung pag-akap niya sa Luke na 'yan. Kulang na lang bago suya tumalon eh sumigaw muna siya ng "Luke, e-Dawn Sulweta mo ako!!"

Tsss. If I know, mas magiging reyna feeling niya kapag ako yung bumuhat at nagpa-ikot ikot sa kanya eh.

Hoi. Hindi ako nagseselos ha.

Ayun nga, dahil agaw eksena sila, natanong ko kay Archie kung sino siya. Alam niyo na, patay malisya munang 'nagkakilala' kami. Actually, hindi naman talaga kami nagkakilala, medyo nagka-'bungguan' lang naman landas namin.

Nabanggit ni Archie na 'special' member daw itong babaeng ito ng Click club. At sa wakas, napag-alaman ko rin sa Lisa pala pangalan niya. Ang ganda diba? Bagay sa kanya! Simple lang. Tsk!

Ano na  naman bang  inisip ko? *sigh*

Ayun, medyo masakit makita ang parang long-lost love encounter nila. What an eyesore. Tsk!

Nabanggit ko di ba na 'special member' daw siya? Kasi nga naman, kasali pala siya sa club, technically, pero hindi siya active.

Ewan ba, pero sabi ni Archie, malaki daw talaga ang potential nitong babaeng 'to. Hindi ko rin talaga maintindihan kung anong ugnayan niya sa club.

But, she really is something, if that's the case.

Napag-alaman ko rin na may something sila ni Luke. May naudlot daw na pagtitinginan sa kanila noon. Hmmm, kaya pala parang kumikislap pa ang mga mata nitong mokong na Luke na 'to. Tse!

Ay letche! Nagiging chismoso na ata ako eh. Ewan ba. Tss.

Ayun, habang nililibot ni Lokong Luke si Lisa, chinichismis naman ni Archie sa akin yung mga nabanggit ko.

Tsk! Habang pinagmamasdan namin silang dalawa, napansin kong pasimpleng humahawak sa kamay ni Lisa itong si Luke. Tsk! Chumachansing pa talaga sa Lisa KO?!

KO talaga?! Naku, Sky, malala ka na! *face palm sa isip*

Kilala nang halos lahat ng member si Lisa. Pero, bakit ngayun ko lang siya nakita? At bakit ngayun ko lang nalaman na member pala siya. Kung nalaman ko lang dati pa edi sana hindi na siya naloko nung Jeffrey na yun.

Unreachable SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon