Back to work. Pagkagising ko sa umaga nakita kong nakahilata pa sa tabi ko si Clark. Tinignan ko naman ang alarm clock ko sa bedside table ko at nakita kong lampas alas-siyete na ng umaga. May oras pa para maghanda for work. Marahan kong tinapik yung mukha ni Clark to wake him up at nang maramdaman ko na parang wala na siyang balak magising ay palakas na nang palakas yung paghampas ko sa mukha niya. Hindi nagtagal ay nagising din siya. Pupungay ang mata at magulo ang buhok. Gwapo ni Clark kapag bagong gising.
“Wake up already Clark! We have deadlines to finish.” This time sa braso ko naman siya pinalo.
“Nakakaraming palo ka na ha!” Reklamo niya. “Five minutes pa.”
“Maligo ka na, male-late na tayo,” Sabi ko sa kaniya habang tumatayo sa kama. Medyo masakit pa ang ulo ko pero hindi ko nalang masyadong pinapansin kasi I really need to move. Ayoko ma-late. “Luto lang ako ng kakainin natin.” I went to my kitchen, fortunately meron pa akong stock ng itlog and ham. I think that would suffice for the both of us, hindi naman matakaw si Clark, hindi rin siya mapili sa pagkain.
Nang makarating ako sa kusina at magsusuot na ng apron ay napansin kong napalitan na ang suot kong damit at pangbaba. Pinalitan ba ni Clark yung damit ko? Hindi man lang nagpaalam. “Clark! Ikaw nagpalit sa damit ko ‘no?” I screamed from the kitchen.
“You don’t look comfortable with your clothes last night that’s why I decided to change them,” He replied shouting as well, from the shower I guess. “Don’t worry I just changed your clothes. I did nothing that will ruin your purity Virgin Boy!” New nickname ko ba yung Virgin Boy? I don’t like it, masyadong nakaka-degrade ng kagandahan.
“You don’t have to call me Virgin Boy Clark!” Kumuha ako ng pan at inilagay ito sa stove na sinindihan ko na.
“It suits you Rence.” I heard his faint laughter pa after telling me that. I did not reply nalang and decided na mag-focus sa niluluto ko. Ayoko naman na matusta pa ‘yung niluluto ko, basic food na nga lang. Mas nakakawala ‘yon ng dignidad sa pagiging tao ko.
Nang ma-feel ko na mainit na ‘yung pan, nilagyan ko na ito ng mantika. Sinimulan kong iluto 'yung mga itlog pagkatapos 'yung ham. Nang maluto na sila ay mabilis ko silang nilagay sa isang plato at inilapag sa mesa. Sakto naman na palabas na ng kwarto si Clark nang nakabihis na. Only then na-realize ko na hindi pala ako nag-saing. Ulam lang ang kakainin namin ni Clark dahil male-late na kami kung magluluto pa ako ng kanin.“Clark? Sorry nakalimutan ko yung kanin, ‘yan nalang muna ha? Libre nalang kitang lunch later, ligo na ako.” Tumakbo ako palayo sa kanya dahil medyo na-shy ako sa pagiging makakalimutin ko. "Drink some Sprite Clark, for your hangover." Habol kong paalala sa kanya nang pasigaw.
Naligo lang ako ng mabilisan at nang matapos ay nagbihis at sinabayan si Clark sa pagkain ng ulam. Mabilis kaming tumungo sa elevator pababa patungo sa kotse niya. Sana lang talaga hindi traffic ngayon.
"Who do you think 'yung bigating investor na pupunta tomorrow?" Pag-o-open ko ng usapan habang nagbabyahe kami patungo sa company building. I mean, bakit hindi pa siya sabihin sa 'min so that makapag-prepare kami ng maayos. You know, do background research to see the preferences no'ng investor. Tsaka, I have this nagging feeling inside me na it's going to be Theo, which I hope talaga na hindi mangyari. Hindi ko nga siya makausap ng maayos, makapag-present pa kaya sa harapan niya?
"I'll try to ask my father later," Reply niya habang seryosong nakatingin sa daan. "I'll tell you immediately kapag nalaman ko."
"Don't you think it's Theo?" Nababahala kong tanong kay Clark. Kahit na nakaharap siya sa daan ay nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. Nakita ko rin paggalaw ng legs niya as if going to step sa break pero hindi niya tinuloy. "He mentioned last time that he will have a meeting this day. Baka naman with us?"
BINABASA MO ANG
Somebody That I Used To Know
General FictionTerrence Jason Santos is a 21-year old suicidal guy who is working in a company owned by his bestfriend. Jason had an unpleasant past involving a billionaire named Theodore James Silvestre who had been unseen for six years. Jason knows that he had a...