Please do VOTES and leave a comment if this chapter will touch your heart.
---
Kasalukuyan na kaming lulan ng van pabalik sa Manila. Yes, pabalik na nga kami. Ni hindi ko man lang naenjoy ang magandang view ng Pangasinan. Pati ang pagbili ng souvenir ay hindi ko pa nagawa. Sayang nga dahil first time 'kong makapunta sa Pangasinan pero hindi ko man lang naisa-isa ang hundred island. Paano ba naman kasi? Nalaman ni Chloe na kami ni Ash kaya ayon nagbitter-bitteran. Masyado kasi siyang assumera, wew! Jowa daw niya si Ash. At ang matindi pa nito ay pinalayas kaming lahat. Tapos noong magsiuwian naman na kami ay sumabay din siya. What the hell?! Tanga lang eh!Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na lang sana ako nagpunta. Sa totoo lang ayaw ko naman talagang magpunta eh. Masyadong mapilit lang si kuya. Kung hindi sana ako nagpunta ay malamang— napapilig na lang ako sa iniisip. Grr! Nagsisisi ba ako? Hayy! Tanga mo talaga Agatha kahit kilan eh. Sasagot-sagot ka tapos pagsisisihan mo rin. Baliw lang eh no? Baliw lang!
Nang mulung mag-slide ang ulo ni Ash sa balikat ko ay tinulak ko pabalik. Tsk! Napaantukin talaga ng lalaking 'to. Ilang beses ng nahuhulog ang ulo niya mula sa balikat ko pero hindi parin nagising. At kahit sa pagtulog ay nakaencircle ang kamay niya sa bewang ko. Parang aalis naman ako eh no?
Sa ngayon ay nasa pinakalikod na kami. Nakipagpalit kami sa dalawang bebe.
Nagising siguro ang diwa o hindi lang naging komportable ang pwesto niya? Ahh basta! Nag-ayos siya ng pagkakapatong sa ulo niya at ngayon ay nakadikit na ang noo niya sa leeg ko at mukha naman na siyang humahalik sa posisyon na 'to. Tsk! Hanggang pagtulog talaga ay manyakis pa rin.
Narinig ko na lang ang bahagyang pagtawa ni Brix kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. Tsk! Anong tinatawan nito?
"Epic kasi 'yang kunot noong mukha mo."tsk! Kung ano-anong napapansin ni Brix.
"Ang kulit eh. Tignan mo nga."iritado 'kong wika kay Brix na natatawa na lang.
Sa ngayon ay tulog din si Samantha at dumada moves din ang loko. Paano kasi, kapit na kapit 'yung kamay niya sa bewang ni Sam at panaka-nakang humahalik sa noo at tenga nito. Hindi ba nagigising si Sam sa mga pinaggagawa ng boyfriend niya?
"Hay naku, 1% pa lang 'yan."hindi ko naman naintindihan ang sinabi ni Brix kaya napakunot noo ako. Pero ang loko tinawanan lang ako. Hindi man lang nagpaliwanag.
"Kung ako sayo, Agatha ihanda mo na lang sarili mo sa kanya."ha? Bakit naman ako maghahanda? Wala naman akong nagawang kasalanan.
"Bahala ka nga sa buhay mo, Brix."tinawanan lang niya ako at nag-iwas na lang ako ng tingin. Nakagat ba sila ng zombie kahapon? Mga baliw na 'tong mga 'to eh.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang bahagyang paghalik ni Ash sa leeg ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinangiti lang ng loko. Minulat niya ang isa niyang mata ngunit hindi pa rin siya umaalis sa posisyon niya.
"Good evening."wika niya in husky tone.
Hindi na lang ako sumagot sa kanya pero muli ay humalik na naman siya sa leeg ko.
"Ash!"banta ko na ikinangisi niya lang. Umayos siya ng pagkakaupo at nakapulupot pa rin ang kaliwa niyang kamay sa bewang ko. Tsk! Hindi naman ako aalis pero kung makahawak 'to ang higpit.
"Tamara...."tawag niya sa tonong malambing. Ano na naman bang problema nito?
Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang ako sa bintana. Tsk! Ano bang problema at umiiwas ako ng tingin?
"Kung ako sayo, Agatha ihanda mo na lang sarili mo sa kanya."
Grr! Bwisit talaga yang Brix na 'yan. Kung ano-ano pinagsasabi tuloy nag-e-echo-echo sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Clashmate1:Clash With Love✔
Novela JuvenilAkala ko siya ang aayos sa buhay ko, pero akala ko lang pala yun. LANGUAGE:English & Tagalog STATUS:Completed BOOK 2:Clashmate2:Way Back Into Love (Completed) SERIES:ClashMate 1.1 GENRE:Teen Fiction AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVERED BY:eoniqorn