"Pahinga muna tayo, Ash."wika ko sa lalaking kasama ko at naupo na ako sa isa sa mga bench dito sa park.
Kanina pa kami palakad-lakad lang dito at papicture-picture lang. Kahit yun lang ang ginawa namin ay sobra na akong napagod. Ghad!!
"I'll buy some drinks wait for me here."tumango na lang ako sa kanya at tumakbo naman siya sa mga nagtitinda ng mga pagkain at tubig.
Bahagyang humangin kaya napayakap na lang ako sa sarili ko. Christmas na pala ngayon kaya sobrang lamig na naman. Linibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng park at namamangha talaga ako ng sobra dito. Kaya pala madaming tao at dinala din ako dito ni Ash ay dahil sa maganda talaga ang lugar na ito.
Napadako ang tingin ko sa kaliwang side ng park kung saan may mga pamilya na nandoon at naglalatag na ng tela sa damuhan. Siguro dito sila magcecelebrate ng kapaskuhan. Masaya lang silang lahat doon habang nagkwekwentuhan, naghaharutan, at nagtatawanan. Buti pa sila..walang prinoproblema. Buo ang pamilya at masayang nagkakasalo sa kaarawan ng pagsilang kay Hesu Cristo. Ang swerte-swerte nila dahil nararanasan nilang tumawa ng sabay-sabay.. Nakakainggit shit!!
"Hey, are you okay?"napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Ash. "Are you crying?"napahawak ako sa pisnge ko at may luha na palang kumawala mula sa mga mata ko.
Agad ko itong pinahid at ngumiti ako ng pilit sa kanya.
"What's the problem?"
"Nothing.."bumuntong-hininga siya sa sinabi ko at inabot na lang niya sakin ang isang bote ng mineral water. "Thanks.."
"Bilisan mong magpahinga diyan at may pupuntahan pa tayo."wika niya na nagpabuga sakin ng tubig na iniinom ko. Buti na lang at sa harap ko ito naibuga at hindi sa side niya.
"Ash, nalibot na natin lahat 'to. Pagod na ako at gusto ko ng umuwi."wika ko na hindi naman niya pinansin. Tsk! Snobber!
Siguro mga five minutes lang kami nagpahinga sa bench bago niya ako hilain at tumakbo na naman siya. Nagpatangay na lang ako sa kanya kesa naman makipagtalo pa 'ko, dahil alam ko sa huli ay siya pa rin ang mananalo.
Takbo lang siya ng takbo at wala akong balak alamin kung saan ang punta namin. Hindi rin naman siya magsasalita eh. Tsk!
Habang tumatakbo kami ay pinagmamasdan ko na lang ang mga dekorasyong nakasabit sa mga puno at mga poste. Ang ganda kasi.
Napatigil si Ash sa pagtakbo kaya napatingin ako sa harapan niya. Shocks!! Bakit may ganito? Anong meron dito? Anong meron sa table and two chair? Sa violinist? At....ano to? Singer?
Bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko at feeling ko ay nilalamig na naman ako. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa kilig. Ano na naman bang pakulo to, Ash? Bakit ang hilig-hilig mong awayin ang puso ko? Bakit sa tuwing may ginagawa kang nakakasurprisa ay ganito na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko?
The whole place is damn beautiful! Ang malaking puno dito ay napapalibutan ng christmas light at sa may gitnang bahagi nito ay may nakalagay na 'merry christmas, babe'. Ghad!! The design of this tree is so damn beautiful. Maging ang mesa ay may pulang tela na nakabalot dito at ang dalawang silver na upuan ay may nakataling ribbon. Even the violinist wearing a tuxedo, uniform I guess?
Biglang tumugtog ang violinist at ang sarap pakinggan ang intro nito.
"Can I have this dance?"wika ni Ash na nginitian ko naman at binigay ang kamay ko sa kanya.
Naglakad pa kami ng kaunti papunta sa harap mismo ng table namin. Pagtapos ay hinawakan n ni Ash ang bewang ko at nilagay ko naman ang kamay ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Clashmate1:Clash With Love✔
Teen FictionAkala ko siya ang aayos sa buhay ko, pero akala ko lang pala yun. LANGUAGE:English & Tagalog STATUS:Completed BOOK 2:Clashmate2:Way Back Into Love (Completed) SERIES:ClashMate 1.1 GENRE:Teen Fiction AUTHOR:M.M (Miixxiimii) COVERED BY:eoniqorn