Meet Shine

61 5 0
                                    

Shine

Siyam na taon na ang nakalipas nung mamatay si grandpa. Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin naiintindihan kung para saan ang liwanag na 'yun. Sa tuwing natutulog ako, lagi ko na lang napapanaginipan ang pangyayarin iyon.

Simula nung namatay sya ay tinuruan ako ni Dad makipaglaban.

Pitong taong gulang pa lang ako noon ay tinuturuan nya na akong makipag-suntukan, gumamit ng dagger, mag-arnis, at kung anu-ano pa.

Tinanong ko sya noon kung para saan ang training namin pero ang sagot nya lamang ay:

"Kakailanganin mo rin ito anak, sa tamang panahon, kakailanganin mo ring lumaban."

At simula rin nung namatay si grandpa ay pakiramdam ko may nakasunod palagi sa akin. Kahit saan ako pumunta ay nararamdaman ko ang prisensya nya. At kapag nararamdaman ko ang prisensya nya, parang feeling ko lagi akong ligtas.

Tandang-tanda ko pa nung muntikan na akong matamaan ng basketball nung 13 years old pa lang ako.

Tatamaan na sana ako noon ng bigla na lang umiba ng direksyon ang basketball at tumama sa pader. Kitang kita ko kung paano yun napunta sa pader. Diretsong tatama sa'kin pero napunta sa pader. 'Di ko talaga maipaliwanag yun, at salamat rin dahil ako lang ang tao dun, at ako lang rin ang nakakita. Meron ding time na munt----.

Nahimasmasan ako nung may tumawag sa'kin. Nakakainis nagto-throwback moment pa nga ako eh. Epal.

"Stanfield? Stanfield?!" bigla kong narinig. Napatingin naman ako sa direksyon ng tumatawag..what the fuck--- si Mam Lazaro pala. Shit!

"Shine Alexandra Stanfield?!?!" Rinig ko ulit.

"Yes mam! Present po!" Sabi ko, napalalim yata ang iniisip ko. 'Di ko napansin na nandito na pala si Mam Lazaro.

"Bingi ka ba Ms. Stanfield? Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka lang. May nangyari bang masama sayo?" Tanong ni Mam.

Nakatingin rin ang mga kaklase ko sa akin, mga epal din kasi.

"Ay wala po mam, may iniisip lang po." Nahihiya kong tugon. Nagpatuloy sya ng pag-check ng attendance namin.

Nagsialisan narin ang mga pares ng matang nakatingin sa akin. Nag-start na rin ang klase nya.

Boring kasi ang klase namin sa kanya, history. Di na rin ako nakinig dahil alam ko na rin naman yung lesson nya. Dynasties of China, Korea and Japan. Matalino kasi ako. Kaya 'di ko na yan kailangan. Nag early review naman ako.

Ay, nga pala. I'm Shine Alexandra Stanfield, Shine for short. 16 years old. Currently studying at St. William's Academy. I'm taking summer classes in this boring school. Dahil sa pasukan daw, magta-transfer ako ng ibang school. Sabi ni dad, last ko na daw 'to dito sa mundong nakasanayan ko, so tinanong nya ako kung ano gusto kong gawin. So, sabi ko magsu-summer class na lang ako. Boring naman din kasi kung sa bahay lang ako diba?

Siya nga pala, nerd ako sa paaralang 'to mula first year ko, because dad said that I'm going to act as a nerd for my safety. Pero kabaliktaran ang nangyari dahil mas napahamak ako dahil nagpaka-nerd ako sa school na 'to. Naging tapunan ako ng tukso, marami ang nam-bully sa akin. Di na ako nagsusumbong kina Mom at Dad tungkol sa bullies, kasi ayokong maging pabigat ako sa kanila.

Gumagamit ako ng malaking salamin. Naglalagay din ako ng fake pimples, na marami ha, marami. Ang kilay ko napakakapal. At napaka-itim ko rin.

Lagi akong tinutukso dahil nga sa mukhang to. Pero 'di nila alam. I'm the most beautiful here in this school. Wow... kapal din ng face natin Shine noh??! Maganda naman talaga ako. Pero yung ganda ko dapat itago.

Avaloria Academy: The Greatest PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon