My Fanalor?

33 0 0
                                    


Shine

Naglakad kami ni Andrae papunta sa opposite directions.

Lumabas ako ng gate ng school. Naglalakad ako ngayon pauwi.

Habang naglalakad ako, nililibot ko rin ang aking mga mata. Iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari sa akin kung lilipat ako ng school at manirahan doon for the whole school year.

Nag-iinat-inat ako ng maramdaman kong may nakasunod ulit sa akin. Pero hindi na ito yung feeling kong ligtas ako. Parang iba na. Feeling ko nasa panganib ako. Kaya naging alerto ako.

Papasok na ako sa kakahuyan sa tapat ng garden ng bahay, ay, hindi lang bahay, mansion namin. Mini forest lang naman ito at ang karamihan ay fruit trees ang nakatanim. Pagkatapos ng mini forest ay may garden naman. Mga veggies, flowers at yung mga fruits na parang shrubs lang ang puno, just like rasp berries, blue berries at kung ano pa. Meron ding mga vines, like watermelons, grapes at kung anu-ano pa.

Pamana sa'min ni grandpa ang buong mansion at ang lupang nakapalibot rito. Minana lahat ito ni dad, nag-iisang anak lang naman ni grandpa si dad, so ganun.

Nung nasa kalagitnaan na ako. Nararamdaman ko paring may nakasunod. Kaya minabuti kong mas maging alerto. May narinig akong kaluskos sa likod ng puno ng apple.

"Sino kayo?! Magpakita kayo!! Di ako natatakot!!"

"Talaga ba Avalorian? Di mo kami kilala at siguradong matatakot ka kapag nakilala mo kami." Biglang may nagsalita, at nakakatakot talaga iyon. That voice is making me so nervous.

Lumabas ang dalawang lalaking naka-itim. Para silang mga ninja. Di ko talaga makita ang itsura nila. Ang laki ng katawan.

Ang isa ay hanggang balikat lang ang suot.  He's wearing a black with red bracelet. Ang isa naman ay parang simple lang.

Pumitas ang lalaking may bracelet ng apple. Kinagat nya ito. Bibig, braso at matang napaka-pula lang ang makikita mong nakalabas sa kanyang damit.

Kinagat nya ang apple. Pagkalunok nya.

"Sugod!" Sigaw nya sa ninjang kasama nya.

Nagulat na lamang ako ng may inilabas na dagger ang isang ninja at sumugod sa akin.

Isasaksak na sana ng isang lalake ang kanyang kutsilyo pero nailagan ko ito. Nagulat sya ng bigla ko syang siniko sa likod. Bigla syang natumba.

Nakatayo lamang ang isa pang lalake na tila pinapanood lang kami habang kumakain ng apple. Naalala ko tuloy yung K-Pop group na Apple.B .

Tumayo ulit sya at isasaksak na naman sana yung dagger nya pero nailagan ko ito.

Siniko ko sya ulit. Sinuntok ko sya sa tiyan.

Natumba sya pero parang 'di sya nasaktan sa ginawa ko. Tumakbo sya at iwinasiwas nya ang dagger nya sa harapan ko pero inilagan ko na lamang ito ng walang kahirap-hirap.

Tumakbo ako sa isang puno, inakyat ko ito ng mabilis. Bumwelo ako sa puno para suntukin sya. Nasuntok ko sya at sinipa. Paulit-ulit lang. Suntok, sipa, siko. Pero parang hindi sya nasaktan.

Hinawakan nya ang kamao ko na isusuntok ko na sana sa kanya at inikot ito. Binali nya ang braso ko. Kaya napasigaw na lamang ako sa sakit.

"Ahhhhh!!" Daing ko.

"Mas malakas kami sayo, Avalorian. Di mo kami kaya." Sabi nya.

"Anong pinagsasabi nyo? Sinong Avalorian?! Ako ba?! At bakit nyo 'to ginagawa sa akin? Sino ba kayo?!" Tanong ko na ngayon ay dumadaing parin sa sakit.

Avaloria Academy: The Greatest PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon