Chapter one and two pa lang ang na-publish pero may fight scence at love team na agad. Unedited po ito, so expect wrong grammars and spellings. Di naman kasi ako magaling mag-english.. Sige yan na yun UD.... Enjoy!!
****
Andrae
Magfa-5:30 na pero wala parin si Shine. 4:30 pa lang nandito na'ko. Kanina pa ako naghihintay pero wala pa rin sya. Nag-aalala na nga ako eh.
May dumating na babae. Blonde ang buhok just like Shine. Siya na kaya yan?
Hinawakan ko ang braso nya at ihinarap sa akin. Mali pala ako hindi sya si Shine. Hindi pure black ang mata ng babaeng to. Almond brown ang kulay nya.
"Teka, bastos ka ah!" Hinampas nya ako.
"Wait lang miss. Akala ko kasi ikaw yung hinihintay ko." Sabi ko. Masakit na ah. Kanina nya pa ako pinaghahampas.
"Sorry na miss. Di ko naman alam eh." Sabi ko ulit.
"Manyak ka! Manyak!" Sigaw nya. Mabuti na lang konti lang ang tao rito sa Williamians' Park.
"Sorry miss di ako manyak. Akala ko nga lang kasi ikaw yung hinihintay ko." Sabi ko.
Biglang nag-ring ang phone ko.
"Bahala ka nga jan. Akala mo naman maganda ka!" Sigaw ko at umalis.
"Manyak!!!!" Sigaw niya. Di ko na lang yun pinansin. Di naman kasi totoo yun.
Sinagot ko ang phone ko. Baka kasi si Shine na 'to.
"Hello Shine? Asan ka na? Kanina pa ako nandito. 5:30 na wala ka parin. Ayos ka lang ba? Alalang alala na ako sayo. Napagkamalan pa ak----" di pa nga ako tapos. Sumigaw na sya.
"Shut up Drae!! I'm okay. Let's meet tomorrow. Someone needs me right now. Ang OA mo! Sige na. Bukas na lang 7:30. Dapat nandun ka ha? Kailangan na kailangan kasi ako dito sa mansion ngayon." Sabi ni Shine.
"Okay. Bukas 7:30. Teka ano bang problem jan?" Tanong ko naman.
"Di mo na kailangan malaman. Sorry ha? Bukas na lang ulit."
"Sige.. I love you~" bulong ko sa phone.
"Teka, anong sabi mo?"
"Wala! Sabi ko bye! Ampanget mo!" Sigaw ko. Muntik na ako dun ah.
"Ah okay. Bye rin. Ampanget mo rin." Sabi nya.
Nagtawanan kami sa phone.
"Sige na, bye na Drae. Bukas ha?" Sabi nya.
"Sige bukas. Bye!!"
Pinutol ni Shine ang tawag. Kaya naglakad na ako pauwi. Dumaan muna ako sa Greenwich para bumili ng makakain ko. Wala kasi si Mom at Dad sa bahay. Nag-out of town daw. May work daw kasi.
May dala ako ngayong isang box ng Hawaiian Pizza, isang Lasagna at bumili na rin ako ng 1.5 litres ng Coke sa 7/11 kanina.
Alone lang naman ako sa bahay pero andami kong binili.
Mayaman din naman kami. Si Dad at Mom ay secretaries ng company na pinapatakbo ni Tito Roger at Tita Lucy. Kaya magkaibigan kami ni Shine. Ako lang ang nag-iisang kaibigan nun.
Simula kasi ng mamatay si Don Alphonso, hindi na naging pala-kaibigan yun. At nung nag-high school sya, napagdesisyonan ng parents nya na maging fake nerd sya. At sina Tito't Tita lang ang nakakaalam ng dahilan.
Nagho-home study kasi yan si Shine nung elementary. Kaya wala syang friends. At ako lang rin ang nakaka-alam ng tunay nyang pagmumukha. Naaalala ko pa nung una kaming magkakilala noon....
BINABASA MO ANG
Avaloria Academy: The Greatest Power
FantasiaSi Shine ay isang dalagang na nagtataglay ng pinakamalakas na kapangyarihan o ang 'Greatest Power'. Isa sya sa mga nakatakdang iligtas ang mundo ng Avalor kasama ng iba pang itinakda laban sa isang masamang kaharian na tinatawag na Xerebrus na ngayo...