Diana's POV
Maybe you are wondering kung bakit nagkaayos na kami ni Jade. Nung time kasi na pumunta sina Daniel at Jade sa bahay, kinausap niya ako at nakipag-ayos. She also transfered sa school namin at kinaibigan sina Elaine at Eleanor. At first ayaw nilang maniwala pero kalaunan, natanggap na nila si Jade. Nagkaayos na din sila ni Seongwoo. Actually, nililigawan na ni Ong si Jade. Ligaw daw ulit kahit na may pinagsamahan sila dati. Marami ngang nagbago after one month pero ang status ko? Single parin. Oo, wala paring pag asa kay Daniel. Although we got closer at nasasanay na ako sa pagka-touchy niya (no kidding), wala paring pagbabago sa lablayp ko. Naiinggit nga ako kina Elaine at Woojin (park ah hindi lee bata pa anak ni otor para magkalablayp). Eh kasi stay strong sila. Crush naman kasi ni Elaine si Baejin pero bf niya si Woojin. Mukhang wala namang pake si Woojin don kasi nga, loyal daw silang dalawa sa isa't isa.
Jusko, ang haharot ng mga kaibigan ko. May kanya-kanya ng lablayp. "Uy Yan, okay ka lang?" tanong ni Daniel habang kumakain ng chips. Nakalimutan kong nanonood pala kami ng movie. Ewan ko kung ano trip ni Jade at nag aya siyang pumunta kami sa condo niya. And yes, Daniel calls me Yan. Mahaba daw kasi ang Diana pero infairness, siya lang ang taong tumatawag sakin niyan. Wala naman talaga akong nickname eh. "Yeah. Nabibitter lang ako sa dalawang yan." sagot ko saka tiningnan sina Ong at Jade. Nakapatong ulo ni Jade sa balikat ni Ong habang inaakbayan naman siya nito. "Akala ko naka move on ka na?" pang aasar niya sakin. After a month, naging komportable na din kami sa isa't isa. Madalas kaming mag asaran and such.
"Move on ka diyan, hindi naman ako nagkagusto diyan eh." sagot ko saka inagaw ang chips sa kanya na. Napansin ko lang na medyo malapit si Daniel kaya umusog ako ng konti. Sanay naman talaga ako pero lumalakas kasi kabog ni heart.
"Sus wag ka nang maging bitter, hindi bagay." sabi niya ng nakangiti pero nakatutok parin sa movie. Umiling nalang ako saka kumain ng chips. Buti pa pagkain, hindi ako iniiwan.
BINABASA MO ANG
√ | look alike
Short Story❝bakit kamukha kita?!❞ KANG DANIEL EPISTOLARY AND NARRATION [COMPLETED] started : june 9th 2017 ended : november 4th 2017