44

612 28 10
                                    



Diana's POV


Nandito ako sa mall ngayon. Napag-utusan lang akong mag grocery since wala ng stock sa bahay. Mama talaga, hindi ako sinamahan. Lonely tuloy ako dito. Pagkatapos kong mag grocery, pumunta muna ako sa isang cafe para kumain ng snacks. Oo, kain ako ng kain. Kagutom kayang mag grocery. Andami kong nakita na mga sweets pero hindi ko binili. Sabi kasi ni mama, dapat walang excess na binibili. Syempre, makikita niya talaga sa receipt yung mga binili ko. Strict si mama eh. Nag order naman ako ng oreo cheesecake at isang vanilla frappe. Waaaa ang sarap siguro niyan noh?

Maya-maya pa, dumating na yung order. Nagsimula naman akong kumain pero napatigil ako sa pagkain nang makita ko si Donghyun. Katropa din yan ni Daniel, gwapo din huehue. Nilapitan niya naman ako. "Hello Diana, wala ka bang kasama?" tanong niya. Tumango naman ako sa sinabihan siyang umupo. "Asan si Daniel? Dapat sinamahan ka niya dito."

"Nagpapahinga yun. Hindi naman sa lahat ng lakad dapat kasama siya."

Ngumiti naman siya saka nag order ng pagkain. Dumating naman siya na may dalang pasta at dalawang plato na maliit at dalawang tinidor. "Kain ka pa." alok niya. Syempre, pagkain yan kaya hindi ko tinanggihan ang alok niya. Food is layp mga beshie! Hindi ka iiwan ng pagkain. "Popormahan sana kita but you're stuck with Daniel." he blurted out. Ha? Dahil don, nabilaukan ako sa sinabi niya. He handed me my frappe at saka ko ito ininom. "B-Bakit naman?" tanong ko. "Maganda ka, matalino tyaka friendly. Kaso lang, patay ako kay Daniel kapag ginawa ko yun HAHAHAHA!" anong patay kay Daniel? Teka, naguguluhan ako. Maya-maya pa, nagsimula na kaming magkwentuhan at naeenjoy ko naman siyang kausap. Naputol lang talaga ang pag-uusap namin nang makita si Daniel.

Oo, nandito siya. Seryoso ang mukha niya habang tinitingnan kaminh dalawa ni Donghyun. Hala anyare? "Uy bro, andito ka pala." sabi ni Donghyun saka nginitian si Daniel ng nakakaloko. "I was just talking to her. Wala kasi siyang kasama, dapat kasi sinamahan mo to." dagdag niya pa. "It's not okay to take advantage of her while I'm away." hala nakakatakot naman tong pote na to. Dahil nga galit siya, hinila niya ako patayo saka lumabas ng cafe. Mabuti nalang at dinala niya yung grocery bags ko. Pero aba, pano na si Donghyun? "Hoy pote, saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko. "Iuuwi na kita."

"Teka, pano mo nalaman kung nasan bahay ko?"

"Tsk wag mo na ulit gawin yung kanina."

"Anong ginawa ko kanina ha pote?"

"Basta, wag mo na ulitin yon."

Ang gulo nito tsk tsk



√ | look alikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon