Chapter 9

4.6K 132 4
                                    


Pagkatapos ng Program ay nagsimulang tumugtog ang Orchestra. Isa-isang nagpunta ang mga magkakapareha sa gitna ng bulwagan. Dahil may kausap pa si Paris at hindi pa bumabalik ay nanatili lang si Kirsten sa kanyang upuan. Inaya siyang mag sayaw nila Dave at Franz.

"May I have this dance with you?" Pagaaya ni Franz na yumukod at inilahad ang kamay.

"Bro, I'm the one who asked her first." Paninita ni Dave kay Franz.

"Fine Bro, let's take turns, I hope Paris wouldn't mind at all." Nginitian nito si Dave.

"It's just a dance, Kirsten let's go." Yaya ni Dave, hindi na siya tumanggi at nagpaunlak dito nahihiya siyang tanggihan ang mga ito dahil kaibigan naman ito ni Paris.

"Okay." Nasabi na lang niya.

Nagpunta sila sa gitna ng bulwagan nagsitinginan ang ibang babae na halatang naiinggit dahil naghahangad na maisayaw rin sila ni Dave.

Habang nagsasayaw sila ay nakita niyang titig na titig sa mukha niya si Dave.

"Is there something on my face?" conscious na tanong ni Kirsten.

"Ah, nothing, It's just that I think I saw you even before you work at Euphoria."

"Ah ganun ba, baka kahawig ko lang."

" It's not easy to forget a beautiful face like yours. By any chance do you have a sister?"

Sasagot sana siya pero tinapik ni Franz ang balikat nito.

"Pare, are you making a pass at Kirsten?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Franz.

"Of course not! Paris would kill me if I do that." Pagtanggi ni Dave.

"It's my turn." Kinuha ni Franz ang mga kamay ni Kirsten at inilgay sa balikat niya at mga kamay ay humawak sa baywang nito.

Kung titignan sila sa malayo ay napaka intimate ng ayos nila. Nararamdaman niya ang mga matatalim na titig ng mga babaeng halatang nagpapapansin kay Franz. Tila inis na inis ang mga ito dahil siya ang kasayaw ni Franz at hindi sila. Sa tingin niya ay ladies man si Franz na kapag nangitian lang ata nito ang babae ay nagiging girlfriend na nito. Natawa siya sa naisip.

"You're so beautiful when you're smiling." Humahangang sabi ni Franz.

"Thanks Franz. Ahmm.. sabi mo Doctor ka, Anong medical specialization mo?."Curious na tanong niya.

"Cardiology, I like studying the heart."

"You mean you like studying a woman's heart?" May himig pagbibirong sabi niya.

Natawa si Franz. Napatikhim. Nilapit ng kaunti ang bibig sa tenga niya at bumulong.

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now