Chapter 27

743 17 10
                                    

Nakumpirmang bangkay ni Teodoro Bautista ang natagpuan sa Manila Bay.
Naniniwala ang mga awtoridad na hindi sa mismong lugar natagpuan ito itinapon o pinatay. Ayon sa medico legal, 4 na tama ng bala ang nakapatay dito, dalawa sa mukha na bumasag sa ilong at mata, isa sa leeg at sa dibdib. Basag din ang bungo nito sa likod ng tenga, indikasyon na pinalo ito ng matigas na bagay. Hindi na binurol pa ang mga labi ng matanda, crinemate na agad ito at nilagak sa mausoleum.

"I can't think of any person who would kill my uncle but Paris Da Silva, mr officer." Pagpapaliwanag ni Jace sa mga pulis na nagiinterview sa kanila sa posibleng nakaaway o may galit kay Teodoro Bautista.

Nagpupuyos sa galit si Kirsten, halos isumpa niya si Paris sa mga kasalanan nito sa kaniya at sa pamilya ni Jace.

"Ano po sa palagay ninyo ang reason para patayin ni Mr. Da Silva ang tito niyo?"

"Siya po ang tumulong sa investigation ng pagkawala ng kapatid ko." Ani Kirsten.

"Okay, titingnan po namin ang anggulong ito, marami pong salamat."

Gaya ng nakaugalian ni Jace, sa kalye kung saan nakatirik ang bahay nila Kirsten siya dumadaan pauwi sa bahay ng tiyuhing si Teodoro at ang may bahay nito. Miss na miss na ni Jace ang mga panahon na dadaan siya sa bahay ng magkapatid para makipagbonding, pero sa isang iglap ay naglaho ang lahat. Napakapit siya ng mahigpit sa manibela, hindi nya maexplain ang bigat ng nararamdaman nya. Sinipat nya ang orasan sa dashboard, 8 minutes to 9PM. Pinabagal nya ang takbo ng sasakyan ng tumapat ito sa bahay nila Kirsten, may ilaw na nagmumula roon. Sigurado siyang hindi si Kirsten ang nasa loob ng bahay dahil iniwan nya ito sa kanyang condo. Sinong maaaring nasa loob nito? Si Kylie? Si Tito Andrew? Magnanakaw? Itinabi nya ang kotseng sedan, kinuha ang baseball bat na nakalagay sa likod na passenger seat at bumaba.

"May tao ba dyan?" Sigaw ni Jace. Ngunit walang palatandaan na may taong nasa loob. Nakalimutan bang patayin ni Kirsten ang ilaw? Ilang sandali siyang naghintay bago kinuha ang duplicate key ng bahay at binuksan ito.

Pumasok si Jace sa bahay, nang makitang walang tao, tumuloy siya sa kwarto kung saan nakabukas ang ilaw. Makikita sa kama ang ibat ibang peryodiko na may article tungkol kay Paris, mga magazine, pictures ni Matthew, Dave at Franz. Nang papatayin na niya ang ilaw, nakita niya sa dingding ng kwarto ang investigative board na ginawa ni Kirsten. Naroon nakakabit din ang picture ng tiyuhin na si Teodoro, ang mata at ilong nito ay may paso ng sigarilyo! Automatikong napatingin siya sa paligid, itinaas ang bat na hawak. Dinukot ang cellphone sa bulsa, binuksan ang torch saka pinatay ang ilaw sa kwarto. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay at nilock ito. Dinial niya ang number ni Kirsten habang papasakay ng kotse, hindi sumasagot si Kirsten.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan nang isang humaharurot na motor ang tumapat sa salamin ng bintana niya at ang rider ay pinaputukan siya ng baril. Mabuti nalamang at mabilis ang reflexes niya, mariin ang pagtapak na ginawa niya sa silinyador para lumayo rito at hindi siya tinamaan. Hindi na siya dumiretso sa kanilang bahay, mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

Naghabulan sila ng motorbike rider sa loob ng subdivision na iyon na may malalayong bahay. Dinial niya ang number ng security guard ng subdivision para humingi ng responde, ngunit bago pa man may sumagot sa kabilang linya, muling pinaputukan siya ng motorbike rider, nabasag ang rear view mirror niya at nabitiwan din niya ang kanyang cellphone.

"Fuck!"

Tiningnan ni Jace sa side view mirror ang rider, kung mamamatay siya ngayong gabi, isasama niya ang gustong pumatay sa kaniya. Diniinan niya pa ang tapak sa silinyador kaya humarurot ang kotseng lulan niya. Pero hindi nagpahuli ang rider, nakabuntot ito sa kaniya habang pinapaputukan siya ng baril. Nagbanking turn si Jace, sinubukang sagiin ang motor, ngunit matalino ang kaaway, pumreno ito upang hindi matamaan. Sinamantala ni Jace, ang pagkakataon, binilisan niya ang takbo ng sasakyan. Muling siyang pinaputukan, sapul ang gulong niya kaya nawalan siya ng control sa manibela. Nagpagewang gewang ang kotse, sumampa ang gulong nito sa gutter at tumama sa malaking puno. Dahil hindi nakaseatbelt si Jace, lumabas siya sa windshield ng kotse at tumama ang kanyang ulo.

Papaputukan pa sana ng rider si Jace, ngunit may mga security guards na pasalubong sa kanila sakay ng tricycle at motor bike kaya tumakas nalang ito.

Halos mabitiwan ni Kirsten ang telepono nang marinig ang balita. Si Jace na lamang ang meron siya bakit pati ito ay nanganganib pang mawala sa kanya? Nagsimula na namang pumatak ang luha niya mababaliw na ata siya. Lahat ng taong mahalaga sa kanya ay may nangyayaring masama.

Pagdating ng hospital ay agad niyang pinagtanong sa reception kung nasaan si Jace at sinabi na kasalukuyang nasa operating room ito.

Naabutan niya ang tiyahin ni Jace na asawa ni Teodoro sa labas ng nakasaradong pintuan ng operating room. Hindi niya maimagine ang nararamdaman nito ngayon na kailan lang ay namatayan ng asawa. Halos nakatulala nalamang ito.
Hindi niya napigilan ang malakas na pagiyak nang yakapin ang matandang babae, para na niya itong ina.

“Tita ano po ang nangyari kay Jace?”

“Nabangga ang sasakyan niya habang papauwi, sabi ng mga security guard, may tumawag sa kanila pero hindi sumasagot. Naririnig lang nila putok ng baril at nababasag na salamin kaya nagmamadali silang romonda ng subdivision. Naabutan nalang nila ang gumegewang na sasakyan ni Jace hanggang bumangga ito sa puno. Hindi ko alam kung bakit ang pamilya namin ang binibigyan ng pagsaubok ng Diyos.” Naiiyak na sabi ni Tita Beth.

Napaatungal siya sa sakit at galit dahil walang ibang maaaring nasa likod ng nangyaring ito kay Jace kundi si Paris lang, sagad talaga sa buto ang kasamaan nito.

Lumabas ang Doctor sa ER pagkatapos ng ilang oras nilang pag-hihintay.

"Doc, kumusta na po ang lagay ng anak ko?"

"I'd like to be honest with you, at kailangan niyo pong tibayan ang loob niyo. mayroon pong traumatic brain injury ang anak ninyo, comatose po siya ngayon."

Nandilim ang mga mata ni Kirsten sa narinig, pinanawan siya ng ulirat, mabuti na lamang at hawak siya ni tita Beth.

Nang magising siya, nakita niya si tita Beth na nakaupo sa kanyang tabi.

"Nawalan ka ng malay, anak."

"Siguro po, sa labis na pagod at puyat." Napasapo si Kirsten sa ulo ng umupo siya sa hospital bed.

"Hindi ka dapat nagpupuyat, anak. Aning doctor, maselan ang pagbubuntis mo."


Napatulala siya.


Buntis siya? Nahulaan ni tita Beth na hindi niya alam na nagdadalang tao siya, hindi na ito nagsalita pa.

 
Bakit? Bakit sa kanya ito nangyayari?

Ni hindi niya pinangarap na magka-anak kay Paris. Napaluha siya dahil hindi niya na alam kung anong gagawin.

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now