Chapter 13

4.3K 113 10
                                    


Maaga pa lang ay bumangon na sila ni Paris, may pupuntahan daw sila. Sumunod na lang siya rito. Hinatid sila ng limousine sa isang pribadong subdivision. Pagtigil sa bungad ng chateau ay napamangha siya sa laki at ganda nito. Feeling niya nasa 18th century siya at dumadalaw sa mga nobles.

Sinalubong sila ng mga maid at yumukod ng makita si Paris. Pumasok sila sa loob ng bahay. Nakita niya ang isang napakagandang babae na pababa sa staircase. Mukha itong aristokrata, kung titignan ay nasa Mid 30's ang edad nito at may hawig kay Paris.

"Welcome home baby brother!" Sabi nito bago niyakap si Paris at hinalikan sa pisngi.

"Please don't call me that dear sister, I have company!" Namumula sa pagkapahiyang sabi niya.

"To what do I owe this visit? And who's this beautiful lady over here?" Napako ang tingin sa kanya ng Ate nito halatang sinisipat siya.

Nag-alis ng bara sa lalamunan si Paris. "I want you to meet Kirsten. She's my girlfriend."

"Oh! Girlfriend?! Ohh! so sorry about that I'm just surprised. By the way I'm Marie Antoinette his older sister. You can call me Antoinette."

Girlfriend? So may label na ako ngayon? Sa isip isip niya.

"Nice to meet you po." Ngumiti siya sa ate nito at inilahad niya ang kamay para kamayan ito.

Imbes na kamayan siya ay niyakap na lang siya nito at ang beso sa kanya. Mukha lang itong masungit pero napaka accommodating naman pala.

"Oh! You're such sweet young girl. How did he manage to find someone like you?" Nakangiti nitong sabi.

"Don't ask about that Sis" Singit ni Paris.

"Ok fine. Come let's go to the garden I prepared brunch for you two." Niyakag sila nito sa garden.

Nagkwentuhan ang magkapatid mukhang matagal tagal din itong hindi nagkita. Biglang bumaling sa kanya si Antoinette.

"Kirsten you're so quiet, feel free to join us in our conversation. So can you tell me about how you met my baby brother?"

"We met at the bar where I'm working as bartender"

Tahimik lang si Paris na nakikinig.

"Did my brother court you?" Curious na tanong nito

"Sis!" Sita ni Paris.

Napatingin siya kay Paris hindi maipinta ang mukha nito. Nahihiya siguro itong mapahiya sa ate nito. Hindi naman ako niligawan ng mokong na ito. Gusto niyang sabihin pero sigurado siyang mapapahiya ito.

Tumikhim muna siya bago magsalita. "It happens very fast, he's always visiting the bar and then we start going out."

Tinignan si Paris ng ate niya halatang nagtatanong ang mga mata.

"Don't get the wrong idea sis, I like her so I pursue her, it's just that I don't do courting." Segunda niya.

"Well, Kirsten pagpasensiyahan mo na tong kapatid ko at hindi talaga to marunong manligaw." Nababakas ang sensiridad sa boses nito.

"No it's ok lang po. He's the direct type of guy."

"I like you Kirsten! You're so straight! You two are a match!" Natutuwang sabi nito.

Ngumiti lang siya.

"Sis stop it already." Nakangiwing sabi ni Paris halatang ayaw na inaasar.

"Fine. Fine. Your face is so red right now! I'll stop!" Natatawa pa rin si Antoinette.

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now