Chapter 14

4.1K 105 5
                                    


Love at first sight, fuck that. Who would even believe that? Definitely not Paris until himself experienced it with Kirsten. He was lost the first time he laid his eyes on her. Kaya nga inis na inis siya dito na hindi man lang ni minsan siya pinansin nito nung unang magkita sila sa Bar kung saan ito nagtatrabaho bilang bartendress. Mantakin mo't nagalit pa ang babae ng ipinagtanggol niya mula sa bastos na mama! Napakapambihira. At ngayong, nakuha niya na ito, hindi sya papayag na mawala pa ito sa kanya. Just like what he told himself, he will keep her as long as he wants.

"Saan ba tayo pupunta?"

Tiningnan niya ito na nakaupo sa passenger's seat sa tabi niya.

"Basta." Hinawakan niya ang kamay ni Kirsten at inilapit sa kanyang labi. Hinalikan niya ito.

Sa totoo, parang aso't pusa ang dalawa. Walang pagkakataon na hindi nauuwi sa pagbabangayan pag magkasama sila dahil sa pagiging tipikal na utusero ni Paris at pagiging matigas na ulo naman ni Kirsten.

Apat na oras din silang nagbyahe hanggang makarating sa Bayan ng San Luis. Isang Lumang mansion ang pinuntahan nila.

Ginising ni Paris si Kirsten na nakatulog sa haba ng byahe. Pero kung si Paris lang, he can spend eternity just staring at her beautiful sleeping face. She's changing him. And he likes it.

"Wake up, baby... We're here."

Nagpalinga linga si Kirsten na halos malimutang nasa byahe nga pala sila kanina.

May isang aleng sa tingin nya nasa late 50's ang hindi magkandaugagang sinalubong sila.

"Sir, bakit po hindi kayo nagpasabi?" Nanunumbat na sabi nito

"Tomas! Tomas! Pumarito kang madali at nandito si Sir Paris!" Sigaw nito sa may edad na lalaking lumabas mula sa bakuran ng bahay.

"Sorry na, Nana. Gusto ko lang naman ho surpresahin ang lola."

Hindi alam ni Kirsten na may lola pala ang binata. Kunsabagay, halos isang buwan palang naman silang magkakilala. At gusto niya pa itong makilala pa ng lubos.

Tiningnan ni Nana si Kirsten na sinisino siya, inakbayan siya ni Paris at ipinakilala.

"Na, si Kirsten girlfriend ko po. Kirsten, si Nana Brenda. Halos siya na ang nagpalaki sakin." Lumapit si Paris at hinalikan si Nana Brenda sa pisngi, parang maluha luha ito sa pagkagulat sa gesture ni Paris.

Dinaluhan naman sila ni Mang Tomas na kinuha ang duffle bag ni Paris. Nagulat din ito ng magmano si Paris sa kanya. Sumunod na nagmano si Kirsten sa dalawang matanda.

Kahit matanda na ang mansion, napakalaki at napakagarbo parin. May mahigit 9,000 sqm ang floor area nito na nasa gitna ng mahigit isang daang ektarya ng lupa na pagaari ng pamilya nila Paris. Sa harap ay may fountain na may replica sculpture ni Auguste Rodin na Pierre De Wiessant na gawa rin sa bronze.

May dalawang estatwang anghel din ang nasa magkabilang gilid ng pinto ang sasalubong sayo.

Pagpasok nila sa kabahayan, nahigit ni Kirsten ang hininga, mataas ang ceiling ng bahay at talaga namang nagyayabang sa kagandahan ang bawat disenyo sa loob nito. Marmol ang sahig na linatagan ng mamahaling carpet na nagmula pa sa Turkey. May 10 kwarto, 5 sa left wing, 5 sa right wing ng mansion na nasa ikalawang palapag. Habang ang library ay nasa gitna na nasa ikalawang palapag din ng bahay. May living room, entertainment room kung saan parang may mini theatre at great hall kung saan may lumang grand piano.

16 servants pa ang sumalubong at bumati sa kanila bukod kay Nana Brenda at Mang Tomas. Binati sila nito ng magandang umaga.

Ngumiti si Kirsten, at napadapo ang mga mata niya sa pinakabatang babaeng taga pagsilbi. Sa tingin niya, nasa labing apat o labing anim lang na taong gulang ito. Nahihiya itong yumuko ng matitigan niya.

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now