Chapter 7

78 4 1
                                    

Chapter 7: Another Argyle




Vander's POV:




Lumabas na ako dun sa eskenita matapos kong makipaglaban sa mga lalaki kanina. I didn't found Laine. Tsk.




The fuck?! Napalaban pa ako kanina. Gusto ko lang namang ibalik yung two hundred na inutang ko eh. Pero, ano kayang pakay ng mga lalaking yun kay Laine?




Napabuntong hininga ako habang pinapanood ang nangyayari sa paligid. I am sitting here on a bench park while eating my ice cream. Napagdesisyunan kong hindi muna umuwi kasi wala rin naman akong kasama dun sa bahay.




Wala rin naman si Kyrus eh. Sinabi niyang huwag ko na daw siyang hintayin kaya ibig sabihin, baka bukas na siya uuwi. Hmm... I wonder what Master El ordered him.




Nang maubos ko na ang kinakain kong ice cream, sumandal ako sa inuupuan ko. Pumikit ako at nilanghap ang hangin. Ang sarap ng simoy ng hangin, at ang payapang tignan ng mga tao sa paligid. Ang saya saya nila. Kung makangiti sila, akala mo wala silang problemang dinadala.




Ako, wala naman akong problema pero parang may mabigat na dinadala ang puso ko. Siguro may kinalaman yun sa nakaraan ko. Ah, oo nga pala. Lahat ng tao may problema. Malamang, may problema din ako noon. At siguro, natakasan ko lang yung mga problema kong yun sa pamamagitan ng amnesia ko.




I guess I'm lucky.




Am I?




"Hey. " nagulat ako nang may babaeng biglang tumabi sakin. Wait, is she talking to me? 



But,  I don't know her. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga taong palakad-lakad lang. Baka nga hindi ako yung kausap niya kaya pinabayaan ko na lang.




"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Vander Euseco diba? " nagulat ako dahil narinig ko yung pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya. She's smiling while watching those people walking around us.




Ako pala ang kausap niya? B-bakit niya ako kilala? 




"H-huh?"




Lumingon siya sakin habang nakangiti pa rin. "Ah... I'm sorry." she giggles. "Magkaklase kasi tayo kaya alam ko ang pangalan mo. By the way, dahil hindi mo ako kilala, I'll introduce myself kahit nag-introduce naman na ako sa room kanina. " tumayo siya tapos inilahad yung kamay niya. "Jaxine... Jaxine Ansfrid. " sabi niya habang suot pa rin ang isang napakalaking ngiti.




Nakatingin lang ako sa nakalahad niyang kamay na naghihintay sa kamay ko kung makikipagkamay nga ako. But I resist. Ibinaba na lang niya yung kamay niya at medyo nawala yung ngiti niya. She sat down quietly then turn her gaze at the crowd. Hindi na rin siya umimik. Napahiya ko yata.




"S-sorry. " nakatingin pa rin ako sa kanya.




Ngumiti siya "Okay lang. Ano ka ba. Naiintindihan ko naman eh. Nabigla ka lang, kaya wag mo na intindi--" naputol ang sinasabi niya nang biglang tumunog ang phone niya. Kaya naman dali-dali niya itong kinuha. Nanlaki pa ang mata niya nang makita ang caller pero sinagot naman niya ito agad.




Ibinalik ko ang tingin ko sa paligid pero rinig na rinig ko yung mga sinasabi niya. "Hello?.. O kuya, bakit?.. Nandito ako sa park... Wala lang nagpapahangin lang... " nakita ko sa peripheral vision kong napakunot ang noo niya. "Ha?! Maaga pa naman eh!" nagdadabog siyang parang bata. Cute. "FINE" tapos binaba niya ang phone niya. Patay malisya naman akong kunwari hindi nakikinig sa mga sinabi niya.




Mafia's World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon