Prologue

485 17 2
                                    

Prologue

"I know you're lying Van. Kilalang-kilala na kita." sabi ng katabi ko with a calm but warning tone. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. Napakaseryoso ng mukha niya na walang sinuman ang makakabasa ng ekspresyon niya ngayon.

Naging nakatatakot ang kaniyang aura. Pero ngayon, wala akong maramdamang takot kundi galit. Wala akong pakialam sa iniisip niya ngayon. Basta ako galit na galit ako. Galit, kung bakit nila tinago ang lahat sa akin sa buong buhay ko.

Napatayo ako at ibinagsak ang kamao ko sa lamesa. "Eh ano kung nagsisinungaling ako, huh?! So what?!" pero gaya kanina, wala pa rin siyang ekspresyon at nakatingin lang sa'kin. "Di'ba gano'n din naman kayo?! All these years, hindi ko kilala kung sino ba talaga ako. Hindi ko kilala kung sino ang mga taong kasama ko sa buong buhay ko."

Oo. Tinago nila ang buong pagkatao ko. Ang buong pagkasino ko. And now, I don't really know who I am. At nalaman ko ang lahat, dahil nagpaimbestiga ako.

The guy in front of me just smirked while playing his glass of wine. "Hindi mo alam ang pinasok mo Van. You don't understa-"

"Then let me understand!"

His face became serious again at tinigil niya ang paglalaro niya sa baso niya. Napatingin siya sa'kin. "WE ARE JUST PROTECTING YOU." sabi niya sa nakatatakot na tinig. May diin ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Bakit ba siya ang nagagalit ngayon? Diba dapat ako ang may karapatang magalit ngayon?

"You are PROTECTING me?!" paano nila masasabing pinoprotektahan nila ako? Napailing ako."I really can't believe this." nilagpasan ko siya at tumungo ako sa pintuan upang lumabas na.

Kasabay rin niyon ay ang pagkarinig ko ng mga putukan sa labas ng mansion. Oh well, New Year na nga pala. Malamang mga fireworks na 'yon.

Happy New Year to me.

But wait... I looked at my watch and it is still 10:52 and mag-iisang oras pa lang simula nang dumating ako. Weird. Hinayaan ko na lang. Late yata 'tong relo ko.

I guess.

I was about to touch the doorknob when I felt something cold metal behind my head. I froze. I can not move. No way. Please tell me na mali ang iniisip ko.

Lalo pang nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang bulong niya.

"Trust me little brother."

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ko na lang ang sarili kong bumagsak sa sahig.

Blood. I can see blood. Gusto kong tumayo, pero hindi ko kaya. My legs, they won't move. My body, it won't move.

Why must it end like this. Mamamatay na ba ako? Of course not. This is not how I wanted it to end. Pero wala akong magawa.

I saw him standing in front of me. He's just staring at hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. He's emotionless like hell!

Siya. Siya ang may kasalanan nito. P-papaano niya nagawa sa akin ito. Papaano niya ito nagawa sa sarili niya kapatid. Nararamdaman ko na ang antok at bigat ng talukap ng mata ko.

I can't believe he can do this.

I CAN'T BELIEVE MY OLDER BROTHER CAN DO THIS.

Mafia's World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon