Chapter 4

87 6 2
                                    

Chapter 4: Mysterious Girl


Vander's POV:


"Van, ako na lang kukuha ng ID at ng schedule natin. Dumiretso ka na lang sa canteen at mag-order ng pagkain mo, since hindi pa tayo nag-agahan. Hintayin mo na lang ako dun." tumango na lang ako kay Kyrus kaya umalis na siya at iniwan ako. Naglakad naman na ako papuntang canteen.




First day of school ngayon. Maaga kaming pumasok kaya wala pang katao-tao kundi yung mga teachers pa lang. Ang kaso, hindi pa kami nag-agahan. Gusto kasi ni Kyrus maaga eh, malelate na daw kami kaya hindi nanaman kami nakapag-agahan. Just like the day na una kaming pumunta sa Orcon Company.




Pagpasok ko sa canteen, may nakita akong isang babaeng nakaupo at sa tingin ko ay kumakain. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Ang aga naman niya. Mas nauna pa siya sa amin ni Kyrus. Akala ko pa naman wala pang tao dito.




Pumunta na ako sa counter at nag-order ng makakain ko.




"One hundred eighty five pesos." sabi ng tindera sa'kin pagkalapag niya ng Oreo Cheesecake at Hot Chocolate sa counter. Nagkalkal ako sa bag ko ng pera. Ilang segundo pa ang lumipas, may bigla akong naalala.




Shit.




Wala nga pala akong pera. Wala ring binigay na pera si Kyrus sa akin. Pa'no na yan? "Wait lang ate ah. Sa'n na ba yung wallet ko dito?" sabi ko nang nakapekeng ngiti habang nagkakalkal ako kunwari sa bag ko ng pera. Fuck. Ba't ba kasi hindi nag-iwan si Kyrus sakin ng pera? Pinag-order niya pa ako. Tss.




Napatingin ako sa babaeng kanina pang nakaupo at kumakain, na ngayon ay nakaharap na ang position sakin. She wears all black clothes with black leather jacket. Her long black hair suits her white skin. Mukhang maamo rin ang mukha niya. Nakita ko kung ano yung kinakain niya. Hmm. Pareho kami. Suddenly, an idea popped out in my mind.




Lumingon ako sa tindera."Wait lang talaga ate. Nawawala kasi yung wallet ko. " sabi ko kahit na hindi naman. Pagkatapos ay umalis ako saglit sa counter at nilapitan yung babae. I gulped. Nakakahiya. I have no choice.




"Uhm... " hindi ko pa nasasabi ang sasabihin ko nang bigla siyang naglabas ng kung ano at ihinagis ito sa direksiyon ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Ni hindi man lang siya lumingon sa akin. Tinignan ko kung ano yung inihagis niya. Two hundred pesos. Pinulot ko ito at tinignan ko ulit siya. May nasabi na ba ako? "Para saan 'to? "




"Kailangan mo diba? Yan yung dahilan kung bakit ka lumapit sa akin." tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkain at hindi pa rin lumilingon sa akin. Oo nga, ito nga yung dahilan kung bakit ako pumunta sa kanya. Pero paano niya nalaman? Nagtataka pa rin akong tumingin sa kanya. Tss. Nevermind. Narinig niya kami siguro ni ateng tindera kanina.




"Thanks. Mamaya ko na lang bayaran." hinintay ko siyang sumagot pero, wala. Wala man lang siyang imik kaya bumalik na lang ako sa counter ulit at binigay yung bayad.




"Wala ka bang barya? " what?!  Bakit yung barya? "Maaga pa lang kasi at iisa pa lang ang bumili kaya wala kaming barya. " dagdag pa ni ateng tindera. Umiling ako. "Yan lang yung pera ko. " tinuro niya yung babaeng inutangan ko kanina. So, what's with her? "Tanungin mo siya kung may barya siya." nanlaki ang mata ko. What?! Again?! Ayoko! Nakakahiya. Two hundred na nga yung binigay niya and take note, sobra pa, tapos hihingi pa ako ng barya? No!


*kruug kruug kruuug*


Napatingin naman ako sa tiyan kong tumunog pero, mahina lang kaya ako lang nakarinig. Fuck.




"Ano may barya ka ba? Ibabalik ko na 'to." yung cake ko. Ibabalik na sana ni ateng tindera yung cake nang bigla akong magsalita. "Okay, okay. I'll go. Tss." kung hindi lang ako nagugutom eh. Bwiset. I have no choice. Bakit ba lagi akong walang choice?




Pagkalapit na pagkalapit ko sa babae ay nagsalita na agad siya. "Nothing." bored niyang sabi tapos sumubo ulit siya. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hindi pa ako nagsasalita eh. Pero, pmbaano na yan?  Tsk. Bumalik ulit ako sa counter.




"Ate, wala daw. " pero may kung ano lang siyang kinukuha sa bulsa ng apron niya. Pagkakuha niya, wallet. "O eto. " binigay ni ateng tindera sakin yung kulang kong sukli na fifteen pesos. "Naalala ko may fifteen pala ako dito. Pera ko yan ah, pasalamat ka. " the fuck?! Meron pala siya. Bakit ngayon lang?




Binalewala ko na lang at pumunta sa napili kong table. Habang kumakain, napatingin ako sa babaeng inutangan ko kanina na nasa katabing table ko lang. Oo nga pala. I don't know her name. How can I find her kapag may pera na ako?




Tumayo ako at lalapit na sana sa kanya nang bigla siyang tumayo. Tapos na yata kumain. "Miss, wait. " for the first time, lumingon siya sakin with her blank face. Napatitig ako sa kanya. Ang g-ganda ng mata niya.




"You're wasting my time." para akong nagising nang magsalita siya. Akmang aalis na sana siya nang magsalita ulit ako. "What's your name? " lumingon ulit siya sakin at pinanliitan ako ng mata. No. Baka bigyan niya ng meaning yung sinabi ko. "I mean, kailangan pa kitang bayaran kaya dapat alam ko man lang yung pangalan--"




"Van? " bumukas yung pinto at napalingon kami sa kapapasok lang na si Kyrus. "Nakuha ko na-" napatigil siya sa pagsasalita ng makita niya ang babaeng kausap ko. "Oh hey, hi. " kumaway-kaway pa siya ngunit ang babaeng kinakawayan niya ay binalik lang ang tingin sakin at nagsalita. "You don't need to pay me back. Kaya wag mo na rin akong hanapin. " pagkatapos nun ay umalis na siya at lumabas.




"Cold. " sambit ni Kyrus habang nakatingin lang siya sa kaalis lang na babae. "Sino yun ah? Nawala lang ako may nahanap ka ng-"




"Wala. " sabi ko at umupo na lang ulit sa inuupuan ko kanina. Tumawa si Kyrus at dumiretso na lang sa counter para umorder. May atraso pa pala siya sa akin.




Habang kumakain, I can't help but to think about the girl a while ago. Hmm... Who's that mysterious girl?


*****


Pasukan na pala bukas kaya babaguhin ko ang schedule ng update nito. Sorry.



Update schedule: Sunday and Wednesday






Mafia's World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon