Chapter 8

103 3 2
                                    

Chapter 8: Aaron Fernandez

Vander's POV:

"Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na sinundo mo pala yung kapatid mo sa airport? "

Tumawa si Kyrus. "Bakit? Ano bang akala mo? " sabi niya habang naglalakad papuntang kwarto niya. Napaiwas ako ng tingin. Ang akala ko? Ang akala ko may inutos sa kanya si Master El kaya para siyang nagmamadali kahapon nung umalis siya. Sira-ulo. Hayaan na nga.

Ikinwento na sa akin kanina ni Kyrus na sinundo niya si Kiara, kapatid niya, sa airport. Galing kasi ito sa U.S. para mag-aral pero bakasyon na nila ngayon kaya dito muna daw siya sa Pilipinas at babalik na lang ulit pagkatapos ng two months. Hindi ko rin matawagan si Kyrus dahil lowbat ang phone niya. Inabot na rin sila ng umaga sa pag-uwi dahil ayaw ng kapatid niyang dumiretso agad pauwi rito sa kadahilanang pagod na pagod ito sa biyahe galing U.S. at minabuti na lang na magpalipas ng gabi sa malapit na hotel.

"HOY, BILISAN MONG KUMILOS! PAPASOK PA TAYO KAYA MALIGO KA NA! " medyo nagulat pa ako sa biglaang pagsigaw ni Kyrus. Grabe! Ang lakas nun ah. Sumigaw siya galing sa kwarto niya. Umagang-umaga ganyan siya lagi. Parang nanay lang.

"VAN! "

"Oo na! " nagmadali na akong pumunta sa kwarto ko para maligo bago pa sumigaw ulit si nanay-- este Kyrus pala.

*****

"Hi Vander. " masiglang bati ng babaeng tumabi sa akin. Kahit hindi ako lumingon, kilala ko kung kaninong boses yon. Gaya kahapon, hinihintay namin ang teacher namin habang ang ibang mga kaklase ko ay may kanya-kanyang mundo. Si Kyrus naman ay pumunta sa kung saan. Hindi ko alam kung saan, basta lumabas na lang siya bigla at hindi ko na rin tinanong pa.

"Mahilig ka palang magbasa ng libro? " sabi ng katabi ko. Hindi ko siya pinansin sa halip ay ipinagpatuloy ang pagbabasa ko. Ang ayoko sa lahat ay yung istorbo. Nakita kong tinignan niya ang cover ng libro ko. "The Poison Belt? "

"Yeah. " sagot ko na lang dahil abala ako sa pagbabasa ng libro na ngayon ay hindi na ako makapag-concentrate dahil binubulabog ako ng babaeng 'to.

"Hindi ka nanaman namamansin. " may halong pagtatampo yung boses niya. "Hindi mo ba ako naaalala? Ako 'to si Jaxine. Jaxine Ansfrid remember? Nag-usap tayo sa park kahapon. Nginitian mo pa nga ako eh."

Bakit ba ang kulit-kulit ng babaeng ito. Isinara ko ang librong binabasa ko. Wala na. Wala na akong gana magbasa. I raised my one eyebrow at her."I know. " habang itinutusok yung hintuturo ko sa noo niya. "Nang-iistorbo ka kasi. Alam mong nagbabasa ako eh. "

"Aray! " hinimas-himas niya yung noo niya. "Makatusok ka naman sa noo ko, akala mo matagal na tayong magkakilala. Close tayo kuya? Close tayo? "

"Ayaw mo? O, sige. Bahala ka na diyan. " tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Jaxine at hinila yung braso ko.

"Biro lang naman. Huwag ka nang umalis, ano ba. Parating na rin si ma'am." hindi ko na itinuloy ang pagtayo ko dahil unang-una, binibiro ko lang naman siya at pangalawa, dumating na talaga ang teacher namin.

Tumayo kaming lahat at binati ang gurong pumasok. Si Mrs. Villa. Pagkatapos ay pinaupo niya kami. Sumulyap ako sa isa ko pang katabi na bakanteng upuan. Nandito na ang teacher namin pero wala pa si Kyrus. Saan nanaman nagpunta yon? Ayaw niyang nale-late at ang aga-aga niyang pumasok pero mukhang male-late siya ngayon. What's up with him?

"Uy diba mayroon kang isa pang kasama? Anong nangyari, absent ba siya? " tanong ni Jaxine sakin pero bago pa ako makasagot ay may biglang dumating sa tapat ng pintuan.

Mafia's World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon