Create 30: Accident

937 36 18
                                    

A/N: Pasensya na... ngayon lang nakapag UD. May writer's block pa rin kasi ako hanggang ngayon. Nanunuod kasi ako ng WGM. Tapos araw araw bad hair day na lang lagi... Yung tipong kakagising mo pa lang? tapos may mag sisisigaw na sayo? nakaka inis yun diba? Sinong gaganahan nun? lalong lalo na ngayong araw? grabe. katakot takot na sigaw ang inabot ko. :)) Di ko alam kung bakit siya nagagalit ng ganun sakin? wala naman akong ginagawang masama? masamang bang naka tulog lang ako saglit? :D tapos mag sisimula na siyang manghalungkat ng nakaraan tas manglalait pa siya ng ibang tao. LOL. wag na kayong mag tanong kung sino ha? XD 

haha pasensya. Nag labas ng sama ng loob dito. wala akong masabihan eh. :)) Dedicated kay Karren hahaha. hayaan mo na problema mo. masyado ka pang bata para mamroblema sa problema ng magulang. LOL. :D

 Enjoy~

------------------

-Accident-

Third Person

Pinagsusuntok ni Bryan ang pader bago niya nilisan ang lugar na iyon...

sa pag tulo ng luha niya ay umaagos ang dugo sa mga kamay nito...

wala na siyang pakialam kung ano ang mangyari sakaniya...

Basta't ang alam lang niya ay nasasaktan siya...

Hindi na rin niya nagawang mag paalam pa kay Mia dahil hindi na siya makapag isip ng maayos.

blangkong blangko ang utak niya sa mga oras na iyon...

sumakay siya ng kotse at halos lumipad na ito sa sobrang bilis...

Hanggang sa mapunta siya sa isang bar....

"Gusto kong maghanap ng away katulad ng ginagawa ko dati" nasabi nito sa kaniyang sarili...

Pumasok siya sa Bar na iyon at umupo sa isang sofa bandang dulo ng lugar na iyon... lumapit ang waiter at kinuha nito ang order ni Bryan...

isa... dalawa... tatlong baso ng alak.. at hanggang umabot sa pagkaubos ng lamang alak ng boteng hawak hawak niya... ngunit ang pagkalasing ay tila mailap sakaniya...

umorder ulit siya ng panibagong alak... pero sa pagkakataong ito... ay ang inoder niya ay isang hard liquor at yung pinaka mahal... pagkatapos ay pumunta siya sa dance floor...

"ang daming magagandang babae sa paligid pero bakit kay Charm pa ako nagkaganito" muling umiyak si Bryan...

Wala na siyang pakialam sa ginagawa niya... nakikipag sayaw siya kung kanikanino... at nakikipag halikan sa bawat babaeng lalapit sakaniya...

hanggang sa nakaramdam na siya ng hilo ngunit hindi niya ito pinansin at nag patuloy sa kaniyang ginagawa... 

Maya maya pa't may lumapit sakaniyang isang babae... "bryan!" pamilyar ang boses na iyon sakaniya...

"bakit ka nagkakaganian Bry?" tanong ng dalaga sakaniya... Pinilit ni Bryan na tumingin ng diretso upang makita ang mukha ng dalaga...

"C'mon. Iuuwi na kita" yaya sakaniya ng dalaga at umalis na sa bar na iyon.

sa loob ng sasakyan ay kung anu-ano ng nassabi ni Bryan na hindi niya namamalayan...

"Alam mo... Pamilyar ka talaga eh... pati yung boses mo... yung amoy mo... para kang si Charm" nasabi ni Bryan habang nakapikit ang mga mata nito...

"Anong gagawin mo kung ako si Charm?" tanong ng dalaga...

"hihingi ako ng sorry sayo... kasi... sinaktan kita... dapat nga maging masaya na ko... kasi kayo ni Kent... pero nasasaktan ako tuwing makikita kitang kasama mo siya.." sagot naman ni Bryan...

Creating your Perfect Boyfriend [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon