Create 31: Goodbye

932 29 16
                                    

A/n: patawad! ngayon lang ako nka update! :( wala po kasing time na mag online eh.

pasensya sa mga typo kung meron man. sa phone lang ako nag type.

Ganito ako mag text. lol hahaha

Salamat sa mga nag fan. at nag add ng CYPB sa RL nila.

Dedicated kay CNsunny haha! Salamat sa comment mo sa previous chapter. natutuwa ako haha! Salamat sa pag subaybay sa kwentong to! :*

enjoy! xD

Vote.comment.fan

-----------------------

-Farewell-

Third Person

Ilang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa ring doctor na lumalabas mula sa Emergency Room..

pabalik balik na naglalakad si Bryan habang sinasabing...

"Shit! kasalanan ko to eh! Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama kay Charm!" at nag patuloy siya sa paglalakad..

"Ang bobo ko kasi! bobo! bobo! bobo! bobo!" paulit ulit niya itong sinasabi sakaniyang sarili... kasabay nito ang paulit ulit rin niyang pagsuntok sa pader...

wala na siyang pakialam kung dumudugo ang kamay niya... Iniinda niya ang sakit

"walang wala itong sakit na nararamdaman ko sa mga kamay ko... kumpara sa sakit na naidulot ko kay Charm" napaupo na lamang siya sa sahig..

hanggang sa nilapitan siya ng isang nurse "Sir? okay lang po ba kayo? dumudugo po yung kamay niyo" ngunit hindi nito sinagot ang nurse..

"Halika po... gamutin natin ang sugat niyo" inalalayan ng nurse si Bryan na makatayo...

habang ginagamot ng nurse si Bryan... walang reaksyong ipinapakita ito... walang emosyon sa kaniyang mga mata... walang emosyon sa kaniya mukha... nakatulala lamang siya sa kawalan..

"Sir hindi niyo dapat sinasaktan ang sarili niyo" Ang gwapo niyo pa naman... 

Iniisip ng nurse kung bakit nagkakaganiyan ang isang gwapong katulad niya... kahit naman natanungin niya ito... ay hindi siya sinasagot ni Bryan... Nang natapos na niyang gamutin si Bryan ay tumayo ito at nag simulang maglakad palabas ng kwartong iyon...

"Bryan!" isang sigaw ang kumuha ng atensyon ng lahat... pwera lamang kay Bryan.. patuloy itong naglakad papuntang Emergency Room..

"Bryan! Are you happy now? huh!? Are you happy now!?" galit na galit na sigaw at tanong ni Kent sakaniya... tinutulak tulak siya ni Kent ngunit pinapabayaan lamang ito ni Bryan... wala na siyang pakialam kung anong gawin sakaniya ni Kent... tutal ang iniisip niya ay parusa na lamang niya kung ano man ang mangyayari.

"Look? Ano bang ginawa sayong masama ni Charm!? wala kang kwentang tao!" muling sigaw ni Kent... ngunit nakayuko lamang si Bryan...

"He knows that already! So just shut up Kent! Will you!?" napalingon si Kent kung sino yung nagsalita..

"isa ka pa Mia! Alam kong may kinalaman ka nanaman dito kung bakit naaksidente si Charm!" -kent

"She deserves it!" -mia

"What!? how com----" 

*BLAAAAAGGG*

isang kamao ang tumama sa pader sa pagitan nilang dalawa...

"Hindi ba kayo titigil? Wala namang magagawa kung mag sisisihan kayong dalawa. Isa pang mag salita sa inyo... Makakatikim sakin" biglang natahimik ang dalawa... ramdam nila ang lamig sa paligid...

Isang boses na walang emosyon... nakakatakot kapag nagtangka kang magsalita pa...

Isang tao na para bang wala ng buhay... mga matang nakakapangilabot kung makatitig...

Ibang iba na si Bryan ng magsalita siya sa mga oras na iyon...

wala ng nagawa ang dalawa kundi ang maupo na lamang sa labas ng emergency room... habang si Bryan ay naka upo sa sahig at nakapatong ang dalawang siko nito sa kaniyang mga tuhod 

(a/n: nagets ba ang posisyon? XD hahaha)

maya't maya pa ay may lumabas na ring doctor mula sa kwartong iyon...

"Sino po ang mga kamag-anak ng pasyente?" tanong sakanila ng mga doctor

"Ako po! boyfriend niya po ako" nag mamadaling lumapit si Kent sa doctor...

"Pasensya na kayo... ngunit ginawa na namin ang lahat... Malakas ang impact ng pagkakabangga niya... dahilan para mabali ang mga buto niya... Minomonitor pa namin kung may mga internal bleeding ba lalong lalo na sa bandang ulo niya... natatakot akong sabihin sa inyo na maaaring nasa Comatose stage ang pasyente... hindi pa natin pwedeng ilipat ang pasyente sa regular room kailangan pa niyang dumaan sa mga test... Sa ngayon, ililipat muna namin siya sa ICU. At kailangan ding humanap ng mga blood donor para sa pasyente... marami ring dugo ang nawala sakaniya... excuse me." pagkatapos sabihin iyon ng doctor at umalis na ito kaagad...

naiwan namang nakatayo si Kent na gulat na gulat sa mga narinig... Si Mia na nakatayo na para bang nangingiti pa... at ganun pa rin si Bryan na walang reaksyon...

di nag tagal ay umalis na rin kaagad si Kent upang maghanap ng mga blood donor na pwedeng mag bigay kay Charm...

tumayo na rin si Bryan upang puntahan si Charm sa ICU..

"Bry! where are you going? tara uwi na tayo!" sigaw ni Mia sakaniya... ngunit hindi niya ito pinansin at nag patuloy sa pag lalakad..

ang tanging gusto lamang ng binata ay makita si Charm...

Nang makapasok siya sa loob... ay agad nitong hinawakan ang mga kamay ni Charm... at nagsimulang tumulo ang mga luha nito sakaniya mga mata..

"Charm... Charm..." paulit ulit nitong tinatawag ang pangalan ng dalaga...

"Sorry Charm... Sorry sa lahat... Sana ako na lang... ako na lang ang naaksidente at hindi ikaw." patuloy pa rin ito sa pag iyak...

napaupo ito sa tabi ni Charm habang hawak hawak pa rin ang kamay nito at umiiyak...

hinalikan ni Bryan ang kamay ni Charm.. napayuko na lamang sa sobrang iyak si Bryan... sobra siyang nag sisisi sa mga nangyari...

hanggang sa...

"Charm! CHARM! DOC! SI CHARM! DOC! NURSE!" nag sisisigaw si Bryan sa labas ng ICU... nag hihingalo na kasi si Charm at unti unting bumabagal at nawawala ang heartbeat nito

"ANONG NANGYAYARI!?" dumating si Kent at nagmadaling pumunta sa ICU

"Si Charm..." tinignan siyang masama ni Kent...

"UMALIS KA NA DITO! HUWAG NA HUWAG KA NG LALAPIT KAY CHARM! LAGI NA LANG SIYANG NAPAPAHAMAK KAPAG LALAPIT KA! UMALIS KA DITO!" tinulak ni Kent si Bryan at nag madaling pumasok ng ICU

nakatingin lamang si Bryan kay Charm sa pagitan ng isang transparent na salamin... habang nirerevive si Charm...

Tama nga... tama nga ang sinabi ni Kent... Di na dapat ako lumapit pa kay Charm...

*tut... tut... tut... tuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuutttttttt*

nagulat siya sa narinig na yon... tuluyan na ngang nawala ang heartbeat ni Charm...

"CLEAR!" wala siyang ibang naririnig kundi ang sigaw ng doctor...

gustuhin man niyang lumapit ngunit hindi niya magawa...

ang tanging nagawa na lamang niya ...

ay umalis sa lugar na iyon..

*END* 

Creating your Perfect Boyfriend [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon