Write Me a Happy Ending

14 2 0
                                    

Write Me a Happy Ending
By aeioubcd

Prologue ng kwento nating dalawa

Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil imbis na ang mga karakter na likha mo ang mahalin ko, sa iyo at sa iyo pa rin ako nagkakagusto. Ikaw at ikaw pa rin ang naiisip ko–ang mga biro mo, mga kalokohan mo at lahat ng mga saloobin mong ini-status mo. Wala akong palya sa pag-love ng mga posts mo. Pati nga comments mo, nila-like ko. Sa tuwing mag-oonline ako, profile mo agad ang binibisita ko. Gano'n kita kagusto.

Sobra akong natatawa sa mga pinaglalaban mo. Tuwang-tuwa sa pagka-fanboy mo. Kahit ano atang gawin mo, magugustuhan ko.

Kada may makikita akong picture mo kasama ang isa sa mga tagahanga mo, mas lalo akong humahanga sa iyo. Hindi ka maarte. Hindi ka nagpapakitang tao. Mahal mo ang mga fans mo. Mahal mo kami. Mahal mo ako. Mahal mo ako. Mahal mo ako. Ang sarap ulit-ulitin. Kahit hindi mo ako kilala, alam kong mahal mo ako bilang tagahanga mo. Mahal din kita. Mahal din kita hindi lang bilang isang tagahanga.

'Di ba writer ka? Pwede mo bang gawing happy ending ang kwento nating dalawa? Ako ang susulat ng kwentong 'to. Pero nasa sa iyo pa rin kung paano magwawakas 'to. Isa lang naman ang sigurado ako e, hindi mo man maibigay ang happy ending na pinapangarap ko, mananatili pa rin akong isa sa libu-libong tagahanga mo.

Started: January 2, 2014

Sweeter than FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon