lalaloves commented on your story, “@magbebreakdinkayo, bebs! Basahin mo ‘to. Parang si @maki1129 yung tinutukoy nung author”Nanlaki ang mata ko nung lumabas ito sa notification ko! Nawala sa isip ko na pwede itong mabasa ng ibang fans kagaya ko. Ni hindi ko man lang naisipang ibahin ang mga detalye tungkol sa kanya. Paano ba naman? Hindi naman ako naasa na may magbabasa nito.
Napatingin ulit ako sa phone ko nang tumunog ito.
magbebreakdinkayo replied to lalaloves’ comment on your story, “hala bebs! Oo nga. Maki na Maki yung description! Ipaalam natin ‘to kay master. @aeioubcd tama ba kami? XD”
Anong gagawin ko? Ide-deny ko ba? O buburahin ko na lang ito?
Umiling ako at nireplyan sila, “Thank you @lalaloves and @magbebreakdinkayo for reading my story. I hope you liked it ;)” Natawa ako sa reply ko. Masyadong formal, feeling professional.
Akala ko sa reply ko na matatapos yun pero nagcomment na naman si @magbebreakdinkayo, “Aabangan ko ‘to. Titignan ko kung mapapansin ka ba ni master!”
Hindi na ako sumagot. “Kahit ako, nag-aabang lang din sa story na ‘to. Naghihintay na mapansin niya rin ako.” malungkot na bulong ko.
**
Buong araw akong nagreview para sa board exam, ni hindi ko namalayan na gabi na pala. Napatigil lang ako nang makaramdam ng gutom. Nagsuot ako ng jacket at nagdesisyong kumain na lang sa McDo. Hindi para magmove on ha? Sadyang mas malapit lang ito kaysa Jollibee. Pagkapasok ko, dumiretso na agad ako sa counter at umorder ng chicken fillet, fries at coke float.“Bes! Nag-status si Maki!” narinig kong sabi ng babae sa likod ko.
Kinuha ko ang cellphone ko, binuksan ang data at tinignan agad ang wall niya.
“A good story always takes time to write. ;)” Napangiti ako. Timing naman masiyado.
Ni-love ko agad yung status niya. Pinindot ang ‘message’ sa profile niya at nagtype, “A good story always takes time to write, sabi mo. Don’t worry, maghihintay ako. Ours’ would be the best story written ever. HAHAHA!”
