Aeiou 1

12 2 0
                                    


“Hi Maki! Kamusta ka? Nag-live ka na naman kanina. Hindi ko napanuod. :3 Naka-free data lang ako e. Siguro pagod ka na naman ‘no? Ilang fans na naman siguro ‘yung nahalikan mo sa pisngi at nayakap kanina sa fanmeeting mo? Hays. Kailan kaya kita makikita sa personal? Matulog ka na. Good night, Maki <3 Sweet dreams.”

Tinitigan ko ang profile picture niya. Siya si Maki. Matthew Kian Rivera. Isang published author at gwapong fanboy ni Daniel Padilla.

“Nadagdagan na naman ang messages ko sa’yo. Na ni minsan, hindi mo nabasa. Paano ba naman? Sigurado ako na hindi lang ako ang araw araw nagme-message sa account mo. Pero okay lang, darating din tayo diyan.”

“Aeiou!” tawag sa akin ni Cyril, kadormmate ko.

“Bakit?”

“Tara sa Mcdo! Mag-move on ka na. Hindi ka nga kasi mapapansin niyang Maki na ‘yan. Sabi na kasi sa’yong mag-comment ka na lang din. Mas may chance yun.” pangungumbinsi niya sa akin.

“Ano ba, Cyril? Ang nega mo naman e! Mapapansin niya rin ‘tong mga messages ko sa kanya. Soon, okay?” Lumapit siya sa akin at hinablot ang cellphone ko. “Uy, akin na ‘yan! Ano ba?”

“Pabasa lang! ‘Hi Maki! Kamusta araw mo? Akin? Wala namang bago. Nag-movie marathon lang ako mag-isa. Napanuod ko yung Inside Out. Ang ganda pala. Napanuod mo na ba yun? Kung hindi pa, panuorin mo. Mag eenjoy ka!’” Tumingin siya ng masama sa akin.

“Ano ba naman ‘to Aeiou? Ano namang paki niya sa araw mo? Saka, idadamay mo pa siya sa pagiging isip bata mo. Ikaw lang ata ang kilala kong graduate ng Accountancy na gan’yan kababaw mag-isip. ‘Di ba para sa matatalino yung course na yun? Paano ka naka-survive?”

“Hoy below the belt na yun ha! Pinaghirapan ko namang grumaduate ‘no!” angil ko sa kanya.

Graduate ako ng Accountancy, Cum Laude. Ngayon, nagrereview ako para sa magiging board exam sa October kaya hindi pa rin ako nauwi sa amin.

“Pinaghirapan? E mas madalas pa nga kitang makitang hawak ‘yang cellphone mo kaysa sa mga nagkakapalang Accounting books mo! Be honest friend, cheater ka ba? May leak ka ba ng mga exams n’yo kaya pumapasa ka?”

Nanlaki ang mga mata ko sa pang-aakusa niya. Tumawa naman siya.

“Joke lang, friend. Alam kong matalino ka lang talaga kaya ka pumasa. Grabe, nagka-Basic Accounting akong subject at iniyakan ko yun! Kulang na lang, lumuha ako ng dugo dahil sa subject na yun. Basic pa lang yun ha? Pero ikaw? Nakikita lang kitang magbuklat ng libro a night before exam e!”

“Mas okay kasi sa akin pag pressured na e. Mas napasok sa isip ko. Saka nakikinig ako kay Prof Pards! Idol ko yun e.”

“Haynako, wala naman akong duda sa talino mo friend. Proven na yun. Cum laude ka nga ‘di ba? Kaso tanga nga talaga sa pag ibig ang mga matatalinong gaya mo. Buti na lang, maganda lang ako.” pang aasar niya sabay kuha ng lipstick niya. Sinimulan na niyang mag ayos, paparty na naman siguro ‘to.

“Tanga ba talaga ako?” seryosong tanong ko sa kanya.

Tinapos niya muna ang pag-aayos bago tumingin sa akin. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

“Yung totoo ba friend? Oo. Tanga ka. Capital T! Matalino ka sa Accounting pero hindi mo alam ang value mo. Ano bang nakita mo sa Maki na yun? Ni hindi ka nga kilala nun, friend. Hindi mo rin siya kakilala. So, bakit patay na patay ka sa kanya? Tama na, friend.”

Kilala ko siya. Kapag binabasa ko ang istoryang gawa niya, mas lalo ko siyang nakikilala.

“Wag mo nang aksayahin ang oras mo sa kanya. ‘Di ba gusto mong maging CPA? Review ka na lang ng mabuti, friend. Ililibre mo pa ako e.” Natawa naman ako sa kan’ya, hilig talaga sa libre nito.

“Pa-party ako, sama ka ba?” yaya niya sa akin na inilingan ko. Humalik siya sa pisngi ko at umalis na.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang conversation naming dalawa na puro ako lang naman ang laman. Sa loob ng 3 taon, nagmistulang diary ko na ito. Lahat ng nangyayari sa araw ko, kinek’wento ko sa kanya. Lahat ng gusto kong i-comment sa status niya, chinachat ko na lang sa kanya.

“Nagpapakatanga ba talaga ako sa iyo?” sinend ko sa kanya saka in-off ang phone at natulog.

Sweeter than FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon