Chapter Seventeen.

7 1 0
                                    

Bryce's POV.

Napaka drama talaga ni Hans kahit kailan.

Tinawagan ko si Hans tinanong ko kung papasok ba sya dahil may exam kami.

[Hans? Papasok kaba?]

"Oo naman. May exam tayo diba?"

[Yas. Sige na antayin nalang kita sa room.]

"Sige."

[Bye.]

End of call.

Nagbihis na ako then nagpaalam na ako kay Mom.

"Mom pasok na po ako."

"Sige nak. Ingat ka. Papahanda ko nalang kay yaya yung foods mo mamaya dahil aalis ako. May imimeet up ako."

"Sige mom." Malungkot kong sabi.

Ano ba yan, kakarating nya lang dito aalis kaagad sya.



Nang nakarating na ako sa school at sa di inaasahan na pagkakataon nakabungguan ko si Julianne. Dahil natakbo sya papasok ng school. Nagmamadali ata sya.

"Ayy sorry." Sabi nya habang nakatingin sa mga gamit nya na nahulog.

"Ok lang." Sabi ko habang tinutulungan sya na kunin yung mga gamit na nahulog nya.

Nang kukunin ko na, Muli sa di inaasahang pagkakataon nahawakan ko yung kamay nya then nagkatitigan kami.

Yung moment na hinihiling ko lang dati. Pero ngayon nangyayare na.
Kinikilig ako pero di ko pinapahalata dahil nga nakatitig sya sa akin.

"Hmmmp. Sorry Bryce." Sabi nya na parang nahihiya.

"Sorry din Julianne."

"Sige na mauuna na ako." Sabay kuha nya sa akin ng mga gamit nya.


"Ano yun huh? Pumapag ibig kana ah." Nagulat ako dahil biglang akbay sa akin ni Hans.

"Ahhh. Wala yun. Nahulog kasi yung mga gamit nya kaya tinulungan ko."

"Talaga ba? Ahaha. Mala pelikula yung datingan eh. Alam mo diyan nagsimula lolo at lola ko." Sabay tawa na parang nang aasar.

"Ahahahaha !! Lola at lolo mo yun. Di kami. Wag ka nga."

"Yiiieee. Pero kinilig talaga ako nung nagkatitigan kayo. May spark eh."

"Ahahaha !! Wag ka ngang ganyan baka umasa ako."

"Bakit naman.? Malay mo naman may pag asa ka talaga. Try mo lang umamin."

"Tsaka nalang kapag nakahanap na ako ng tyempo."

"Goodluck Bryce Loskie." Sabay ngiti na parang aso.

"Ewan ko sayo. Tara na nga."

Dumiretso na kami ni Hans sa room. Then pagdating namin 10mins nalang bago mag start ang test kaya nagreview muna ako.

"Ok guys. Start na tayo. Tago nyo lahat ng mga bagay na nasa ibabaw ng desk nyo na di relate sa exam. And Godbless." Sabi ng advicer namin.

At nagsimula na ang test namin.




After test ay uwian na namin, medyo maaga ang out ng class namin dahil nag exam lang naman. Dumiretso muna kami ni Hans sa may canteen at nakita namin sila Julianne at Jamena.



Julianne's POV.

Grabe kanina yung nangyari. Nakakahiya talaga ghhaaaad !!.

"Beshwap ko, may ikukwento ako sayo." Sabi ko kay Jamena.

Best Of All My Best. Where stories live. Discover now