ANG HALIMAW

196 0 0
                                    

This book is a work of fiction. All characters in this novel are fictitious. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reserved, including the right to publish this book or portions thereof except for reviews, news media reports, brief quotes with attribution, and purposes of promotion of this book or other novel in any form whatsoever.

____________________________________________________

Hindi ako mapakali, balisa at walang tigil ang pagtahip ng malalim na kaba sa aking dibdib. Matatalim na kuko ang humahawi sa natitirang katinuan nagsisilbing rehas na pumipigil sa isang halimaw na gustong kumawala sa pagkakapiit sa aking utak. Guilty ang halimaw sa maraming kasalanan nagawa ko na at mga gagawin ko pa.

Nais ko sana gumawa ng mundo na tahimik at punong puno ng pag-asa at pagmamahalan. Kapag nagtagumpay ako hahangaan ako ng mga sweety sweety cotton candy people. Pero sa ibang pagkakataon ng pagsusulat baka magawa ko yun kung mananatiling nakapiit ang halimaw na nais kumawala sa aking mulat na diwa.

Pareho nating alam na may isang mundo na iniiwasan nating pukawan man lang ng sulyap o subukan pasukin dahil ito ay madilim, paliko liko, mabaho, masikip at nag-iimbita ng panganib. A world of flesh eating maggots, rotten rodents and twisted souls. A world in the dark corner of my mind and of twists and turns of conflicts of my heart.

I can always write sweet poetries and heartwarming stories drizzled with lemon and honey for cotton candy and lollipop kids but the beast is gaining strength and my will power is weakening.

The beast is escaping and he succeeded. Meet him...rendezvous with us and face your fears deep down the dark alley of death.

KALMOT sa utak...

Sa isang abandonadong gusali nagpang abot ang tatlong PUSAKAL , kapuwa walang tiwala sa isa't isa at sa konting hibla ng kanilang katinuan ay mababakas sa kanilang mga mukha ang hindi maipaliwanag na takot. Ramdam nila na malapit na...malapit na silang abutan ng mahiwagang Anino na tila buntot na hindi humihiwalay sa kanila at nag-aabang, kumukuha ng tiyempo na sa isang iglap ay kukunin nito ang kanilang buhay. Parang mga dagang sukol sa kanilang lungga nagkasundo ang tatlo na huwag nang tumakbo at harapin nila ang pagdating ng mahiwagang Anino. Ilang beses na nga pala sila nito naabutan pero lagi nila itong natatakasan, mahaba pa ang pisi ng kanilang siyam na buhay ng mga panahon na yaon...ngayon ay nasa dulo na sila ng kanilang swerte at panahon nang harapin ang aninong sisingil sa kanilang buhay. Habang naghihintay ng kanilang tiyak na kamatayan nagkasundo ang tatlong pusakal na magkwento ng kani kaniyang karanasan sa mga pagkakataon makaharap nila ang kanikaniyang Anino...habang umaandar ang kamay ng orasan...habang papalapit sila sa kanilang kamatayan...sumugat ang liwanag ng buwan sa nakatagong pangil ni Maxie...at hiniwa ng kanyang matalim na kuko ang sunog na poste sa dingding na gusali at nagmarka ito ng isang malalim na kalmot...sa pagsisimula ng kanyang kwento...

UNANG KALMOT SA POSTE

Mga Kwentong PUSAKALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon