BILANGONG PUSO

46 0 0
                                    

Uhhhmmmm...hindi ko alam kung ilang minuto o oras o araw akong nahimlay sa pagkakahimbing na gawa ng puting usok na bumalabal sa akin. Wala naman ako sa huwisyo para sukatin ang haba ng pagkawala ng aking malay. Mas pumukaw sa huwisyo ko ang malamig na bakal asero na aking kinahihigdan na nakahugpong na parang tikom na kamay ang mga rehas na nakahugpong sa plantsang asero. Masinsin at halos magkakadikit ang mga rehas na kahit walang kadenang nakatali sa akin ay mukhang imposibleng maisingit ko ang aking katawan sa pagitan nito kung tatangkain ko tumakas.

At bakit naman ako tatakas eh kaya nga ako narito sa aserong kahon na ito ay dahil kay Roxie...ang prinsesang bumihag sa lagalag kong puso. Asan na kaya siya...gusto ko siyang makita. AHHHH....ASAN BA ANG BANTAY KO!?
Hoyyyy... pakawalan niyo ako dito...mga hinayupak...asan si Roxie ! Gusto ko siya makita...hoyyyy....!!!

Sa walang tigil na pagpalahaw at pagwawala ng bilanggong
lagalag sa aserong kulungan niya ay nahagip ng kanyang mga mata ang pagdungaw ng matang mapula at nanlilisik sa maliit na siwang ng pintuan ng malamig na silid na may hindi maipaliwanag na magkahalong masangsang at amoy kemikal na amoy.
________________________________

Metavirus or retrovirus with a unique genetic signature that replicates and absorb  any viable virus ...from the metavirus and engineered to retrovirus i can create a universal vaccine...at sa lahat ng test subjects ko mula sa chimpanzees at mga daga tanging ang mga lahi ng katulad niya most specially ang mga pusakal ang nagkaraoon ng adaptation sa virus na nilikha ko at ito ay tatawagin kong C-thrax. Kung ang Anthrax ay nalikha for biological warfare at layuning pumuksa ng sangkatauhan...ang C-thrax ko ang sagot sa pagpuksa ng halos lahat ng sakit lalo na ang cancer genes.

Pero Doc hindi ba ang huling test subject nating pusakal bagama't nabuhay ay nagpakita ng unstable reaction sa metavirus C-thrax at mistulang halimaw ang ipinapakitang pag-uugali nito? - ani Ogot ang lab assistant ng doktor.

Kaya nga ang pangalawang test subject na pusakal na bagong huli natin ay nagpapakita ng magandang resulta. Halos mag iisang linggo na ngunit wala itong ipinapakitang negative reaction sa virus na itinurok natin. Sa datos na ipinapakita ay lumalakas pa ang katawan nya laban sa mga sakit na itinurok natin sa katawan niya at maganda ang ipinapakitang datos ng brain waves niya...nagiging matalas ang 5 senses nya.

Sa final test ko na kung saan paglalabanin ko ang dalawang test subject malalaman natin na tagumpay ang experiment natin at kikilalanin ako ng buong mundo bilang tagapagligtas ng sangkatauhan laban sa mapamuksang sakit ng lahat ng tao ....hahahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Kwentong PUSAKALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon