BULAG KA BA ?

1.3K 1 1
                                    

Unang kalmot sa poste...pumwesto si Max sa gilid ng gusali pagkatapos niyang ipahid ang uling sa pader at tila may nabuong imahe ng isang babae at sa kanyang balintataw naningkit ang dati nang singkit na mga mata at inumpisahan niyang sariwaan ang mga ala-ala ni Magda.

"Pupungas pungas pa ako nun habang abala sa paghihilamos ng maulinigan ko ang impit na halinghing ng aking amo si Magda...

sanay na ako sa tuwing umaga na matiyempuhan ko siya sa harapan ng salamin at paikot ikot na pinagmamasdan ang magandang hubog ng kanyang katawan, grabe, nakakakiliti sa manipis kong buhok na tila dinadaluyan ng kuryente ang aking balat , sa madaling sabi, libog na libog ako kay Magda, gigil na gigil ako sa sexy kong amo, sobrang hot, alam kong tigang sya dahil bagong balo lang siya. Sobrang hot pag nahuhuli ko siyang napapasulyap sa akin habang nagpapahinga ako sa hardin.

Humahalinghing si among Magda simplehan ko kayang bosohan? Kailangan pa ba nun eh minsan pag gusto niyang maghubad wala siyang pakialam na bukod sa kanya eh dalawa kami nakatira sa bahay ng kanyang nasirang asawa. Kung hindi siya mayaman, pantay lang kami sa estado pareho lang kami lumaki sa kalye...yun lang ang pagkakaiba namin ay negro ako at porselana sa pagkaputi ang kanyang kutis.

Huwag ko na lang kaya siya bosohan?

Dambahin ko na lang kaya siya at magpakasasa ako sa malusog niyang dibdib...teka...?

"Maykkk...huwaggg...sige diyan...gusto ko yan ginagawa mo Mike...syet !!! "

Syet...may kasama siya sa kuwarto? Umakyat ako sa kisame at sa maliit na butas mula sa lumang pinagpakuan ng kisame ay kitang kita ko ang pag alon ng kama kasabay ng pamimilipit ng katawan ng amo kong sexy habang tila kinakain ng isang matipuno at hubad na halimaw.

Halimaw na Mike na yan at inunahan pa ako sa aking tsibog !!!

Ang tagal ko din naglaway sa iyo Magda, ako sana ang kasama mo ngayon, dalawa sana tayo bumabasa ng kobre kama mohhh...syet !!! Sa gitna ng matinding selos hindi ko maiwasan mabasa sa mainit na tagpo lihim na pinapanood ko o talagang parang pugon ang loob ng kisame? Hindi ko alam kung ang pagkalog ng tuhod ko ay gawa ng alanganin posisyon ko sa pamboboso o dahil sa gutom lang ako? Nakalimutan gawin ni among Magda ang obligasyon niya sa akin. Bababa na lang ako sa kusina parang may naamoy akong tinapa sa ibabaw ng lamesa? Malantakan nga't pagkakataon ko din ito habang abala sila sa paglalampungan. Ang lagay sila lang ang may masarap na almusal.

"Parang may tao sa kisamehhh...uh !!!"

"Wala, Maykkk...pwede ba ituloy mo lang ang pagkain mohhh..." ani Magda.

Wala akong inaksayang minuto at nilantakan ko ang tinapa sa ibabaw ng lamesa kasama ng bahaw na kanin...mabilisan ito baka mahalata ni among Magda na nasa loob ako ng bahay.

Habang binabanatan ang pagkain sa mesa napatuon ang pansin ni Max sa diyaryo pambalot ng tinapa...

Langhiyang headline sa tabloid...BOSERONG KUMPARE, KINARNE ANG KALAGUYO NI KUMARE...

Crime of passion...sex and violence sells, yan ang bentahe ng tabloids.

Hindi lang showbiz chismis ang pinagpipistahan sa tabloid o hubad na katawan ng starlet kundi ang iba pang rekadong may anghang at madugo...himagas na lang ang mga kwentong UFO at mga kwentong kababalaghan at halimaw?

Hindi nga ba't kababalaghan ang ginagawa ni Magda kasama ng hilamaw na si Mike? Pagpipiyestahan ito ng mga tsismosang kapitbahay kapag kumalat ang apoy...

Kailangan kong protektahan ang mahal kong amo.

Halos pusikit na ang liwanag sa labas ng bahay na nang umingit ang pintuan ng kwarto ni Magda. Kapag talagang hindi nalalangisan ang bisagra ng pinto sadyang maingay ito, tingnan mo si Magda pagkatapos malangisan ay tahimik na nakahiga sa kanyang kama na basang basa sa katas at pawis kapuwa ng dalawa magkatalik kanina lang.

Mga Kwentong PUSAKALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon