IKALAWANG KALMOT SA POSTE

195 0 0
                                    

Matapos marinig ng dalawang pusakal ang kwento ni Maxie tila bagot sa pagkabitin na nagtanong si Jhying kung ano ang nangyari kay Maxie at sa amo nitong si Magda?

Sarkastikong sumagot ang unang pusakal...

" Buhay si Magda...obvious naman hindi siya papatayin ng kanyang kalaguyong si Mike Toro..,ikaw ba...papatayin mo ang taong nagpapaligaya sa iyo at nagbibigay ng lahat ng luho mo sa buhay?"

- Eh sino yun sinakal sa loob ng kwarto na nakita ni Maxie sinto ?

" Si Max...yun alaga ni Magda...yun nagpapantasya sa kanya habang binobosohan siya..."

- Iba pa si Max...iba pa si Maxie...?

"Magkaiba pero parehong may makamundong pagnanasa sa amo nilang si Magda..."

- Ang gulo mo...

" Wala akong panahon idetalye sa iyo ang kwento ko dahil obvious na wala na tayong panahon...hindi mo ba nararamdaman na palapit na ng palapit sa atin ang kuko ni kamatayan ? Kung ako sa iyo..,at dahil ikaw na ang susunod...magkwento ka na !!! "

Naningkit ang mata ng ikalawang pusakal at lumapit ito sa pader. Dumakot ng pulbos na uling at iginuhit

ang isang hugis puso tila nakakulong sa bakal na rehas bago inunday ang ikalawang kalmot sa sunog na poste.

Sa itaas ng gusali pumalahaw ang nakakapanindig balahibong angil at nakita ng tatlong pusakal ang tila umaapoy na katawan ng dati ay anino lang na imahe ng kanilang Kamatayan.

Mga Kwentong PUSAKALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon