ROXIE

57 0 0
                                    

Yun paswit na yun ng isang middle aged man para tawagin si Roxie ang nagbalik ng aking huwisyo mula sa pagkakahagis sa akin ng tripulante ng barko tungo sa malansa at basang baldosa ng pantalan,

Mula sa di kalayuan nakita ko siya habang umiinom ng tubig pagkatapos niyang pumila sa drinking faucet. Pinagmamasdan ko ang paglabas ng kanyang dila habang dumadausdos ang malamig na tubig mula sa kanyang labi patungo sa kanyang lalamunan. Ilang segundong pagkakapako ng aking mata sa kagandahang kumikiliti sa aking diwa ay katumbas na marahil ng ilang mahabang taon pakikipagniig sa kagandahan taglay ni...

"ROXiE !" ..."" C'mon honey...lets go home na..."

Nakita ko na...nakita ko na ang babaeng bibihag sa lagalag kong puso. May dahilan kung bakit hinihila ang aking diwa para takasan ang boring na islang kinagisnan ko. Hindi ko pakakawalan ang pagkakataong ito kailangan makilala ko si Roxie. Susundan ko ang kotseng sinakyan niya.

Mabuti na lamang at medyo trapik ang kalsadang binaybay ng kotseng hinahabol ko. Habol ang aking hininga ngunit hindi ako sumuko sa pagtugis sa itim na kotse. Hanggang huminto ito sa tapat ng malaking gate sa isang medyo liblib na lugar sa loob ng exclusibong subdivision. Pagpasok ng kotse sa loob, inakyat ko ang mataas na bakod.

Hintayin mo ako Roxie...andito na ang kabalyerong magpapalaglag ng puso mo.

Maingat at dahan dahan akong pumasok sa malaking bahay kung saan nakatira ang aking prinsesa pagkatapos kong akyatin ang mataas na pader ng bakuran nito. Mala palasyo sa ganda ang loob ng kabahayan na puno ng mamahaling muwebles. Puti at ginto ang kulay ng pintura ng loob ng bahay at pati mga kasangkapan ay nakaterno sa kulay ng loob ng bahay.

Sa kabila ng magandang loob nito ay may kakaibang amoy na sumungkit sa aking ilong. Matalas ang aking pang amoy at hindi ito nakawala sa tungki ng aking ilong. Sa gitna ng masangsang at amoy gamot na lumulukob sa aking diwa ay pilit na hinahagilap ng aking sensang pang amoy ang matamis na halimuyak ni Roxie. Hinila nito ang aking paa patungo sa kanya. Sa isang tagong sulok ay nasumpungan ko ang isang hagdan pababa sa basement. Binaybay ko ito at isang pintuang asero ang tumambad sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ng may madaanan akong malakarayom na pulang ilaw ay biglang umalingawngaw ang isang napakatining na sirena.

Hindi ako dapat mataranta...dapat mag isip at umaksiyon...ngunit namitig na ang aking kalamnan at nagdilim na ang aking paningin ng balutan na ako ng maputing usok na nakakahilo.

Mga Kwentong PUSAKALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon