Kristine's POV
Bastos talaga ng tomboy na yun! Inis! Pero bakit sila magkasama nung babaeng haliparot na yun?
.
Pero bakit parang mas maputi sya at bakit parang ang liit nya? Tsk. Pakielam ko naman. Maka'alis na nga
.
.
.
Nakita ko si Tito Fernan sa Deans office kasama ang mga Prof namin ni JR. Nung lumabas sya napansin nya ako sa hallway at tinawag nya ako dahil may gusto daw syang sabihin sa akin
.
Sinama nya ako sa isang malapit na coffee shop para daw mas masabi nya ng maayus yung gusto nyang sabihin
.
.
.
Coffee shop
"Hmm. Kristine iha. Ok lang ba ang pakikitungo ng anak ko sayo?" tanong nya sa akin at para hindi sya mag'duda sa akin ay nagsinungaling ako
.
"Ok lang naman po. Mabait naman po" I lied dahil hindi ko naman kasi talaga alam ang tunay na ugali nun dahil hindi naman kami nagpapansinan pag nasa bahay kami
.
Kung magpansinan man kami hindi ako nananakot nag-aaway lang kami. Inis kasi talaga ako sa tibo pero may iba sa kanya. Parang.... Parang... Ay! Ewan.
.
Nabalik ako sa realidad ng nagsalita sya ulit
.
"Ah. Akala ko hindi kayo nagkaka'ayus eh. Hmm. May klase ka ba iha sa friday?" tanong nya agad sa akin
.
"Ah, wala naman po. Thursday po tska po friday wala po akong pasok" sabi ko sa kanya
.
"Ah. Pareho pala kayo ni JR. Pwede ka bang sumama sa kanya sa araw na iyon?" tanong nya sa akin. Mukhang may plano sila
.
"Ah? Bakit naman po?" Takang tanong ko
.
"Ah may family gathering kasi ang family namin at gusto ko na isama ka nya at ipakilala ka nya sa relatives namin at makilala mo ang lola nya" sabi nya. Kaya naman pala. Mukhang plano talaga nila to
.
"Po? Ahh. Hindi naman po ba na-nakakahiya yun?" tanong ko hindi ko naman talaga gusto to
.
"Nako! Hindi yun dahil alam na nila yung sa inyo pero I want them to know you and gusto ka din nilang makita" sabi nya. May other choices pa ba ako?
.
"Ahh. O-ocge po. Pero alam na po ba ni Daddy ito?" tanong ko
.
"Oo. Bago ko sabihin sayo, naitanong ko na iyon" sabi ko na nga ba eh.
.
"Hmm. One more thing iha. I already told this to JR pero mukhang hindi nya pa nasasabi sayo kaya ako na ang magsasabi sayo. I want you both to plan a Engagement party para sa inyong dalawa. Pero kung ayaw mo naman pwedeng si JR nalang ang magplano" sabi nya. ANU!? Laking kahihiyan naman nun. Engagement party!? Kasama yun!? Ayawan ko naman pero may magagawa pa ba ako?
.
"Ganun po ba? Ok po Tito. Mauuna na po ako, may klase pa po ako eh" paalam ko sa kanya. Tumango nalang sya
BINABASA MO ANG
I'm Married to Ms. Lesbian!!? [Completed!]
RomanceManiniwala ba kayo sa Arranged Marriage? Uso pa ba yan ngayon? Pero it's not just a Simple Arranged Marriage. What if one day malaman mo na nadawit ka sa isang Arranged Marriage But hindi lalaki ang mapapang-asawa mo kung hindi isang LESBIAN!!? Is i...