Chapter 19

17.2K 248 9
                                    

General POV

Mukhang nagkakamabutihan na yung dalawa. Pero si Kristine hindi nya pa nasasabi pero si JR nakapag I love you na

.

Teka anu na kaya ang balita sa dalawa? At anu na ba talaga ang score sa kanila?

.

Basahin na nga lang natin! Kristine ikaw na dito

Kristine's POV

Mas kinilig pa kesa sa akin!

.

Pero shete! Ang sarap nun! Isa pa JR! Hahaha joke lang!

.

Pero natutuwa ako kasi bukod sa hinalikan nya ako sinabihan nya pa ako ng I love you. Yiee!! I'm so kileg!

.

Kaso anu na nga ba kami ni JR bukod sa mag'fiancé? Ayaw ko namang mag'assume na kami na kasi baka mapahiya lang ako kapag tinanong ko sa kanya. Aisht! Mamaya ko na nga lang itatanong para cgurado

.

Busy pa din sya sa pagda'drive pauwi ako naman naka'tingin lang sa bintana ng maramdaman kong hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya bigla

.

Napansin kong ang laki ng ngiti nya. Yung ngiti na minsan ko lang makita. Yung ngiti na..... kapag nakikita ko naaalala ko si... Jaden

.

Hindi ko alam. Pero ang dami nilang similarities lalo na yung mga mata nyang nangungusap. Habang tinitignan ko yung mukha nya nagfa'flashback sa akin lahat yung moments namin ni Jaden nung mga bata kami at yung huling araw na kasama ko sya bago sya umalis

.

Pero napalitan yung moments na yun ng moments namin ni JR. Yung pag'aaway namin at yung times na sweet sya kahit alam kong may alitan kami

.

At higit sa lahat yung time na umulan at nandun sya para tulungan ako kahit pa hindi kami ok nun

.

Cguro nga tama si Alyssa. Matagal ko na nga cgurong mahal si JR pero ngayon ko lang napansin dahil focus yung isip ko pati yung puso ko kay Jaden

.

Naramdaman kong huminto na yung kotse kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Nandito na pala kami

.

Bumaba na sya tska sya pumunta sa kabilang side ng kotse para pag'buksan ako ng pinto

.

"Thanks" sabi ko tska ko sya binigyan ng isang ngiti

.

"Let's go" sabi nya nung naisara na nya yung pinto kaya nagpatiuna ako sa kanya

.

Papasok na kami ng bigla nyang hawakan yung kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya tska ako napayuko dahil ramdam ko yun pag'init ng mukha ko hindi ko binawi yung kamay ko bagkus hinawakan ko na din yung kamay nya at sabay kaming pumasok

.

At dahil sarado na yun pinto sa harap sa likod na kami dumaan dahil dis'oras na din ng gabi at malapit ng mag'12 ng madaling araw

.

Laking gulat namin ng nakita namin sa kusina yung mga kaibigan nya na kumakain sa may counter table kaya napabitaw muna kami ng kamay ni JR dahil baka mag'taka sila

I'm Married to Ms. Lesbian!!?  [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon