Jaden's POV
"Karla!!" gulat na sabi ko
.
"Yes. The one and only, hindi ba? Moo?" sabi nya. Si Karla!? Yung niligawan ko years ago!?
.
"Anung kasalanan ko sayo!? Bakit mo ginagawa sa akin toh?" tanong ko sa kanya
.
"Hmm. Bakit nga ba? Bakit hindi mo tanungin yung sarili mo!?" taas ng boses nya
.
"Wala akong maalalang ginawang kasalanan sayo Karla" sabi ko
.
"So. Gusto mo ng straight to the point? Ocge, pagbibigyan kita" sabi nya at lumapit sa akin
.
.
"Because you broke my heart!" sigaw nya sa mukha ko
.
"Wait! Anung sinasabi mong I broke your heart!? Diba you're the one who BROKE MY HEART! Am I right?" sabi ko
.
"Because you cheated! You were courting me then I saw you with her!! Mahal mo pa sya nun!! Kaya naisipan kong i'friendzone ka!! At pumayag ako sa kagustuhan ni daddy na pumunta ng US! Gusto kitang kalimutan, pero hindi ko kaya yun! Kaya Bumalik ako ng pilipinas para lang sayo para makapaghiganti ako sa kanya at maging akin ka. Pero huli na pala ako, ikakasal ka na pala sa iba. And that time, inutusan na ako ni daddy na gumawa ng plano para makaganti ako sayo. At matake over nya yung kompanya nyo" sabi nya
.
"Yeah. Alam ko yan, kayo din yung may pakana ng pagkakaaksidente ko diba? Kasi nalaman ko na yung tatay mo talaga ang culprit sa kompanya" tanong ko
.
"Ang galing mo talaga! Kaso lang, mali ka pa din. Ako ang nagplano. Pero si daddy ang nag-utos sa mga tauhan namin" sabi nya
.
"Why are you doing this!?" inis na sigaw ko.
.
"Because I have to obey my father. At para mapasa'akin ka, pero gusto ka nya talagang ipapatay, wala akong choice. Pero may naisip ako" sabi nya at hinawakan nya yung mukha mo
.
"What?" tanong ko
.
"Pumayag ka lang sa kagustuhan ko na mapasaakin ka at iwan mo ang asawa. At hinding-hindi mo na sya pwedeng balikan. Ganun kadali, ako na ang bahala kay daddy" sabi nya
.
"Hindi ako papayag!!" sigaw ko
.
"Fine. Deh, wala na talaga akong choice kung hindi ipapatay ka" sabi nya
.
.
"Oh. By the way, wag kang mag-alala. Papapatay ko din yung mahal mong asawa, para magkasama kayo" dagdag nya at tska ngumisi
.
"Don't you dare touch my wife!! If you lay one finger on her or my children!! Ako mismo ang papatay sayo!!" sigaw ko
.
"Haha. Wala kang magagawa, may balita din ako sayo. Lalabas na nga yung kambal nyo" sabi nya
.
"A-anu!? Ulitin mo nga yung sinabi mo!?" sabi ko
.
"Narinig mo na. So, hindi ko na uulitin pa" sabi nya. Hindi ko na kaya. Napapagod ka ko kakapalag, sadyang masikip yung pagkakatali
.
.
"K-karla. Pakawalan mo na kami, nagmamakaawa ako. Gusto ko pang makita yung mga anak namin" pagmamakaawang sabi ko
.
"To bad. Today's the date that your two child will be born. And also... Your death" sabi nya at umalis na
.
"Karla!!! Pakawalan mo na kami!! Parang awa mo na!! Kailangan ako ni Kristine!!" sigaw ko
.
.
Kristine! Antayin mo ako, gagawa ako ng paraan para makawala dito. Pupuntahan ko kayo
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hours pastTe-teka. Parang lumuluwag yung tali ko. Lumingon ako, nakita ko si Robin
.
"Tol!" bulong na sabi ko. Nagsignal naman sya na wag akong maingay
.
"Pano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko
.
"Mamaya ko na sasabihin sayo. For now, umalis muna tayo dito" sabi nya
.
"Si Jacklyn pa" sabi ko
.
"Oo nga noh! Sandali" sabi nya at tinggalan nya ng tali si Jack
.
.
"Hoy! Pano ka nakawala!!?" sita nung tauhan nila
.
"Shit. Robin, dalhin mo na sya sa labas! Ako ng bahala dito" sabi ko at nakipagsuntukan naman ako
.
.
Nung natapos akong makipagbakbakan ay agad akong tumakbo. Pero may pumutok nalang na baril at parang nabasa yung kaliwang balikat ko. Pero tuloy lang ako sa pagtakbo at agad na sumakay sa kotse ni Robin. Meron pa din humahabol sa amin
.
.
.
"Tol iligaw mo!" sabi ko. Kung san san kami naglililiko at pansin kong parang wala na sila
.
.
"Tangna tol! May tama ka" panic at gulat na sabi nya
.
"Ok lang yan! Deretsyo ospital na Bin" sabi ko
.
"Cge tol" sabi nya. Tinanung ko nalang ulit yung tanong ko sa kanya kanina
.
"Bin. Pano mo nga pala nalaman kung nasan kami?" takang tanong ko
.
"Ilang oras ka na namin tinatawagan para sabihin sayo na naglalabor na si Kristine pero cannot be reach ka. Eh tanga nung mga bantay, binuksan yata yung phone mo. Ayun, edi na'open din yung tracker mo" sabi nya
.
"Parang ngayon lang yata nakakita ng iphone 5s. Mga hindi tao" sabi ko habang hawak ko yung balikat ko, para kahit papano ay hindi ako maubusan ng dugo
.
"Langya ka Jay! Ang cute ng mga anak nyo! Kahit papano may nakuha din sayo, mas lamang pa yung sa asawa mo" sabi nya
.
"Talaga? Eh C section ba o normal?" tanong ko. Curious lang, wala ako sa tabi ng asawa ko ng mga oras na yun,. Kaya kailangan kahit papano may alam pa din ako
.
"Normal labor men. Inabot nga ng halos dalawang oras yata. Ok lang din yung timbang nila, pero pare. Simula ng nagising si Kristine kanina, ikaw agad ang hinanap hanggang sa umiyak na" sabi nya. Nag-alala naman ako
.
"Gano na ba kami katagal nawala?" tanong ko
.
"Actually 9hours na. Umaga na nga oh" sabi nya
.
"Tol, mabuti pa bago tayo dumiretsyo sa ospital ihatid muna natin si Jacklyn sa kanila, baka kasi nag-aalala na si Jade sa kanya eh" sabi ko. Tumango nalang sya
.
.
"Pero. Robin pano mo nalaman na--" hindi mo na natapos at nagsalita na sya
.
"Na nakakaalala ka na? Oh come on Jay. I'm your bestfriend. Wala kang sekretong matatago sa akin at isa pa. Masyado kang obvious" sabi nya
.
"Oh. Sorry" sabi ko
.
"What for?" tanong nya
.
"For hiding it. It's hard for me, lalo na't hindi lang ako yung nahihirapan. Pati kayong pamilya at kaibigan ko" sabi ko
.
"Stop this drama. Ok lang yun, atleast ngayon wala ka ng pinagtataguan" sabi nya
.
"Your right. Oh! Dude, stop. Ito na yung bahay nya" sabi ko
.
"Ibaba mo na Rob" sabi ko
.
"Teka! Bakit ako lang?" takang tanong nya
.
"Hindi ako pwedeng magpakita kay Jade na ganito itsura ko. Bak himatayin pa yun" sabi ko
.
"Bakit naman?" tanong nya
.
"May phobia sya sa dugo. At isa pa, may tama nga ako sa balikat oh, mabubuhat ko ba yan. Dali na, pasok mo na yan sa kanila" sabi ko, wala naman sya choice kaya pumayag din sya
.
.
.
.
.
.
.
.
"Dude, you owe me. Big time" sabi nya
.
"Yeah yeah. Can I borrow you phone for a mimute?" tanong ko. Inabot naman nya sa akin at hinanap ko yung pangalan ng kapatid ko. Nung nakita ko yun ay agad kong tinawagan
.
.
(Hello babe? Anu na?) sagot nito
.
"Hello Rachel. Were on our way" sabi ko
.
(Ate!! Ate! Yung asawa mo ayaw tumigil sa kakaiyak hinahanap ka. Sinasabayan pa sya nung mga anak nyo) tuloy nya sa pagdadrama
.
"Malapit na kami. Dederetsyo agad kami dyan" sabi ko at bumaba na ng kotse
.
(Bilisan mo na!) sabi nya. Nagmouth ako kay Robin kung anung room number. Sinabi nya na 0329 kaya agad akong sumakay ng elevator at naglakad papunta sa kwarto ni Kristine
.
.
(Hello!! Nasan ka ba na ate!? Kala ko ba malapit lang kayo) medyo inis na tanong nya
.
"Oo nga malapit lang kami" sabi ko at unti-unting lumapit sa likod nya
.
(Eh nasan na nga kayo!?) tanong nya
.
"Nasa likod mo" sabi ko. Bigla naman yang nagulat. Pinatay ko na yung call at inabot ito kay Robin
.
.
"Kamusta na sya?" tanong ko
.
"Andun sa loob umiiyak pa din, pero ate. Bakit puro dugo yung damit at balikat mo?" tanong nya
.
"I'll explain later. Papasok na ako sa kwarto" sabi ko at lumapit sa pinto. Nakatatlong hinga ako ng malalim, bago ko pihitin yun knob
.
.
.
Nakita ko yung tropa ko na nakapalibot at nakaharang sa hospital bed. Hindi ko makita yung asawa ko, nakita kong lumingon si Nicole at nanlaki ang mata. Nag'quite sign ako sa kanya kaya tumango nang din sya. I took 5steps para makalapit sa kanila
.
.
Sumilip na ako mula sa likod. Nakita mo ang nuknukan ng taba na sanggol na hawak ng maganda kong asawa. Nangiti nalang ako at unti-unting lumapit sa kama
.
.
"Ang cute naman ng mga baby na yan. Kasing cute ni mommy" sabi ko. Naging stiff si Kristine, nagulat cguro ng narinig nya yung boses ko
.
Medyo mabagal syang tumingala, sinalubong ko na lang ng ngiti yung mukha nyang nakaharap sa akin. Naluluha na naman sya at halata na kakatapos lang din nyang umiyak dahil mapula pa yung mata nya
.
.
"Bakit ngayon ka lang!?" medyo inis na tanong nya sa akin at hinampas ako ng slight gamit yung kaliwang kamay nya pero alam kong nagtatampo lang yan
.
"Sorry. Natraffic ako eh" birong sabi ko
.
"Baliw ka talaga!! Alam mo bang kanina mo pa ako pinag-aalala! At kanina mo pa ako pinapaiyak!! Bwisit ka!" sabi nya
.
"Sorry. Wag ka ng magalit" sabi ko at naghalf smile
.
"Pasalamat ka talaga at hawak ko si Jamie! Baka naging chicharon yang tenga mo" sabi nya
.
"Wag. Kawawa naman ako" sabi ko
.
"Teka. Bakit ba puno ka ng dugo?!" gulat na sabi nya
.
"Nagpaka'action star na naman ako. Ayan, dinaplisan" sabi ko
.
"Talaga Jay? Eh anu tong butas na ito?" tanong ni Joanna at hinawakan
.
"Aray!! Masakit!!" taas ng boses ko. Pinalo naman ako ni Kristine
.
"Natutulog sila. Wag kang maingay" sabi nya
.
"Sorry mhey. Sakit kasi eh" sabi ko
.
"Napano nga ba kasi yan!?" curious na tanong nya
.
"Ah. Wala, cge. Punta muna ako kay doc Mike" sabi ko
.
"Hindi mo manlang ba titignan si Jason?" tanong nya
.
"Ah. Nasan ba?" tanong ko
.
"Ayun Jay oh. Parang ikaw, tulog mantika" sabi ni Jonella sa akin at tinuro yung chikiting kong isa pa na nakahiga sa parang krib pero small version, yung parang pang-ospital. Ganun
.
.
"Haha. Ang cute" sabi ko. Pero saglit muna, medyo nahihilo ako. Mukhang nauubusan na ako ng dugo
.
"Jay! Lika na muna kay doc Mike,. Ipagamot mo muna kay doc Mike yang sugat mo. Naliligo ka na sa dugo" sabi ni Ed
.
"Oo nga Jay. Mamaya mo na titigan yang mga junakiz mo" singit ni Tine
.
"Oo na. Couz! Lika muna. May kailangan ako sayo" sabi ko. Medyo lumayo muna kami sa kanila
.
.
"Anu yun couz?" tanong nya
.
"Pahingi naman ako ng dugo mo. Magkablood type naman tayo eh" sabi ko
.
"Haha. Ocge cge, tara" sabi nya
.
"Thanks" sabi ko
.
.
"Dhey? Anu na?" tanong ni Kristine habang hinihimas nya yung ulo ni Jaime
.
"Papagamot ko lang toh" sabi ko
.
"Eh bakit kasama pa yang si kuya James?" tanong nya. Kaya lumapit ako sa kanya at bumulong
.
"Manghihingi ako ng dugo" bulong ko
.
"Ah. Hihi, hindi mo naman sinabi agad. Ocge na, magpalit ka na din ng damit mo" sabi nya
.
"Eh. Wala naman akong dala eh" sabi ko
.
"Oo nga noh. Hmm, magpadala nalang tayo kay manang, dadalhin nya din kasi yung gamit nung kambal eh" sabi nya
.
"Ocge. Babalik ako. And mhey, thank you" sabi ko
.
"Ha? Para san?" takang tanong nya
.
"For giving me two wonderful child" sabi ko at ngumit ng malawak
.
"Hihi. Mas thankful ako sayo, kasi dumating ka sa buhay ko. Kung hindi kita naging asawa walang dalawang napakacute na bata dito" sabi nya. Ngumiti nalang kaming pareho
.
"Cge na! Ipagamot mo na yan ng mabuhat mo na si Jason" sabi nya pa
.
"Fine. *chup* Saglit lang kami" sabi ko nun after ko syang kiss sa lips
.
.
.
.
.
"Buti nalang at nadala mo agad sa akin toh, kung hindi baka naimpeksyon pa." sabi ni doc Mike habang tinatahi yung sugat ko at sinasalinan na din ako ng dugo. Natanggal na nya yung bala tapos nalinis na din nya. Ang sakit nga eh, puta! May pangpamanhid na pero ang sakit pa din
.
"Salamat kuya Mike" sabay na sabi namin ni James. Nakuhanan na ng dugo yan ah. Hyper padin
.
"Mga bugok! Tigilan nyo ako ah" sabi nya
.
"Haha. Musta na nga pala kayo ni ate Minzy?" tanong ni James. Asawa kasi ni kuya Mike si ate Minzy kaya ganyan
.
"Ayun. Laging mainit yung ulo sa akin, pareho kasi kaming busy sa work kaya wala na kaming time para sa isa't isa, kaya nga 2years na kaming kasal hindi padin kami nagkakaanak! Naunahan nyo pa kami!" sabi nya
.
"Ok lang yan. Malay mo ngayong taon magkaroon na kayo" sabi ko habang tumitingin sa paligid
.
.
.
Bigla namang kumalabog ng napakalakas yung pinto at pumasok ang isang galit na babae.. este si ate Minzy pala
.
.
"Hon. Anung--" hindi natapos ni kuya yung sasabihin nya. Dahil may biglang binato si ate Minzy sa mukha nya at nung nakita nya iyun ay nanlaki lahat ng mata namin
.
.
.
"Totoo ba toh?" tanong ni kuya
.
"Gago! Malaman. Tska bakit ganyan itsura mo?" tanong ni ate. From mad face unti-unti na syang ngumiti
.
"Yes!!!" sigaw nya. Nakajackpot din si gago. Haha. Swerte talaga ng pamilya namin, ako may dalawang anghel na. Si James at kuya Mike magkakaroon na
.
.
"Ah. Kuya, pwede ba tapusin mo muna toh. Mamaya na kayo maglampungan dyan kasi gusto ko ng mabuhat yung mga anak ko" sabi ko
.
"Oh. Oo nga pala, congrats Jay. Malusog yung babies nyo at napakacute! Pwede akin nalang yung isa?" biro nya
.
"Sira. Ate talaga, magkakaroon na kayo gusto mo pa yung sa akin" sabi ko
.
"Joke lang" sabi nya. Nagtawanan nalang kami
.
"Hala, sya matapos na natin tong cross-- este yung sugat mo ng makalayas na kayo" sabi nya
.
"Tss. Kayo talaga!" sabi ko
.
"Teka! May damit ka ba?" tanong ni ate
.
"Wala pa. Mamaya pa cguro dadating si manang dala yung gamit namin" sabi ko
.
"Hon. Pahiramin mo muna si Jay, magkasize naman kayo eh" sabi ni ate
.
"Oo nga. Dyan James, kunin mo sa may cabinet" sabi ni kuya
.
"Alin dito kuya?" tanong ni James
.
"Yung long sleeves na pula" sabi nya
.
"Ito ba?" tanong nya. Nakakalito tong dalawang toh
.
"Oo." sabi nya at natapos ng tahiin ni kuya yung sugat ko at nilagyan ng panakip
.
"Salamat kuya" sabi ko
.
"Wala yun. Suot mo na toh para makalayas na kayo" sabi nya
.
"Sama talaga!" sabi ko at pumasok na ako ng banyo at nagpalit
.
.
.
.
"James. Lika na" sabi ko nung tinatapos ko ng ayusin yung kwelyo ko
.
"Cge. Cge ate, sasabihin ko nalang kay mama yung balita" sabi ni James
.
"Thanks little bro. Bye, bye Jay" paalam nya
.
"Bye ate. Congrats sa baby nyo. Thanks din dito sa sleeves" sabi ko. Tumango nalang si kuya
.
.
.
.
.
"Kelan nga pala due ni ate Jazmine? Medyo malaki na din yung tyan nya ah" sabi ko
.
"Mga January. 5months palang eh" sabi nya
.
"Ha!? Talaga? Eh bakit ganun yung laki! Parang katulad kay Kristine" sabi ko
.
"Baliw! Kambal din yun" sabi nya at natawa
.
"Wah! Daebak. Ibang klase pamilya natin ah. Baka din kaya kambal yung kay kuya Mike at ate Minzy" sabi ko
.
"Eh. Mukhang hindi malabo din yun galing sa lahi ng mga kamabal si kuya Mike eh. Bianca yata pangalan nung sister nya" sabi nya. Wait, parang meron akong naaalala ah. Ay ewan!
.
.
.
"Oh. San ka nakakuha ng damit?" tanong ni Kristine
.
"Bigay ni kuya" sabi ko
.
"Ah. Ayun si Jason, hawak ni ate. Umiyak pagtapos nyong lumabas eh, akala cguro iiwan mo sya" sabi nya
.
"Haha. Kilala na agad ako" sabi ko at lumapit kay ate, pinasa na lang sa akin si Jason (A/N:Bola lang men! Bata yan)
.
Author. Walang basagan ng trip
.
(A/N:Ah ganun. Gusto mo tuluyan na talaga kita. Wala ng isip-isip. Now na!)
.
Joke lang. Ito hindi mabiro. Love you author
.
(A/N:So GAY! Man up men! Tatay ka na. Tado ka nakakainggit ka. Cge na! I'm out. Peace v(•___•))
.
.
Author talaga. Pero inferness ah, medyo mabigat si Jason, kaya umupo ako sa kama ni Kristine
.
"Galing ah. Sanay na sanay ah" bati ni Kristine
.
"Syempre sanay na" sabi ko
.
"Humangin yata. Ate sarado mo nga yung pinto" sabi nya
.
"Ayun lang! Ganyan tayo mhey eh" sabi ko
.
"Joke lang naman dhey. I love you" sabi nya at kiniss ako sa lips
.
"Hehe. Oo na, I love you too" sabi ko
.
"Guys! Labas muna tayo. Masyadong nakakaOP dito" sabi ni Tine
.
"Tine, 3months nalang. Magkakaganito ka na din" sabi ko
.
"Huh! Cge na. Aalis muna kami, kasi susukatan pa sila para sa mga gown at tux. Wag lang sana tataba toh" sabi ni Tine
.
"Haha! Cge. Go push nyo yan" sabi ko
.
"Kfine. Bye" paalam nya
.
"Bye" sabi ko. Ngayon kaming dalawa nalang ni Kris ang nandito sa kwarto
.
"Sakit pa ba yung sugat mo?" tanong nya
.
"Hindi masyado. Sinaksakan kasi ako ni kuya ng pangpamanhid. Pero panigurado pagnawala na toh, masakit na" sabi ko at tinititigan ko si Jason. Hindi sila masyadong magkamukha ni Jaime
.
.
"Mhey." tawag ko sa kanya
.
"Hmm" respond nya
.
"Nasabi ko na sa kanya" sabi ko ng ngumiti. Nahinto sya sa pagtingin kay Jaime at tumingin sa akin
.
"Talaga?" tanong nya
.
"Oo. At kilala ko na kung cnu yung may kasalanan sa pagkakaaksidente ko" sabi ko
.
"A-anu? Pa-" hindi ko na sya pinatapos
.
"Kaya ako nabaril. May dumukot na naman sa amin ni Jacklyn habang nag-uusap kami" sabi ko
.
"Cnu yung taong yun?" tanong nya
.
"Si Karla at yung daddy nya" sabi ko
.
"Jay. Anu na sasabihin natin kay papa at daddy? Na yung long time partner nila sa business yung maybkasalanan" tanong nya
.
"Hindi ko pa alam. Pero sana lang, matapos na natin tong gulo na toh at maging maayos na yung pamilya natin" sabi ko**********
#JRMCSRDBo4
BINABASA MO ANG
I'm Married to Ms. Lesbian!!? [Completed!]
RomansaManiniwala ba kayo sa Arranged Marriage? Uso pa ba yan ngayon? Pero it's not just a Simple Arranged Marriage. What if one day malaman mo na nadawit ka sa isang Arranged Marriage But hindi lalaki ang mapapang-asawa mo kung hindi isang LESBIAN!!? Is i...