2. Happy Monthsary

3.3K 82 4
                                    

Writer's note: Adih, yang sinabi mo ang dapat na abangan! :D Nyx, wala pa ngang drama diyan eh! haha ;D Thanks sa pagbabasa! ^____^ Abangan niyo ang susunod na mangyayari pa!

&&&


In a Relationship with a Playboy

written by imnotgivingup


2. Happy Monthsary

Point of View:

-Maria Isabelle Santiago-


From: Les

Bahala ka.

Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang unang araw ng pasukan, at bukas ay monthsary na namin ni Lester kaya tinanong ko siya kung pwede kaming lumabas bukas at ayun nga ang reply niya.

Dahil ako daw ang bahala, syempre, nag-date talaga kami pagkatapos ng mga klase namin.

***

"Hmm. Lester.", sabi ko habang naglalakad kami palabas ng gate ng school, "Thank you kasi pumayag ka.". Hindi ako nakarinig ng sagot galing sa kanya at pagtingin ko may kausap pala siya sa malayo.

"Mamaya nalang.", sabi niya dun sa babae. Iba na naman yung babae na yun. Hay... kung 'di ko lang talaga 'to mahal nabatukan ko na 'to eh. "Ano ulit yung sinabi mo?".

"W-wala lang.". Bakit ganun hindi ako makaramdam ng galit kapag may ginagawa siyang hindi dapat?... Sobra-sobra ko ba siyang mahal?...

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa bayan at nagpunta kami sa McDo. "Ako ang magbabayad ng kakainin ko at ikaw ang magbabayad ng sayo.", sabi ni Lester, "Okay?".

Natuwa ako sa sinabi niya. "Okay!", sabi ko nang may malaking ngiti sa mukha ko. Parang nagbabago na si Lester. Dati kasi, ako ang nagbabayad tuwing nagde-date kami pero ngayon siya na ang magbabayad ng sa kanya... so next time, siya na ang magbabayad para saming dalawa! Hay! Kinikilig ako!!!

Ako ang umorder habang si Lester naman ay humanap na ng mauupuan. Pagkatapos kong umorder, hinanap ko agad si Lester at nakita ko siyang nakaupo na, nakahanap na kasi siya ng table para samin. Pero... may kausap siyang babae.

Ah... Hm... Normal lang naman yun. Madalas naman talagang may bigla-bigla nalang kumakausap sa kanya na mga babae. Nung nasa elementary school palang kami nilalapitan na rin siya ng mga kaklase naming babae eh... pati nung highischool... at syempre, lalo na ngayon. Wala akong magagawa dun saka hindi niya kasalanan yun kaya ayos lang.

Lumapit nalang ako dun nang parang wala lang, kailangan ko lang dalhin ang pagkain na inorder ko para makakain na kami ni Lester sa date na'to kasi monthsary namin ngayon.

Nang makita ako nung babae, tumayo na rin naman siya at umalis. "Tatawagan nalang kita.", sabi ni Lester dun sa babae.

Umupo na agad ako sa inalisan nung babae kasi baka may makauna pa sakin. "Eto oh.", sabi ko tapos binigay ko yung pagkain niya sa kanya. Pagkatapos niyang kumain, bigla nalang siyang tumayo. "Sandali lang.", sabi ko at pinigilan ko siya. Kinuha ko ang keychain na regalo ko sa kanya para sa monthsary namin, "Happy monthsary.", sabi ko, "Sana gamitin mo.".

"Okay... okay...", sabi niya tapos kinuha niya yung keychain at saka siya umalis. Hindi naman talaga ako nage-expect ng regalo mula sa kanya kaya ayos lang pero...

In a Relationship with a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon