4. Chat with a stranger

2.9K 82 4
                                        

Writer's note: wala akong masabi... thank you?.... haha! Thanks sa mga nagbabasa nito! ^__^

&&&


In a Relationship with a Playboy

written by imnotgivingup


4. Chat with a stranger

Point of View:

-Maria Isabelle Santiago-


"U-umiiyak ka?", tanong ng lalaking pamilyar sakin. Umupo siya sa bench sa tabi ko. "Hindi ko alam ang nangyari...", sabi niya tapos inabutan niya 'ko ng panyo, "...pero tingin ko dapat hindi ka umiiyak.". Tumingin ako sa kanya tapos naalala ko na, siya pala yung nabangga ko sa school. Bigla naman siyang nagulat nang tingnan ko siya. "AH! Ah. ano. Ako nga pala si Jerome.", natataranta niyang sabi tapos inabot niya ang kamay niya sakin para makipag-shake hands.

"Isabelle.", sabi ko naman at nakipag-shake hands na 'ko sa kanya.

"Ah. Oo. Oo. Pwedeng Belle nalang din?", tanong niya na sinagot ko ng pagtango. "Eto nga pala.", sabi niya tapos may inabot siya sakin na cellphone, cellphone ko.

Wala akong masyadong energy kaya tinanong ko lang siya nang mahinahon, "Magnanakaw ka ba?".

"H-hindi!", sagot niya. "Kung magnanakaw ako, edi sana, hindi ko na binalik yan.", katwiran niya, "Saka, dapat tumatakbo ka na ngayon kung magnanakaw ang tingin mo sakin.".

Tumango nalang ako sa sinabi niya at sinabing, "Salamat.".

"Oo nga pala, pasensya na.", sabi ni Jerome, "P-pinakealaman ko kasi yang cellphone mo.". Napatingin ako sa kanya nang marinig ko yun, bakit?. "Ah. Ganto kasi yun eh... Nag-ring bigla yan, edi sinagot ko na kasi baka isipin pa ng tumatawag, may nangyaring masama sa'yo.", paliwanag niya, "Eh ayun nga, tama naman ang desisyon ko kasi mama mo pala yun. Pinaliwanag ko nalang sa kanya ang nangyari na nahulog mo yan nang mabangga mo 'ko tapos tinanong ko na rin sa kanya kung sa kayo nakatira kaya eto na 'ko.".

"Okay. Hindi naman ako galit.", sabi ko, "Andami mong sinabi eh.".

"Syempre, baka isipin mo masama akong tao.", sabi naman niya, "Saka tinawag kaya kita nung nahulog mo yan... kaya lang hindi mo naman ata narinig yun.". Napaisip tuloy ako, ah. hehe. narinig ko nga yun pero hindi ko talaga pinansin. "O-okay ka lang?".

"Hmm. Oo naman.", sabi ko tapos pinilit ko nang ngumiti.

"Hindi naman sa nanghihimasok ako ah.", sabi niya, "Pero bakit ka ba umiiyak?... Ah! Hindi mo naman kailangang sagutin kaya okay lang kung ayaw mong sabihin.".

"Hindi. Wala lang 'to.", sabi ko, "Alam mo kasi... baliw lang talaga 'ko. Huwag mo na 'kong intindihin.".

"Ah. Ganun ba?", nakisakay naman siya sa biro ko. "Ang ganda mo namang baliw, kung ganun.". Parang tumigil yung oras nang narinig ko yun... yun yung unang beses na may nagsabi sakin ng ganun na mula sa isang lalaki bukod sa daddy ko. Nang natulala ako sa kanya, siya naman ay nataranta na naman. "Ah! Eh. ano. ganto. wala. Joke lang yun.", sabi niya, "AH! pero hindi talaga yun joke kasi maganda ka naman talaga... oo, yun nga, tama. Yun nga ang ibig kong sabihin.".

In a Relationship with a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon