9. I was wrong

3K 66 4
                                    

Writer's note: Guys! Thanks sa patuloy na pagbabasa! Pati na sa votes and comments! :D Pambawi sa 1 page na chapter! ;DD

&&&


In a Relationship with a Playboy

written by imnotgivingup


9. I was wrong

Point of View:

-Maria Isabelle Santiago-


Pagkatapos kong maranasan ang déjà vu na yun, mukhang hindi na ulit yun mauulit, kinabukasan kasi nun at pati na sa sumunod na mga araw, hindi ko na nakikita si Lester sa school at hindi ko alam kung bakit. Tumagal yun ng tatlong araw kaya...

"Oo, maganda nga yung pelikulang yun.", sabi ni Jerome, "Pero kadiri yung part na kinain ni R yung utak ng boyfriend ni Julie. Niluw------".

"Um... ano... Jerome.", pinutol ko muna ang pagku-kwentuhan namin tungkol sa movie na Warm Bodies, "S-si Lester?... Ano bang pinagkakaabalahan niya ngayon?". Hindi pa rin ba pumapasok sa utak niya ang pagso-sorry?... Tatlong araw nalang at aalis na 'ko...

"Hindi ko alam eh.", sagot naman niya, "Hindi nga siya pumapasok nitong mga nakaraang araw eh... saka ngayon.".

A-absent?!. "Eh bakit absent?", tanong ko. Bihira lang naman siya umabsent ah... paisa-isa lang naman siyang umabsent. 'Di kaya may sakit yun?

"Eh bakit mo tinatanong?", pagbabalik niya ng tanong sakin. Nang hindi ako makasagot, napangiti nalang si Jerome, "Ang swerte talaga ni Lester sa'yo... kaso hindi niya alam yun.". Napahawak siya sa ulo, "Hayy! Bakit ba ang tanga ng lalaking yun?!", sabi niya, "Hm. Anyway, baka may sakit siya kaya absent.".

"A-ah. Ganun ba.", sabi ko, "Salamat.".

Nagpunta na ako sa sumunod kong klase. Mabilis namang natapos ang mga klase ko pero yung huli kong klase late na nagdismiss ang prof.

"Hatid na kita.", sabi ni Jerome na naghintay talaga sa paglabas ko ng classroom.

"Nako, hindi na, Jerome.", sabi ko naman. Nakakahiya na kasi sa kanya, madalas niya kasi akong hinahatid. "Late na eh diba may practice kayo ng grupo mo ngayon para sa bagong competition na sasalihan niyo.", dagdag ko pa, "Kailangan ka nila dun. Saka hindi mo naman talaga kailangang ihatid ako.".

"Hm. Sige na nga.", sabi niya, "Bye. Ingat ka ah.", tapos umalis na siya.

Pagkaalis ni Jerome, umalis na rin ako para makauwi na. "Kumusta po ang araw niyo?", pagsalubong sakin ni ate Therese.

"Okay naman po.", sagot ko naman tapos umakyat na 'ko sa kwarto para magbihis. Nanood ako ng tv nang saglit pero hindi ko talaga matanggal sa utak ko ang tanong na, May sakit ba siya?, kaya naman... "Um. Ate, may pupuntahan lang po ako.".

"Ingat po.", sabi naman niya. Tapos umalis na 'ko para pumunta kina Lester.

Hay. Bakit ko ba 'to ginagawa?. Sinabi ko na nga na hindi na 'ko babalik dito eh. Haa... bakit ba kasi ako nag-aalala sa kanya... bakit ba mahal ko siya?

Naglakad na 'ko papunta sa kinatatayuan ng bahay nina Lester pero napatigil ako paglapit ko sa gate ng bakuran nila. Nakita ko si Clarisse... na kumakatok sa pinto ng bahay. Hindi nalang ako nagpatuloy at bumalik nalang ako sa bahay ko.

In a Relationship with a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon